Prologue

356 22 11
                                    

Naomi

"Hmmm, tell you about myself? Well, I'M A GODDESS. Maputi, slim, di sobrang tangos pero pwede na, maliit ang muka at maganda ang mga mata. A living barbie doll, sabi nga nila.

Ano pa ba? Paano maging successful na estudyante like me? Duh, tinatanong pa ba yan? Edi syempre mag-aral ka. Basic. Di ka naman pinapasok sa school para tumunganga lang. Hello, mahiya ka sa magulang mo.

Pero tama kayo. Matalino ako. Atleast di lang puro ganda. Honor student ako since elementary. I love writing. Kaya naman madalas akong isali sa iba't ibang literature contest. Campus journalism, essay writing contest, indie film making? Lahat yan nasalihan at naipanalo ko na. Editor-in-Chief din ako ng schoolpaper namin. Dapat lang na ganun noh? Di puro kaartehan sa buhay ambag mo sa eskwela.

About school? Hmmm okay na rin. Except sa mga teachers na kung makapagbigay ng mababang grades wagas. E di naman nagtuturo. Tapos 'yung fascilities pala medyo bulok. Pano na lang matututo mga students na di ko tulad na matalino? Diba? Sa laki ng tuition fee sino ba namang di manghihinayang? Tsk. So ayun lang siguro. Thank you!"

Nakita kong napanganga ang buong faculties sa stage. Yeah, I know. That was a jaw-dropping speech. Kung bakit ba naman kasi ako pa ang napiling Validictorian. Sabagay di ko rin masisisi ang grades ko.

"Tha-thank you for that wonderful remarks, Ms. Naomi Ramirez." At sabay sabay nagpalakpakan ang mga tao. Narinig ko ring naghihiyawan ang mga estudyante sa loob ng convention center.

"I love you Mimi!" sigaw ng mga abno kong tropa.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Nasa unahan kaming mga top students kaya malayo ako kina Kyla. Tas eto pang nasa tabi ko kanina pa tingin nang tingin sakin. Lalo tuloy akong naiinis.

"May sasabihin ka?"

"Ahhh..."

"Ano?" irita kong tanong.

"Na-aomi...ano...pwede pa-picture?"

"Yun lang pala di nagsasabi." Hinablot ko ang hawak nyang digi cam. Then, alas!

"Oh ayan okay na ha? Tigilan mo na kakatitig nakakairita e." Nakita kong nawala ang kilig sa mga mukha nya.

I don't care. Totoo naman e. Shitty.

Matagal-tagal din bago natapos ang napakaboring na program. Pagtapos naming mag-picture magkakaibigan agad kong hinanap si Mama. Nagugutom na ako. Nasaan na ba 'yun?

"Aray!" Napaliyad ako nang may kumurot sa tagiliran ko. Anak ng...

"Ikaw babae ka, wala ka talagang ibang ginawa kundi sakit ng ulo!" Hehe ang maganda ko palang Mama.

So ayun, as usual sermon ang inabot ko hanggang sa bahay. Pero okay lang. Pasok sa kanan labas sa kaliwang tenga.

My story isn't about a princess who's under a magical spell that wears off at midnight or about a cursed princess who will die on her 16th birthday. Tungkol lang naman ito sa isang babaeng ewan ko ba kung san namana ang tabas ng sungay.

I AM NAOMI, THE CAMPUS BITCH.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now