Chapter Twenty

79 11 2
                                    


Dexter

"Nasan na si Naomi?" Fatima asked.

"Di 'yun sasabay. Kanina pa siya nasa campus gawa ng may kailangan daw siyang hanaping libro sa library," pagpapaliwanag ko naman.

"Ah ganon? Always updated ka na sa kanya ah?" Napaismid ako sa sambit nito na may halo pang tono ng pang-aasar. Tsk.

Agad na kaming sumakay ng bus papuntang school. Nawiwili nang mag-commute sina Fat at Zoe kaya naman napapadalas na rin ang pagsabay ng mga ito sa amin. 'Yun nga lang, wala si Naomi ngayon. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon...

Flashback:

Two and half hours na akong naghihintay sa babaeng 'to. Nakisuyo itong ipag-drive ko papuntang mall dahil ayaw pa raw niyang umuwi ng bahay. Gusto niya rin daw mag-shopping dahil matagal-tagal na rin daw ang huli. Andun si Tita e, kaya I have no choice kahit ramdam kong magiging dakilang alalay lang ako.

Nasa isang sikat na salon kami ngayon. Ramdam ko ang mga matang kanina pang nakapako sa aming dalawa na nakaka-bothered talaga sa pakiramdam. May mga dumi ba kami sa mukha?

"Hello Lovebirds! How can I help you?" Pareho kaming nandiri sa bungad ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay siyang manager doon.

"Ahm, I want something new. Ikaw nang bahala. I know maganda na ako pero pagandahin mo pa ako lalo."

Ang hangin talaga. Tsk.

"Gotcha Ma'am! And?" pagbaling nito sa akin.

"No. Hihintayin ko lang siya."

"Oh how sweet!" kinikilig na reaksyon nito.

I decided na magbasa na lang ng kung anong magazine na nandoon.

Dinampot ko ang business mag na naroon at hindi na ako nagulat nang si Daddy ang cover nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dinampot ko ang business mag na naroon at hindi na ako nagulat nang si Daddy ang cover nito. I can see his happiness sa bawat larawan niyang nakalagay doon. Naaala pa kaya niya ako?

Natawa ako sa linya niyang naka-bold pa ang font sa article. "Being a businessman is like being a father to a family. You should be its strongest foundation to succeed." Liar. Anong alam niya sa pagiging ama? Ah, sabagay, sa akin lang naman niya hindi kayang gawin 'yun.

"Sir?" tawag ng crew na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Girlfriend niyo po si Ma'am? Naku po, mas lalo pa po siyang gumanda! Bagay na bagay po kayo."

Hindi ko na pinansin ang sinasabi nito dahil the girl in front of me really caught my eyes. I was mesmerized by her at the moment. Nagpagupit ito ng buhok na hanggang taas ng balikat. From gray ay naging natural black na ang hair color nito. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I don't know but I couldn't stand her beauty right now.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now