Chapter 6

182 3 0
                                    

-----



❤Leah Alexandra Lavigne❤
.
.
.
.

Agad ako pumunta sa kwarto niya. Nakita ko naman ang cellphone niya at yung sinasabi niyang brown envelope.

Syempre sinilip ko muna para naman sigurado akong tama ang dala ko. Ayoko ko nga ng pabalik-balik tsaka may sakit pa si Clinton.

Nang masigurado ko ay agad ako lumabas ng mansion at nagpara ng taxi. Sinabi ko kung saan kami at pinaandar na niya ito.

"Kuya, pwede pakibilisan."

"Sige po Maam!"

Mga walang isang oras ay nakarating na ako doon. Pagbaba ko namangha agad ako dahil sobrang taas ng building na iyon.

Nakadama ma ako ng panlulula. Tumakbo ako sa may entrance pero pinigilan ako ng guard na nakabantay.

"Maam, bawal po kayong pumasok."

"Huh?! Ehh, aabot ko lang naman ito sa..... sa amo ko!",pagpapangap ko para payagan ako nito.

"Sino po ba iyon, at tatawagan namin para makumpirma na pwede na kayong pumasok."

"Uhm.... Hanel?".hindi ko siguradong sabi.

"Hanel? Ahhh, si Hanel King Monterey?"

"Opo! Tama po! Pakisabi sa kanya na nandito na ako ay este si Leah!"

"Sige po Maam."

Tumayo ako sa gilid habang tinatawagan nila ito sa loob.

"Maam, pwede na po kayong pumasok. Nasa 5th floor po siya."

"Sige po, salamat po."

Tumango nalang ito tsaka ako pumasok. Since hindi ako sanay sa elevator ay tumakbo nalang ako at gumamit ng escalator.

"Ha...haaa....",hingal kong sambit nang makarating na ako sa 5th floor.

Hindi ako nagsayang ng oras at hinanap kung saan siya ngayon. Habang hinahanap ko siya ay may biglang tumawag sa akin.

"Leah?"

"Ikaw pala, eto na ang pinapadala mo!"

"Thanks....",cold na sabi niya sabay alis. Hindi man lang ako binigyan ng pamasahe pauwi. Hayy, naubos na kasi ang money ko kanina papunta palang dito.

"Tama! Tatawagan ko si Dean! Tama!",banggit ko sa sarili.

Pero..... Naalala ko pala na wala akong cellphone. Ang tanga-tanga mo naman Leah! Napakamalas mo talaga!

Maglalakad nalang siguro ako. Sana hindi ako maligaw.

Bumaba ng ako at luambas ng building. Saan kaya ako dadaan? Siguro sundan ko nalang kung saan dumaan yung taxi kanina.

Habang naglalakad ako, syempre nagtatanong din ako. Baka mawala ako.....

Habang papalayo na ako sa building na iyon ay nakaisip ako na sumakay na ako ng taxi tapos pagdating ko sa mansion doon ko siya babayaran.

Tumawag na ako ng taxi. Sumakay ako at sinabi sa kaniya ang address. Pagkadating ko ay pinahintay ko siya at agad tumakbo papasok para kumuha ng pera.

Umakyat ako sa kwarto ni Clinton para humiram. Pagkapasok ko ay muntik na ako atakihin sa puso ng makita kong may tao sa loob.

"Sorry, okay ka na ba? Nagulat ka siguro ng sobra."

"Ahh, okay lang. Ahm, pwede ba humiram ng pera? Kasi....."

"Magkano ba?"

"Ahm, 500 sana..."

Shh! I'm their secret slave  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon