Chapter Five

99 15 9
                                    

Writer's POV

6:00 am pa lang ay nasa university na si Naomi kahit 7:00 am pa ang klase. She always goes to school early para di makasalubong ang ibang mga estudyante. Pinakaayaw niyang nasisira ang umaga niya.

Muntik na itong sumigaw nang buksan niya ang pinto at ilaw ng classroom.

"Hindi ka ba marunong magbukas ng ilaw?!" inis na tanong niya kay Dexter na noon ay nakasubsob na naman ang mukha sa armchair. Hindi ito umimik.

Napahilamos na lang si Naomi ng kamay. Ayaw niyang nasisira ang umaga niya. Ayaw niya.

Nilabas na lamang niya ang binder niya to check today's schedule at para basahin na rin ang syllabus. Si Sir Rocco pala ulit ang first subject. Agad niyang naalala ang seat plan. Ididikit pala ang isa nito sa bulletin board sa likod.

Naomi

F*ck I didn't have my tape.

I decided na manghiram sa lalake dahil ito lang naman ang pwedeng hingian ko sa ngayon.

"Hoy may tape ka?" Hindi ito sumasagot.

Pipe ba 'tong siraulong 'to?

"May I borrow your tape?" pag-uulit ko. Inenglish ko na baka di nakakaintindi ng Tagalog e.

"MAY TAPE KA BA O WALA?!" Di ko na talaga napigilan. At ang anemal, di pa rin ako pinapansin.

Padabog akong naglakad pabalik nang....

"Aray!!!"

"Ayan tape! Ang ingay mo natutulog 'yung tao."

ANG KAPAL NG MUKHANG BATUHIN AKO SA ULO! Ibabato ko na sana pabalik sa kanya nang dumating si Sir Rocco.

Dexter Z. Damon, may araw ka rin saking demonyo ka.

Writer's POV

Hindi pa doon natapos ang kalbaryo ni Naomi. Nang ayusin na ang bagong sitting arrangement ay ang lalake pala ang katabi nito. Hindi lang 'yan, nasa kaliwa din ni Dexter si Zoe. Kung bakit ba namang kamalas-malasang hindi niya napansin kagabi kung sino ang makakatabi niya. Sabagay, malay din ba niyang kung ano ang kinagwapo ng mukha ng lalake ay siya naman palang ikinasama ng ugali nito.

"Okay. 'Yan na din ang team nyo every group activity na ipapagawa ko. By row, guys."

"What?!" Gulat na napalingon kay Naomi ang lahat. "No!"

Writer's POV

Break time. Nasa cafeteria sila ngayon. Walang gana kumain si Naomi kaya isang lemonade na lang ang binili nito. Hoping na ma-refresh nito ang init ng ulo niya.

"Wala kang gana?" tanong ni Fat.

"Yah."

"Hayaan mo na kasi."

Hayaan? From now on, he's sitting with a guy na daig pa ng basura ang baho ng ugali and with a girl na hindi niya alam kung bakit pero di niya trip ang vibe, tapos hahayaan niya lang? For the nth time, gusto niyang matapos kahit 1st sem man lang nang walang gulo. But that seems so impossible.

"Naomi..."

"Ano?!" bulyaw niya sa estudyanteng lumapit.

"A-ah pina-pinapatawag ka ni-ni Sir Rocco sa fa-faculty."

"Ulitin mo."

"A-ano?"

"Ulitin mo kasi ayoko ng putol-putol."

"Naomi..." pagpipigil sakin ni Fat na hindi ko rin pinansin.

"Ano bingi ka ba?!"

"Pinapatawag ka ni Sir Rocco sa faculty," pag-uulit nito habang nakapikit at nakayuko. Maya-maya'y para bang may tumatagas. Basa? Napaihi pala sa slacks ang lalake.

Well, that's Naomi. She can intimidate and break your defense just by staring at you. No one should ever step a line to try her. Remember? The word BITCH always comes after her name.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now