Chapter Fourteen

60 13 5
                                    

Naomi

"Sure kang kaya mo?" tanong sakin ni Dexter habang sinusuotan ako ng helmet.

"Oo. Kakapit na lang ako'ng maigi." Umangkas na ako sa motor. Dahil nanghihina ako ay nag-aalala itong baka bumitaw ako bigla.

"Wag kang maarte. Baka mahulog ka." sambit nito nang iyakap nya ang dalawang braso ko sa kanya. Isinandal ko rin ang ulo ko sa balikat nya. Nahihilo ako.

Napadilat ako nang may parang basang towel na dumampi sa balat ko. Si Fatima ang bumungad sa akin.

Hays, buti naman at panaginip lang.

"Bakit ka andito?"

"Ano ka ba? Three days ka nang tulog at nilalagnat."

What?!!!! THREE DAYS?!!!!

"ARE YOU KIDDING?!"

"Ofcourse not. Look," sabi nito sabay turo sa dextrose na ngayon ko lang napansing nakaturok sa akin.

Tatlong araw akong walang malay?! Hell, no.

"Si Dexter ang naghatid sayo dito. Buti na lang ay alam nya na 'tong bahay nyo."

So, that wasn't a dream.

"Alam mo rin bang may case kang kinakaharap sa school ngayon?"

"Case? What do you mean?"

"Sinumbong ka ni Sir Rocco na binugbog mo raw sya nang di sya pumayag sa gusto mong mataas na grades kapalit ng....alam mo na. Hindi raw sya makaganti sayo gawa ng estudyante ka at child abuse 'yun kapag nagkataon. So he call out a disciplinary meeting for you. If you are proven guilty, pwedeng masuspend ka or else ma-expel sa university."

Wow, ibang klase. Bumalik sakin lahat ng nangyari ng araw na 'yun. Ikinwento ko kay Fatima. Even her can't believe how horrendous Sir Rocco can be. Sino ba namang mag-aakala na ang ganoong ka-decent na prof ay may ugaling manyak pala? Hindi na bago sakin 'to. Ilang beses na rin akong nabastos at muntik nang ma-rape. Kaya nga marunong ako ng self-defense. 'Yun nga lang, ang hirap kalaban ng trauma.

"I'm sorry. Wala ako sa tabi mo 'nun para ipagtanggol ka," malungkot na sambit ni Fatima.

"Gaga, wag ka ngang madrama. Kaya ko naman."

"Kaya? Tignan mo ngang nangyari sayo."

"Wala 'to."

"Ano ng plano mo ngayon?"

"I'll tell them the truth. Wala akong kasalanan."

"Pano? Ni walang CCTV sa floor na 'yun. At kitang-kita sa g*gong 'yun ang mga galos at sugat na ginawa mo. Wala ring kahit isang tao 'nun na pwedeng maging witness mo."

Wise move. Inunahan akong magsumbong para mabaligtad ang nangyari. Damn opportunist.

Zoe

Ngayon dapat ang araw ng pageant pero na-moved ito nang magpatawag ng disciplinary meeting si Sir Rocco laban kay Naomi. Kalat sa loob at labas ng MSU ang issue. Binansagan nga itong "Grade Digger" sa buong campus.

Nasa vending machine ako nang marinig ko ang bulungan. Well, normal ko nang naririnig ang ganoong usapan since three days ago.

"Siguro ganun din ang ginagawa nya sa dati nyang school kaya lagi syang may honor," rinig kong sabi ng isa.

"The word bitch really suits her personality. Pati teacher lalandiin nya para lang makakuha ng mataas na grades. Pathetic."

"Anong sabi nyo?" That voice is familiar. Si Naomi???

"Pakiulit," wika muli nito nang lapitan na ang dalawang babae.

"A-ang alin?"

"Everything. Say it infront of my face, boneheads." Hindi umimik ang dalawa. Nanginginig ang mga ito sa takot.

"Di kayo magsasalita?" Nanlaki ang mga mata ko nang ibuhos nito ang hawak na milktea sa dalawa.

"Sa susunod na may problema kayo sakin just direct it to me." Tumalikod na ito at naglakad palayo. Sumunod naman kami ni Fatima na noon ay nakasukbit ang braso sa akin.

"And by the way," pagpapatuloy ni Naomi nang lingunin ulit ang dalawa. "you're right. The word bitch really suits my personality. So be careful," and then she winks.

Naomi

Pumasok na muli ako sa school and today is the day na mag-uumpisa ang investigation para sa kaso ko. Nasa President's Office kaming lahat kasama ang iba pang nakakatataas sa university. Naroon din si Sir Rocco na kung umasta nga ay parang sya pa ang biktima. A complete moron.

"Where's your guardian?"

"I don't need any. Ayoko pong bigyan ng problema ang parents ko dahil lang sa manlolokong 'yan."

"Watch your words Ms. Ramirez," suway sakin ng Guidance Counselor.

"Kapag napatunayan kong wala akong kasalanan just promise na papatalsikin nyo ang teacher na 'yan."

"At kapag hindi?"

"I'll leave."

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now