Chapter Nineteen

70 11 7
                                    

Naomi

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. I saw nothing but blurred images.

"Dex..." tawag ko sa lalakeng nakatungo sa tabi ng hospital bed na hinihigaan ko.

"Are you alright?"

Teka, hindi boses ni Dex ang naririnig ko.

"Si-sino ka?"

At sa paunti-unting paglinaw ng mga mata ko, isang pamilyar na mukha ang tumambad sa harap ko. Mukhang matagal na panahon ko nang hindi nasisilayan. Bakit Zach? Bakit? Hindi ako handa...

Writer's Pov

"Anong ginagawa mo rito?" walang emosyon na tanong ni Naomi sa lalake habang pinipilit iupo ang sarili sa higaan.

"Let me help--"

"Ano sabing ginagawa mo rito Zach?!"

"I-I didn't know na sa MSU ka rin nag-aaral."

"What are you trying to say? Kung nalaman mo, iiwasan mo ako? Ganun ba ha?"

"Thats not what I mean."

"So what do you freaking mean?! Tell me gaano ka na katagal dito sa Pinas!"

"Kakauwi ko lang. Almost two weeks ago. Believe me, Naomi."

"Oh wow! You want me to believe you after mong maglaho na parang bula without even saying goodbye? Saan ka kumukuha ng tigas ng mukha?"

"Naomi..."

"Get lost."

"But..."

"Bingi ka ba?Ang sabi niya umalis kana," sabat ni Dexter na noo'y kadarating lang.

"Sino ka ba?"

"Wala ka nang pake 'don."

"Umalis ka na Zach. Wag ka nang magpapakita."

"I can't promise that Naomi," tugon ni Zach. "And you, see you around," bulong naman niya kay Dexter bago tuluyang lumabas ng pinto.

"Kumain ka na?" tanong ni Dexter nang makaupo na sa upuang malapit sa tabi ng dalaga.

"Hindi pa obviously. Saan ba kayo nanggaling ni Fat?"

"Si Fat kasama ni Tita. Bibili raw ng pagkain. Ako naman galing taping kaya ngayon lang nakapunta, sorry."

"Ahhhh..."

"Pagbalat kita?" he asked while holding an orange.

"Wag na. Gala mo na lang ako."

Dexter

Naomi suggested na isakay ko sya sa wheelchair para ilibot sa hospital.

"Napapadalas ata pagco-collapsed mo?"

"Himatayin talaga ako."

"Bakit?"

"Dami mong tanong. Ayusin mo na lang pagtutulak pwede?"

"Hoy saan ka?" tanong nito nang maglakad ako patalikod.

"Ikaw na magtulak sa sarili mo."

"What?! Isa Dexter!"

"Puro ka reklamo, nakikisuyo ka lang. Bahala ka dyan."

"DEXTER DAMON, BUMALIK KA OR ELSE ITITIRINTAS KO 'YANG SMALL AT LARGE INTESTINES MO!"

"Edi go. I doubt na makakatayo ka."

"ONE."

"Say please Master Dex."

"DALAWA."

"Ayaw mo? Okay, madali akong kausap."

"TAT-" napalingon ako nang biglang may parang paghikbi akong narinig.

"Hoy? Umiiyak ka?!" Dali-dali ko itong nilapitan. "Hoy Naomi, ano ba?!" muli kong tawag dito at saka itinaas ang ulo nitong nakatungo.

"IKAW!"

"Aray, aray!"

"Sabi ko sayo diba yari ka sakin 'pag nahuli kita? Ayan, ayan!"

"Aray ang sakit! Aray ko. Naomi, tama na! Aray!" sunod-sunod kong sigaw nang tadtarin ako nito ng kurot, hampas, sabunot, lahat na!

"May Master Dex, Master Dex ka pang nalalaman ha? Ito'ng sayo!"

And----suddenly...

Naomi

He is on top of me. Sa sobrang kalikutan namin bumagsak na kaming pareho sa baba at ngayon ay nasa ibabaw ko sya. This is not the first time pero grabe pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing magkakalapit ang mga mukha namin. Parang sasabog...

"Ah nak?"

Pareho kaming napalingon ni Dexter sa nagsalita.

"Kain na tayo? Pagtapos niyo diyan? Pero wag sana rito hehe," awkward na sambit ni Mama.

"Aray!" muling sigaw ng kumag nang itulak ko nang malakas.

"Kanina pa namin kayo hinahanap ni Tita. Di mo man lang kami tinext na..."

"Shut up!"

Tumawa lamang si Fat at Mama. Bwiset!

"Tara na Dex. Masarap 'tong binili ko."

"Hoy pano ako? I can't walk Ma!"

"Nakatayo ka nga oh. Nag-iinarte ka lang. Tara na po Tita, gutom na po ako."

"Demonyo!"

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now