Naomi
Nasa convinience store ako ngayon together with Fatima to buy some chips. Today is Saturday and yeah, ngayon ang napagkasunduan naming araw para gumawa ng props for that shitty pageant.
Sa bahay namin ang location.
Bawal kasi kina Fatima dahil nakikitira lang din ito sa amo nyang nagpapaaral sa kanya. Yes, housemaid sya doon. Galing sya ng Samar nang magtransfer sya sa school namin noong junior highschool. Naging close namin sya nina Kyla at Marga kasi tuwang-tuwa kami sa mga kwento nya about province life. Kung hindi sa Manila ay sa QC kasi ako halos lumaki kaya I have no any idea what does it feels like to live in rural places. Kaya nga nangako ito sa aming tatlo noon na dadalhin sa lugar nila.
Kina Zoe naman pwede sana kaso bawal nga lang daw mag-ingay. May business works daw kasi ang mga magulang nito kahit sa bahay lang. So pano 'yun? Sign language lang kami ganon? Wala pa namang preno bunganga ko.
Sa apartment naman ni Dexter masyadong magulo gawa ng ito lang mag-isa. Syempre lalake, kaya medyo expected na 'yun.
Speaking of Dexter.....
I immediately check my phone at di naman ako nagkamaling kanina pa pala ito tumatawag. Sanay kasi akong naka-silent ang phone ko at naka-off maging ang vibration, aside for my loved ones ofcourse. You know, ayoko ng istorbo.
"F*ck! Bat di ka ba nasagot?!" bungad nito from the other line.
"Fyi lang Señorito, bumibili ho kami ng ipapakain sa inyo."
"Does taking up the phone would spend an hour? Ha?! Kanina pa ako dito. Sana sumagot ka man lang kahit saglit."
"Asan ka na ba?"
*Toot
Aba at pinatayan ako?!
Writer's POV
Agad natahimik si Dexter nang may lumabas na isang babae sa bahay na itinuro sa kanya. Nakamotor kasi ito kaya madali lang syang nakapagtanong-tanong kung nasaan ang bahay ni Naomi Ramirez.
"Ano iyon, anak?" tanong nito sa kanya. Magtatapon pala ito ng basura sa labas at nasaktuhan nya ang binata.
Maganda ang babae. Mestiza, matangos ang ilong at bagamat maliit ay maganda rin ang hubog ng katawan. Hindi nagkakamali si Dexter na ito ang nanay ni Naomi. Magkamuka kasi ang dalawa maliban lamang sa tangkad.
"Kaibigan po ako ni Naomi, Tita."
"Ay tuloy ka. Pasok ka, anak."
Pinaupo nito ang lalake sa sala.
Dexter
"Kanina ka pa ba?" tanong nito matapos akong alukin ng juice at cookies.
"Medyo ho."
"Di ka sinasagot ni Naomi noh? Narinig ko kasi."
Sh*t grabe pa naman ako makabulyaw kanina. Gg.
"Ah-- o-opo. E kasi po---"
"Psh. No need to explain. Alam ko kung gaano talaga nakakainit ng dugo 'yang anak ko. Mas malala pa akong magalit sayo."
Sa amo ng muka nito ay di ko maimagine paanong magalit 'to. Well, sa ugali ba namang meron si Naomi kahit anghel ay magkakasala talaga.
"Pero mabait na bata 'yan," muling sabi nito atsaka inilabas ang isang photo album na nakapatong sa ilalim ng glass side table.
Maganda talaga ang dalaga kahit noong bata pa. Puro kuha kasama ang ama nito ang mga litrato. Karamihan ay kandong-kandong at buhat-buhat sya. Halata ngang papa's girl ito base sa mga pictures.
"Nasaan na po si Tito?"
"Ang papa ni Naomi? Nagtatrabaho. Twice a year lang nakakauwi dito pero hindi overseas ha? Sa Manila lang. Sobrang busy lang talaga ng work nya kaya nahihirapang pumunta rito."
"Tuwing kelan lang po sya andito?"
"Tuwing birthday ni Naomi at every New Year. INC kasi 'yun kaya di nagcecelebrate ng Christmas."
"Sobrang sweet na anak nyan ni Naomi. Malayong malayo sa kung paano sya magpakilala sa inyo," pagpapatuloy nito.
I saw it sa mga larawan nito kasama ang magulang. Ibang-iba nga ang ngiti nito doon.
"Hindi naman sya dating ganyan. Nagbago ang lahat nung isang beses umuwi sya galing airport."
Naomi
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay agad kong napansin ang isang sapatos ng lalake sa shoe rack. Wait, andito si Papa???
"Papa!" Agad akong nadismaya nang si Dexter ang nakita kong katabi ni Mama. Teka, photo album ko ba 'yung hawak nya?
"Ma! Bat mo naman pinakita 'to sa lalakeng 'yan?" naiinis kong sambit matapos hablutin ang photo album.
"Bakit ba? Pinapakita ko lang kung gaano ka-cute ang prinsesa ko."
"Ih! Mamaya magnakaw pa 'yan ng picture ko e." Umakto pang parang nandidiri si Dexter. Palibhasa nakatalikod si Mama. Plastic.
"Osha asikasuhin mo na mga bisita mo. Wag nang magalit ayan ka na naman."
"Opo."
YOU ARE READING
Naomi Ramirez: The Campus Bitch
RomanceNaomi Ramirez is not just a typical "top student". She might have the wit and all, but ain't a nerd. She may be gorgeous, but ain't a princess. Make way immediately if you see her walking, for the word "BITCH" always comes after her name. That's no...