Chapter Eleven

67 13 6
                                    

Writer's POV

After two hours ay nakarating na si Zoe. Matatapos na rin nila ni Dexter practicin ang choreography na itinuro ni Fatima. On the other hand, busy na gumagawa ng props na gagamitin si Naomi. Hindi pa rin ito makausap nang maayos kaya hinayaan na lang ng tatlo.

Fatima

I decided na lapitan ang bestfriend kong kanina pa may sariling mundo. We're done practicing the dance at nagpapahinga na kami.

"Sorry," wika ko rito na kasalukuyan ay naggugupit ng kung anu-ano.

"For what?"

"For hurting you. Di ko naman sadya."

"I know. So why are you saying sorry?"

"Because I love you and I hate the fact na ganyan ka."

"Ganto?"

"Naomi, you should forget everything from your past. We are missing the old you. Please...... forget him."

"How?"

"Wag mong baguhin 'yang sarili mo nang dahil sa kanya. I know that you are scared inside kaya ka umaaktong matapang. 'Cmon, it's not like everyone will treat you the way Zach treated you."

"I'm not afraid. Life taught me how to be like this. Who am I to refuse?"

"I doubt it. Duwag kang masaktan ulit that's why you are pushing away people."

"Then go believe that non-sense."

"I'm still praying na sana one day maintindihan mo lahat ng sinasabi ko. I know we are not the only one who's missing Naomi back then."

Naomi

Nasa terrace ako ngayon at nagpapahangin. Medyo magulo ang utak ko. I f*cking hate the truth na parang bumabalik lahat. Ang sakit. Ang sakit- sakit pa rin.

Maybe Fatima was right. Ako na lang ang di pa nakaka-moved on sa nangyari. If they only knew how much I wanted to erase everything. Hindi ito ang dating Naomi na nakilala ko...

*FLASHBACK

Nakaupo ako sa waiting shed ng school ko ngayon. Pangdalawang linggo nang di ako sinusundo ni Bry. Dati naman ay saktong 6pm pagkalabas namin ay andito na sya. Pero ngayon? 9:33pm na ay wala pa rin ito. Hindi ko alam kung bakit parang tanga ay naasa pa rin ako. 14 days nang ganto ang sistema ko---waiting for him like crazy kahit alam kong walang sisipot.

Unti-unti ay pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala na namang mga tao. Kaya malaya na ulit akong pakawalan ang nararamdaman ko.

Maya-maya'y ikinagulat ko nang may kamay na nag-abot sakin ng panyo.

"Tahan na."

Nang lingunin ko ay nakita ko ang isang lalake. Matangkad ito, kulot ang buhok, moreno at gwapo. Napansin ko rin ang dimples nito sa kanang pisngi nang ngitian ako. He's wearing our uniform kaya naman alam kong schoolmate ko lang din ito.

Kinuha ko ang panyo at pinunasan na rin ang mukha ko. Nakakahiya man ay sininga ko na rin ang kanina pang nakabara sa ilong ko.

"Lalabhan ko na lang. Sorry."

"You're cute." Nakita ko itong natawa. "Di bagay sayo ang umiiyak."

The day after that night ay nagulat na lang ako nang may sticker notes na nakadikit sa locker ko at maging sa table ko.

"Good day cutie! Hope you're smiling today 'coz that makes you look extra gorgeous. See you on the waiting shed❤." -Zachary

Simula noon, lagi ko na syang kasamang maghintay sa waiting shed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simula noon, lagi ko na syang kasamang maghintay sa waiting shed. I just found myself having fun spending the night with him. Pinakinggan nya lahat ng kwento ko at sobrang sarap sa feeling na parang may kadamay ako. He became my crying shoulder and also my happy pill. I started to ask myself, si Bry pa rin ba ang pinupunta ko rito?

"Kita mo ba 'yang buwan at mga bituin na 'yan?" minsang tanong nya sakin habang nakahiga ako sa mga hita niya't nakatingin sa langit.

"Yep. Ano meron?"

"I'm the moon and you are the star. Alam mo kung bakit?"

"Kasi we are meant to be?"

"Hindi. Kasi ako malaki ikaw maliit ahahahaha."

Tinadtad ko ng kurot ang buo nyang katawan. Loko-loko talaga kahit kailan ang lalakeng 'to. But I am more than thankful that God  gave me Zach. If He didn't, I don't know how to be happy again.

JS Prom namin at sya ang kapareha ko. I am wearing a purple ombre gown paired with black high-heels. There is also a diamond silver necklace around my neck together with its matching earrings. Zach looks more magneficent under his black suit and with his brush-up hairstyle.

"Ang linis mo naman tignan," bulong ko rito habang nagsasayaw.

"So sinasabi mong madumi ako dati?"

"Kind of?" tinignan ako nito ng masama.

"Joke."

"Naomi?"

"What?"

"Wag mo akong kakalimutan ha?"

"Ha? Bat naman? I mean, kala mo naman saan ka pupunta."

"Just promise me."

"Hm oo naman. I won't forget you Zach."

*END OF FLASHBACK

That's it. Nabalitaan ko na lang na pumunta na sya sa abroad mula sa pinsan nito. Anong reasons? I don't even know. Ni hindi niya rin ipinaalam sa akin. Binlock nya ako sa lahat kaya hindi ko rin sya ma-contact. Isang message lang ang natanggap ko sa kanya bago sya tuluyang nawala--"Do the opposite of what I've said last night. I'm sorry."

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now