Chapter Two

115 14 8
                                    

Naomi

First day of class. Medyo inagahan ko ang pagpunta kasi maghahanap pa ako ng section. Oo beh, ako lang mag-isa at wala sina Marga at Kyla. Bakit? Hays, si Kyla pinalipat ng school kahit nauna pa sya saking mag--enroll dito. Malayo raw kasi sa pinag-aaralan ng bunso nyang kapatid kaya baka mahirapan syang sunduin. Si Marga naman sa isang IT school mismo nag-enroll. Naiintindihan ko naman. Pero nakakatampo pa rin. Hmp.

80 hectares ang laki ng university kaya naman may mga tricycle ding nakaparada sa gate 1 and 3 ng campus. 'Yun nga lang sobrang dami ng magsisipasok kaya nagdesisyon akong maglakad na lang. Di pa ako nakakarating ng quadrangle ay nagkakapaltos na ang paa ako.

"Bs Psychology 1-3! Bs Psychology 1-3!"

Uy section ko 'yun. Agad akong pumila sa matandang babaeng may hawak ng placard. Nasa unahan pala ako. Hays, program na naman. Nakakabagot talaga.

Maya-maya ay naramdaman kong may kumakalabit sakin. Hindi ko na sana papansinin kasi wala ako sa mood pero di nya ako tinitigilan. Gusto ata nitong masipa.

"Ano ba?!"

Teka. Si Fatima ba to?

"Fat!!!"

"Bat naman galit na galit ka hahahaha."

"Uy sorry kala kasi kung sino na naman e. Dito ka nag-aaral?"

"Yes!"

"At magkaklase tayo???"

"Yes na yes!!!"

Woah. Bakas ang excitement sa mga mukha naming dalawa. Di na rin namin pinansin kung sino man ang nagsasalita sa unahan. Wala rin naman akong pake sa kung ano ang sinasabi nila. Alam ko nang lahat 'yan. Puro lang kami tawanan at kwentuhan kahit pa ilang beses na kaming sinasaway ng isang teacher na nag-iikot. Pakilamera.

Pinapunta na kaming lahat sa kanya-kanya naming building. Sa College of Arts and Sciences kami kaya medyo malapit-lapit na rin mula sa quad.

Writer's POV

Naomi is now walking through the hallway. No one could stand her beauty.  She looks sophisticated with her high-waisted skinny jeans, pastel pink crop top and three-inches stilleto. That's why people call her Queen of Basics aside from being the Campus Bitch. Kahit simple lang ang isuot nya ay bumabagay sa kanya.

Tumaas ang kaliwang kilay nya nang may makitang nagkukumpulang mga tao.

Ano namang trip ng mga 'to at nakaharang sa dadaanan nya?

"Do you mind?" she asked. Awtomatiko namang nalinis ang daan. Then she saw a girl na kung di sya nagkakamali ay freshman din. Maamo ang muka ng babae and she looks more angelic dahil sa suot nitong denim skirt at white na off-shoulder. So sya pala 'yung pinagkakaguluhan ng mga loko kanina. Anyways, mas maganda pa rin naman sya dito. Nginitian sya nito na di rin nya pinansin. Agad syang naglakad para pumunta na sa Room 307. Napansin din nyang nagsisisunod ang mga tao kanina para magpa-picture naman sa kanya.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now