Chapter Twelve

63 13 5
                                    

Dexter

"I don't know, but that was a living proof that history repeats itself. The moment na nalaman ni Naoming umalis si Zach hinabol nya ito sa airport. Di na nya naabutan. She was devastated dahil sa nangyari. Dun nag-umpisa magbago ang Naomi na nakilala namin noon," Fatima said in a very sad voice.

Kukuha sana ako ng tubig sa kusina kanina nang marinig ko silang dalawang nag-uusap. I heard everything kaya naman nang mag-walkout si Naomi ay agad kong nilapitan si Fat. Di naman ito nag-alangang ikwento sa akin ang lahat.

"Kaya intindihin nyo na lang minsan si Naomi. We can't blame her kung bakit sya ganyan."

I understand. I know that f*cking feeling. 'Yung nagtiwala ka sa tao pero sinayang lang. I've been there nang iwan kami ni Mommy para sa ibang lalake. Magmula noon, hindi na rin kami nagkasundo ni Daddy.

Writer's POV

The three decided na mag-overnight na sa bahay nina Naomi. Matapos kumain ay nagpatuloy na muli ang apat sa ginagawa. Si Naomi at Fatima para sa props habang nagpapractice naman sa pagrampa sina Dexter at Zoe.

Naomi

Midnight na nang matapos namin lahat ng kakailanganin. Well, basta ako ang kasama sa gantong bagay expected na magiging productive ang buong team. Ayokong may nababakanteng oras. Everything should be done ahead of deadline.

"Laro tayo!" that's Fat breaking again the silence.

"Tara!" tugon naman ni Zoe. Tumango lang kaming dalawa ni Dexter bilang pagsang-ayon.

"Spin the Bottle na lang. 'Pag sayo tumutok ang opening ng bote you should choose between truth or dare. Kung kanino naman tumama 'yung bottom part sya ang magtatanong or mag-uutos sa taya. Ano g?"

Kahit kailan talaga ang daming pakulo ng bestfriend ko. Dahil boring din naman, I have no choice kundi pumabilog na rin sa baba.

Pinaikot na ang bote. Kay Fat agad ito unang tumutok.

"Ano ba 'yan! Ako agad? Hmp."

"Okay! Truth or dare?" Zoe asked.

"Ahmmm, dare!"

"Have a date with me tomorrow." Nagtataka namin syang binalingan. Is she....

"Oh, hope you're not thinking-- I'm gay?" natatawang tanong nito.

"No, I'm not. Gusto ko lang maka-close si Fat or likely to say kayo? You two should join us. Libre ko."

"Wowwww!" Fat reacted na kulang na lang ay mapuno ng stars ang dalawa nitong mata.

What a scheme, Zoe.

"Kayo na lang. Busy ako."

"Me too. May shoot ako bukas."

"How sad. Sige kami na lang ni Fat," she said with full of excitement.

Umikot muli ang bote. Kay Zoe naman ito tumapat and I'll be the one to give the consequence.

"Dare!"

"Stop smiling for a day. I hate it."

Sabay-sabay tumingin sakin ang lahat. Naramdaman ko rin ang paghatak ni Fat sa tshirt ko.

"What? I'm dead serious."

"Sorry," malungkot na sambit ni Zoe. I don't know why pero lalo lang akong nainis.

Can I just request her to get lost?

Ako na ang nag-spin ng bottle. Sa akin ito tumutok and this time, si Dexter ang magtatanong o mag-uutos.

"Dare din ako."

"Be happy."

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now