Chapter Four

93 15 10
                                    

Naomi

"I'm Dexter Z. Damon." Buong pagtataka namin siyang hinabol ng tingin nang dire-diretso itong naglakad paalis. 'Yun na yon? Agad itong nagpunta sa pinakalikuran at sabay tungo ng ulo. Kaya pala di ito napapansin kanina.

Anyway, I can't deny that he's a catch. Gwapo, maputi rin at matangkad. He has a pair of thick brows at namumula rin ang mga labi nito. And his jaw? Damn, he really looks like a model sa isang sikat na magazine. Wait...

"Naomi, look!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa screen ng phone ni Fat. Hell no, isa nga syang legit na model. And guess what? Ambassador lang naman sya ng isa sa pinaka-favorite clothing line ko!

Napatingin ako sa pwesto ng lalake. Nakatungo pa rin ito. Tsk.

Writer's POV

Pabagsak na inihiga ni Naomi ang katawan sa kama. Ngalay ang buo nitong pakiramdam dahil sa buong araw na pagkatunganga. Ganoon palagi. The more na wala siyang ginagawa the more na nakakapagod. Nakatingin lamang sya sa kisame. That position is somehow familiar to her. 'Yung para bang nakahiga at nakatingala sa taas? That reminds her someone from the past. Hindi na niya namalayan ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha...

Naomi

Kriiiinggggg!

Naalimpungatan ako nang magring phone ko. Nakatulog pala ako?

4 missed calls from Fatima Roque. What the heck is she doing?

"Yes?!" pabulyaw kong sagot.

"Kanina ka pa minemention sa gc. Sir Rocco is looking for you!"

Sh*t oo nga pala. I was assigned to be his student secretary at may iniwan itong gawain sakin kanina. Ito rin kasi ang homeroom adviser namin. Dali-dali akong nag-open ng messenger.

Naomi: Sir I'm sorry nakatulog po ako.

Rocco: It's okay. I've already sent you a pm. Dun na lang tayo mag-usap.

I immediately check my inbox. I open my message requests at nandoon nga ang chat ni Sir Rocco.

Rocco: Here's the new seat plan na nagawa ko. I randomly pick kung sino ang magkakatabi. Pakiayos na lang 'yung layout para maidisplay na sa room asap. Thank you😉.

Noami: Okay Sir.

I am about to log out nang magnotify naman ang facebook ko.

Rocco: Accept my friend request too❤.

Hmmmm, okay.

Writer's POV

"Wala syang social media accounts?!" buong pagtatakang tanong ni Naomi sa sarili sa ilang minutong paghahanap sa internet. Kahit anong search nya ay walang Dexter Damon na nalabas. Why does he become an ambassador kung di naman pala active 'to online? Probably it's because of his perfection. Kahit sinong kompanya siguro ay kukunin talaga ito.

Wait, what???

Natampal nito ang pisngi nang matauhan sa mga bagay na pinag-iisip niya. Bat ba sya nag-eefort kilalanin ang lalake. Wala itong pakialam sa kahit na sino bukod sa kanya, kaibigan (only Marga, Kyla and Fatima) at pamilya niya. Pinangako niya iyon sa sarili. She would rather rot in hell than having a heart who does care. A heart...

"Do I still have one?" she asked.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now