Chapter Seventeen

63 13 6
                                    

Naomi

Today is a new normal day. Bumalik na sa dati ang lahat nang malinis ko ang pangalan ko. Tinanggal na rin sa pagtuturo si Sir Rocco at hindi na qualified pa sa propesyon dahil inalisan ito ng lisensya. Dapat lang. Para wala na syang mabiktima.

I am now on my way to school. Bago pumunta sa bus stop ay dumaan muna ako sa malapit na convenience store.

I want some yogurt... and some salty chips.

"How much?"

"Ito na po ang bayad!" masiglang sabi ni Dexter na di ko namalayang nasa likod ko na pala. Kabute talaga.

"Oh? Nakataas na naman 'yang kilay mo ang aga-aga."

"So what?"

"So what ka dyan. Kanina pa ako naghihintay. Sabi mo 7 am?"

Awtomatiko akong napatingin sa wrist watch ko.

"7:03 pa lang ah? Ang oa mo naman."

"Matagal na 'yun for me."

Pinaikutan ko ito ng mata.

"Where's Fat?" tanong ko habang palabas na naglalakad.

"Mauna na raw muna sya. Nagpapatulong ata si Zoe sa kanya."

"Ahhh..."

Nag-abang na kami sa terminal. Dahil rush hour ang 7 am ay expected na punuan ang mga sasakyan sa dami ng mga pasahero. Buti na lang ay may bakante pang upuan kaming nakita sa dulo. Sa bintana ako pumwesto habang sa kaliwa ko naman si Dexter.

"Bat ba kasi sina-silent mo 'yang phone mo? Look, naka seven messages ako sayo."

"Bakit, mahalaga ka ba?"

Hindi na ito kumibo. Isinaksak ko na lang ang earphones ko para makinig ng music at umidlip muna saglit. Exam week kasi namin starting today kaya medyo napuyat ako.

Maya-maya ay may nagnotify sa cellphone ko.

Fatima added you on a group chat.

Fatima named the group College Friends.

Ano na naman ba 'to Fatima Roque? College friends? Eew.

I immediately checked kung sino-sino ang kasama sa gc kahit expected ko na naman kung sino ang four members na sinasabi rito. Pero nagtaka ako nang makita ko ang isang anonymous na pangalan doon. Thicc Brow Man? Who the hell is that??? Teka, sounds familiar....

"Bat naman titig na titig ka sa profile ko?" biglang sabi ni Dexter habang nakangiting may pang-asar.

"Ikaw 'to???"

"Hindi, ikaw."

"What... HAHAAAAAHAHAHAHAHAHA!"
 
THIS IS CRAZY! Halos mamatay ako sa kakatawa. Nagtinginan pa nga ang ibang pasahero sa amin.

Dexter

Napalingon sa amin ang lahat nang tumawa nang pagkalakas-lakas ang babaeng 'to. Sumitsit pa ang isang estudyante na noon ay nagrereview pa ata.

"E bakit ka kasi dito nag-aaral? As if naman pagmamay-aari mo 'tong bus para kami ang mag-adjust sayo?" Nagulat ako nang komprontahin nya ang estudyante na sa tantya ko ay college rin.

"And as if naman ikaw rin ang may-ari nito para kami rin ang mag-aadjust sa ingay mo?" tugon naman ng estudyante.

"You sure?" wika nito bago tumayo sa tabi ng driver. "Kuya, tell her who am I."

What the heck she's doing?

"Siya po ang anak ng may-ari ng bus line na ito Miss."

Seriously??? Malaking kompanya ang Ramirez' Transportation at hindi lang bus ang inooffer nito kundi halos lahat ng public vehicles na meron sa bansa. Isa ito sa pinakamalaking business partner ni Daddy. Hindi ko naman akalaing sa kanila ito although Ramirez din ang apelyido ni Naomi.

What a small world...

Hindi na nakasagot pa ang estudyante at agad pumara kahit hindi pa ito sana bababa. Well, what to expect sa isang Naomi Ramirez?

"Kuya, pakibalik na rin ang mga bayad ng lahat ng passengers dito," she said deceiving the witnesses of her bitchiness. Nagpalakpakan naman ang mga pasahero.

"Anong trip mo at 'yun ang username mo?" tanong nito nang makabalik sa upuan na akala mo ay walang ginawa.

"Ano bang masama dun? Ano rin bang trip mo at nangingialam ka?"

"Wala lang. Ang baduy mo kasi. Rp ka ba? Hahahahaha!"

"I just want it. You know, I can't take the hassle of having a face like this."

"Hambog," naiiritang bulong nito.

"Tell me I'm wrong."

"You're just nothing to me. I didn't find you attractive. 'Yun ba?" sambit nito at akmang ibabalik sana ang earphones sa tenga ngunit pinigilan ko.

"Tell that in front of my face," paghahamon ko while looking at her eyes. "Ngayon mo sabihin saking I'm just nothing to you and you didn't find me attractive Naomi."

Writer's POV

It's only a few inches away from each other's faces. Pareho silang nakatitig sa mata ng isa't isa nang biglang.....

"What the f*ck!!!!" Maging ang driver ay napapreno nang biglaan sa sigaw ni Dexter.

"Anong problema mo at dinuraan moko?!!!!"

"Oops. I thought you're a centipede. Sareh," nakangising wika ni Naomi at nagpatuloy sa pakikinig ng kanta sa cellphone.

Napahampas na lang sa hita si Dexter atsaka tumungo.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now