Chapter Eight

74 13 14
                                    

Writer's POV

Halos tatlong oras lang ang itinagal ng orientation. Pagkatapos ay agad nang pinabalik ang mga estudyante para ipagpatuloy ang kanya-kanyang mga klase.

"So as what the CAS President said awhile ago, you have to decide na kung sino ang ilalaban for Mr. and Ms. CAS 2021," wika ni Sir Rocco nang makabalik na ang lahat sa classroom.

"I nominate Zoe, Sir!" suhestiyon ng isa.

"Uy di ako bagay dyan. Si Naomi po Sir. She's more beautiful po," pagpapaliwanag ni Zoe.

"Naomi?"

"I resist Sir. Si Zoe na lang po."

"Zoe? Ayaw ni Naomi. I guess we don't have any choice."

"Hmmm okay po Sir. Para po sa BSP 1-3."

"Zoe! Zoe! Zoe!" hiyawan ng mga kaklase nito.

"And for the escort?"

"I suggest Dexter Sir!" sigaw ni Naomi. "Tulog po siya pero I'm sure po na papayag 'yan."

"Hm okay. So ikaw na ang magpasa ng pangalan nilang dalawa sa office. Tell them na sila na ang final representatives natin for the pageant."

"Okay Sir!" masiglang tugon ni Naomi.

Dexter

"ARE YOU CRAZY?!"

"Silence," sita ng librarian. Agad naman akong tumahimik. Sino ba namang hindi iinit ang ulo sa babaeng 'to. Nagdesisyon ba namang isali ako sa isang pageant without my f*cking consent.

"Excuse me? Mamaya ka na makipagtalo dahil nag-aaral ako. Can't you see?"

Isinarado ko ang binabasa nitong libro at tinignan ito nang malapitan.

"I don't care. Pagtapos mo akong isali 'dun, do you think patatahimikin kita?"

Naomi

Parang may nagbara sa lalamunan ko. Ilang inches lang ang layo ng mukha naming dalawa. Titig na titig ang mga mata nito sa mga mata ko. Aggression. That's the only word to describe those stares.

"You are blushing," he smirk.

"Kapal ng muka mo." Mabilis kong dinampot ang mga gamit ko at naglakad palabas.

"Kinakausap pa kita," sabi nito nang hawakan ang braso ko.

"What do you freaking want?!" sigaw ko dito nang makalabas na kami ng library. Pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nakatambay sa school cafe.

"Ahm guys, would you mind to calm down? Medyo nakakahiya na hehe," pag-aawat ni Fatima.

Writer's POV

Nasa parking lot na ang dalawa para doon mag-usap. Bihira lang kasi ang tao dito pag gantong oras.

"Ano ba'ng gusto mo?! Just drop it dahil nasasayang ang oras ko."

"Dahil ikaw lang din naman ang nagsali sakin 'dun I want you to be my handler and such."

"What?!"

"Bingi ka ba or mangmang ka lang? Gusto kong ikaw ang mag-asikaso sakin sa lahat-lahat. Sa wardrobe, sa talent, sa make-up and all. Gets?"

"Ang kapal ng--" hindi na nito naituloy ang sinasabi ng takpan ni Dexter ang bibig nito.

"Pakana mo 'to right? I'm in."

Naomi

"Ayan kasi kasalanan mo 'yan," sambit ni Fat sa kabilang linya. Kausap ko ito through video call.

"E kahit naman di ako mag-suggest 'nun siya lang rin naman ang fit for that role ah?"

"Kaya nga, pero dapat syempre may pagsang-ayon pa rin niya."

Napatakip na lang ako ng unan. Di ko naman alam na ikakapapahamak ko pa pala 'yun. Gusto ko lang namang mag-suggest. Oo na, aminin ko rin. May part na gusto ko lang bwisitin si Dexter pero believe me or not, buong-akala ko ay gusto rin nito sumali sa ganon lalo pa't model ito.

"Oh anong balak mo?" tanong nito na nagpabalik sakin sa ulirat.

"E ano pa nga ba? I have no choice kundi tulungan 'yung mokong na 'yun."

Hays Naomi, ano ba 'tong pinasok mo?

I decided na magbasa na lang ng notes para ma-divert ang isip ko. Natigilan ako nang may mag-notify sa phone ko. Friend requests pala sa Facebook ko. I scan kung sino-sino ang mga nag-add sakin. Napahinto ako nang may mabasang isang weird na username.

ThiccBrowMan.

What the heck is that name?

Writer's POV

"Eto."

Napa-angat ng ulo si Dexter nang ihampas dito ni Naomi ang isang folder.

"Ano 'yan?" tanong nito at halata sa matang bagong gising.

"Ayan lahat ng dapat nyong iprepeare for the pageant. 1 outfit for the talent, 1 school uniform which is meron na kayo non, 1 costume for malikhaing kasuotan, 1 formal attire and prepare also your Barong at Filipiniana for the Coronation Night."

"Ang dami pala," saad ni Zoe. Bumalik naman sa pagkakatungo si Dexter na para bang walang narinig.

"Hoy ano ba?" panggigising dito ni Naomi.

"Anong ano ba?" iritang tanong nito.

"Pageant ko ba 'to ha?"

"Handler kita remember?"

Nagtatakang lumingon sa kanila ang lahat.

"But still, kailangan mo pa rin akong tulangan for the preparations. Hindi ako ang lalaban, you."

"Gusto mo tulungan na lang kita Dex? Free ako this weekend," sabat ni Zoe.

"Naomi, kita na lang tayo this Saturday. Give me your number for the plan," pag-iiba nito na para bang di narinig si Zoe.

"Sumama ka na Zoe tutal partner naman kayo."

"Ayaw ata ni Dex e. Kayo na lang."

"Wala 'yang magagawa."

Kahit ayaw din naman ni Naomi kay Zoe ay wala itong choice kung hindi isama ang babae. Hindi pwedeng wala ito sa paghahanda lalo pa't ito ang kapareha ni Dexter. Hindi niya na rin iniisip na abala sa kanya ang pagtulong sa dalawa dahil nangako naman ang ibang profs nilang may additional grades ang buong section kapag nanalo.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now