Chapter Three

109 15 8
                                    

Naomi

Agad kaming umupo ni Fatima sa napili naming mga upuan. We both prefer second row kaya doon na kami pumwesto.

"Go infront as I call your name," wika ng prof namin na infairness din naman ay gwapo, lalo na kapag ngumingiti. He's wearing a full-buttoned printed polo na nakabukas hanggang dibdib nya. Naka-washed blue fitted jeans naman sya sa ibaba na ipinares sa brown loafers. Halata namang malakas talaga ang appeal nya sa mga babaeng kanina pa nanginginig sa kilig. Tinitigan ko nga nang masama.

Sunod-sunod nagpakilala ang mga tinawag. Yeah, introduce yourself ang peg ni Sir Rocco. Ipupusta ko ang ganda ko na ganoon din ang ipapagawa ng mga susunod na prof.

"Ramirez, Naomi C."

Syempre pa, lahat ng atentsyon ay nakuha ko. Naghihiyawan din ang mga kalalakihan na nakaupo sa likod.

"Go Naomi, Baby!" narinig kong sigaw ng isa. Agad ko naman syang inirapan.

"Hi, I am Noami C. Ramirez. Don't need to tell you everything kasi kilala nyo na naman ako. So,...." naputol ang pagsasalita ko nang bumukas ang front door.

"Sorry Sir, I'm late," nagmamadaling sabi ng babaeng nakita ko kanina.

"Madami po kasing nagpapa-picture kaya nahirapan po ako," pagpapatuloy nya.

Yabang.

"At dahil andyan ka na rin lang magpakilala ka na after Ms. Ramirez." Agad akong binalingan ni Sir, "You may continue."

"So ayun, don't mess with me para magkasundo tayong lahat." I really mean it. For God's sake gusto kong maging payapa ang buo kong taon. But that girl na nagpakilalang Zoe Ramos smells like a bitch I never wanted.

Amoy masangsang.

"Damon, Dexter Z.," pagpapatuloy ni Sir Rocco. Napatingin sakin ang lahat nang matawa ako.

"Sorry," I said while doing a peace sign.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Fat.

"Bat natawa ka?"

"His surename sounds like demon," pigil kaming naghagikhikan.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now