Noami
Nasa President's Office na naman ako. Ngayon ang last day ng investigation.
"You are free to ask Tim po. Sya ang tumawag sakin sa room. Si Sir Rocco daw po ang nagpapatawag." Ako ang kumausap kay Tim na maging witness ko para mapatunayang hindi ako nagkusang pumunta sa old faculty nang araw na 'yun. Pinacheck ko rin sa tatlong lalakeng napuruhan ko noon sa tapat nang building (kung di nyo nakakalimutan -_-) na i-check ang CCTV footages mula ground floor hanggang fourth floor kung may iba bang umakyat ng hagdan patungong fifth floor. Unfortunately, walang nakita. Si Tim na lang ang nag-iisa kong pag-asa.
"Yes, I am not refusing it. Pinatawag nga kita para kamustahin ang preparations sa baba. I'm not expecting na may iba ka pa palang pakay."
"Are you f*cking kidding me?!"
"Ms. Ramirez! Go back to your seat."
SHIT. Gusto ko nang pumatay ng tao.
Writer's POV
"Sadly to say, Ms. Ramirez was lacking of evidence. The committee decided to give you two months suspension for this. Di ka namin papatalsikin but you are not qualified na maging honor dahil may records ka na. Meeting adjourned," the President said.
"I'll quit. I'm not guilty. I don't deserve any of this bullsh*t."
"You have beaten a teacher. That's despicable."
"I'm just protecting myself. Kung hindi, baka ano ng nangyari sakin. This is injustice."
Naomi's POV
Palabas na sana ako ng office nang biglang magbukas ang main door.
"We have a witness!"
DEXTER???
"Anong trip mo?" bulong ko rito.
"Just thank me later."
Ha?
"Come in." Si Zoe ang nakita kong iniluwa ng pinto.
What
Is
Happening
???"Sya po ang witness. That time po during CAS Day ay naalala kong inutusan si Zoe ng instructor namin sa pageant na kunin 'yung isang mic sa old faculty."
May iniabot itong flashdrive.
"Andyan pa ang proof na pumunta ng fifth floor si Zoe. Galing po 'yan sa CCTV records ng elevator sa building. That's why walang makitang umakyat sa nasabing floor dahil sa elevator po dumaan ang witness. Malinaw pong makikita dyan ang ebidensyang sa panglimang palapag ang tungo ni Zoe."
Oo nga. Bakit hindi ko naisip 'yun?
"Ako rin po ang nakakita kay Naomi sa hallway after the incident. Pinasunod po kasi ako kay Zoe nang may pinahabol pang iniuutos. Base po sa lagay nya nang oras na 'yun ay takot na takot po ito. Andito rin po ang medical records ni Naoming magpapatunay na nagkasakit ito dahil sa matinding shock. If ito ang may masamang balak kay Sir Rocco, bakit ganoon ang impact sa kanya ng nangyari?"
Dexter...
"Is that true Ms. Ramos?"
"Ye-yes po, President."
"Then bakit hindi ka nag-testify agad?"
"Na-tata-takot po ako."
Natatakot or wala ka lang talagang balak sabihin?
Dexter
"Thank you!" wika ni Naomi sabay yakap sakin nang mahigpit.
Nasa school cafe kami at nag-alok itong mag-milktea. Libre daw nya dahil niligtas ko sya.
"Wala 'yun. Wala ka naman kasing kasalanan."
"Kaya ba parang abalang abala ka these past few days?"
"Oo." Hindi ko rin maintindihan kung bakit nag-effort pa akong mag-inspect para lang malinis ang pangalan nito.
"Salamat Dex...."
"Anong salamat? May bayad 'yun noh!"
"Isaw at balot? Game?"
"Game!"
YOU ARE READING
Naomi Ramirez: The Campus Bitch
RomanceNaomi Ramirez is not just a typical "top student". She might have the wit and all, but ain't a nerd. She may be gorgeous, but ain't a princess. Make way immediately if you see her walking, for the word "BITCH" always comes after her name. That's no...