Chapter Fifteen

61 12 5
                                    

Writer's POV

"Are you crazy?!" sigaw ni Fatima sa kaibigan.

Nasa soccer field ang dalawa at nakaupo sa isa sa mga benches doon.

"At ikaw pa ang nag-suggest na i-expel ka if ever na di mo malinis pangalan mo, ha? Ni wala ka ngang kahit isang ebidensya," pagpapatuloy ni Fat. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkainis.

"E ano gagawin ko? Nasabi ko na," pagkikibit-balikat ni Naomi. Napahinga na lang ng malalim si Fat.

Maya maya'y nakita nila si Dexter sa di kalayuan. Tatawagin sana ito ni Fatima ngunt pinigilan sya ni Naomi.

"Bakit? Di ka man lang magpapasalamat sa kanya?"

"Mukhang busy din sya e. Next time na lang."

Halata kasi sa lalakeng nagmamadali ito. Ni hindi nga napansin nito ang dalawa kahit tanaw na tanaw ang mga ito mula sa pwesto nila. He looks occupied.

Naomi

At dahil on process pa ang kaso ko ay pansamantala munang sa ibang section ako makikiklase para sa subject ni Sir Rocco. Ofcourse, hindi pwedeng sa kanya pa rin ako umattend. Baka tuluyan akong mapatalsik nang dahil sa galit.

Pagpasok ko ay nagtinginan sa akin ang lahat.

"Good morning po Ma'am. Dito raw po muna ako sa inyo maki-sit in."

Umupo na ako sa bakanteng upuang itinuro ng prof. Buti na lang ay di ko major ang mokong na 'yun kaya di ako mahihirapan. Baka kasi advance na ito sa lessons or what.

CHAPTER 6: Bones and Skeletal Tissue

Ilang minuto na rin ang nakalilipas ay di pa rin tapos ang klase. Wala sa discussion ang utak ko. Di ako komportableng wala si Fat. Dagdag pa na di magaling magturo ang prof sa unahan. Lalong nakakawalang gana mag-aral. Sabagay, kaya ko naman aralin mag-isa ang topic nito kaysa magsayang na oras sa pakikinig.

Napatingin ako sa bandang kaliwa nang maramdaman kong parang may kanina pang tingin nang tingin sakin. Teka, sila ba 'yung tatlong lalakeng nabugbog ko 'nung isang beses na pauwi ako galing meeting???

Agad nag-iwas ng tingin ang mga ito nang mapansing nakita ko sila. Hmmmmm, ito pala ang section nyo ah.

Writer's POV

"I miss you!!!" salubong ni Fatima kay Naomi nang lumabas na ito sa classroom. Sinundo kasi nila ito at inantay nang matapos para sabay na kumain.

"O bat kasama 'yan?"

"Si Zoe? Bakit naman hindi?"

"Okay lang naman kung ako na lang mag-isa kung ayaw ni Naomi."

"Naomi naman. Tara na't mag-lunch na tayong tatlo. Gutom na gutom na talaga ako."

Naomi

Matapos umorder ay naghanap na kami ng mauupuan. Naabutan naming kumakain si Dexter sa isa sa mga tables doon.

"Uy Dex! Sabay ka na samin," pag-aaya ni Zoe.

Bigla itong tumayo at binitbit ang pagkain.

"Tapos na ako," sabi nito sabay alis.

Anong problema 'nun?

"Yaan nyo na lang. Kanina pa tuliro 'yan e. Baka may iniisip."

"Siguro. Kanina nga diba halos magtaka pati mga prof nang buong klase ay gising sya? Pero kahit si Zoe na katabi nya ay di rin kinakausap," wika naman ni Fat.

Di kaya galit sakin si Dexter?

Nang mga sumunod na subject na ay sa BSP 1-3 na ako ulit. Di pa rin ako pinapansin ni Dexter hanggang sa mag-uwian.

"Huy ano ba?" Tinignan lang ako nito atsaka isinilid ang mga gamit nya sa bag. Ano ba talagang problema ng lalakeng 'to?

"Galit ka ba?" Tinanggal nito ang kamay ko sa braso nya.

Nagulat hindi lamang ako nang hawakan nya si Zoe. "Let's talk," sambit nito bago hilahin si Zoe palabas.

"Oooooh," parang tangang reaksyon ng mga kaklase namin. Anong nakaka-amaze dun? Tsk.

"Omg may something sila???" Isa pa 'tong Fatima na 'to.

So kaya pala dedma ako, may nilalandi naman pala. At mukang may away pa kaya pati ako nadamay, ganon? Bagay silang dalawa. Isang feeling anghel tapos isang demonyo. A perfect combination.

Zoe

"Teka Dexter san mo bako dadalhin?" Hindi ito sumasagot. Di ko alam kung ano ba ang sasabihin nito sakin dahil maging ako ay nagtataka nang hilahin ako nito palabas ng classroom.

"Dexter ano ba kasi 'yun?" muling tanong ko rito nang huminto kami sa parking lot.

"I have many to ask. Just answer me honestly, Zoe."

Wait, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now