Writer's POV
Busy ang buong CAS department ng Miller Science University para sa three-days program ng mga ito. Ngayon ang unang araw. Excited ang lahat lalo na ang mga freshmen. Ito kasi ang pinakaunang awaited event na mararanasan nila sa MSU. Maririnig ang malakas na hiyawan dahil sa ginaganap na Battle of the Bands sa auditorium. Makikita ring nag-rerehearsal ang mga candidates ng Mr.&Ms. CAS sa quadrangle na maglalaban-laban sa pangatlong araw ng event. Nasa room naman sina Naomi kasama ang ibang class officers para magdecorate. May contest din kasi para rito at Neon Lights ang theme.
"Naomi, pinapatawag ka ni Sir Rocco," sambit ng isa nitong kaklase.
"Bakit daw?"
"Walang sinabi e. Basta raw puntahan mo sya sa old faculty."
Naomi
Old faculty? Bakit dun e bakante na ang lugar na 'yun?
Nagtataka man ay pinuntahan ko pa rin ang sinabing kinaroroonan ni Sir Rocco. Baka magbibigay ito ng instructions para sa room designs and such.
Nasa fifth floor ang old faculty at ito ang pinakahuling kwarto roon. Dahil galing pa ako ng third floor, I decided na mag-elevator na lang. Sobrang tahimik ng hallway. Nasa labas kasi ang lahat ng estudyante kaya hindi na kataka-taka.
I knocked on the door nang nasa tapat na ako. Walang sumasagot kaya pumasok na lang ako.
"Sir?"
Writer's POV
Napapitlag si Naomi nang makita si Sir Rocco na lumabas mula sa gilid.
"Upo ka," pag-aalok nito after sitting on a swivel chair.
"Pinapatawag nyo raw po ako."
"Ah yes. I have something to discuss." Tumayo ito at isinara ang pinto. Dahan-dahan itong humakbang palapit kay Naomi.
"This is a safe place," mahinang bulong nito while caressing her arms.
Naomi
Di na ako nakapagpigil at sinuntok ko ito sa mukha. Nang magtangka pa itong tumayo ay sa sikmura ko naman tinamaan.
"You call yourself a teacher? Sorry but you've got the wrong victim. Makakarating 'to sa school authorities," wika ko rito bago ako lumabas ng kwarto.
Nanginginig pa rin ako. I was so scared. I can't deny it. Patakbo akong lumabas ng building. Wala na akong pake sa kung sino ang nababangga ko at kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
F*ck! Why me? For all the people, bakit laging ako?
Dexter's POV
Nagulat ako nang makasalubong ko si Naomi. I was heading to the classroom nang makita ko itong tumatakbo. Ni hindi nga ako pinansin nang mabunggo nya ako. But there's one thing I am sure about. She's not okay. Kakaiba ang emosyong nakarehistro sa mukha nito. Fear?
Sinundan ko ito kung saan pupunta. Patungo ito sa Central Park na noon ay walang katao-tao. Nagtaka ako nang bigla itong bumagsak paupo sa damuhan.
"Hoy! Anong nangyari?" tanong ko rito while lifting her head. Wait, she's crying.
"Dex..." Bigla itong yumakap sakin at humagulgol. F*ck what happened?
"Tell me anong nangyari, hey!"
Writer's POV
Dinala ni Dexter si Naomi sa Infirmary nang mahimatay ito. Hindi na rin ito umattend ng practice nya at nagprisintang sya na ang magbabantay sa dalaga.
He didn't even know kung anong nangyari. Basta ang alam nya ay maputla ang babae nang makita nya. Her skin was cold and clammy too. Nahihirapan din itong huminga at kinagulat nya nang bigla itong maging unconscious.
Nagising si Dexter nang may humawak sa kanya. Nakaidlip pala sya.
"A-anong nang-yari?" tanong ni Naomi na ngayon ay gising na.
"You collpased. I should be asking you that question. Anong nangyari sayo kanina bago kita nakita?"
"Gusto ko muna magpahinga. Just take me home, please. Wala na akong lakas."
YOU ARE READING
Naomi Ramirez: The Campus Bitch
RomanceNaomi Ramirez is not just a typical "top student". She might have the wit and all, but ain't a nerd. She may be gorgeous, but ain't a princess. Make way immediately if you see her walking, for the word "BITCH" always comes after her name. That's no...