Chapter One

172 20 12
                                    

Naomi

Bakasyon na naman. Hays, wala na namang thrill. Di naman kasi ako palalababas pag gantong summer break. I just wanted to spend that two months to rest. Nakakadrain din maging TOP student noh. But somehow, nakakamiss din pala.

"Ate may naghahanap sayo!"

Sino na naman ba? Tsk.

"Sabihin mo di ako interisado!"

"Tanga, si Marga 'to."

Ay, si Margarita pala. Kala ko manliligaw na naman e. Oo, Margarita pangalan nyan. Syempre, we used to call her Marga lang kasi oo nga naman, ang bantot ng full name nya.

"Ginagawa mo rito?" Narinig nya ata mga nasa isip ko kanina?

"Tara kay Ate Selma. Otw na si Kyla."

"Orayt."

Papunta na kami nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Nakaupo ito sa isa sa mga favorite kong pwesto doon. Pusang-gala bakit ngayon pa? Agad akong yumuko at nagtago. Hahatakin ko na sana 'yung dalawa nang biglang...

"Hoy Naomi! Andyan ka pala?"

As if may pake ka?

"Ah yep. Andyan ka rin pala?"

Eeew.

"Foodtrip lang."

"Ah kasama ng bago mo... ah este may bagong bukas na kainan sa mainroad. Una na kami ha? Bye!"

Bye your face.

"Ex ko na 'yun. Alam ko tatanungin nyo kasi mga tsismosa kayo," pangunguna ko.

"Ay wow! Pero bakit kayo naghiwalay?" interisadong tanong ni Kyla.

"Wala. Bigla na lang syang nawala the day after ng birthday ko. Galing noh?"

"Tas nabalitaan mong may iba na sya?" sabat naman ni Marga.

"Yes."

"Ikain na natin 'yan!"

Hays. Buti na lang andito sina Marga at Kyla. Walang space ang lungkot today. Pero masakit pa rin pala. Childhood sweetheart ko kasi si Bry. Mula pagkabata kasama ko na sya sa lahat ng bagay. Ako pa nga kasama nya nung nagpatuli sya hahahaha. Kaya 'nung nalaman kong sa Cavite na kami titira sobrang tuwang-tuwa ako. Pabaka-bakasyon lang kasi ako rito noon. Kaya ayun, tuwing gantong April at March lang din kami nagkikita dati. Kaso ang walangya, pagtapos akong bigyan ng tatlong chocolates nung 16th birthday ko ayun nawala nang parang bula. Di na nya ako sinunsundo kapag nauwi na ako galing school. Ganunpaman, lagi pa rin akong naghihintay that time. Naasa pa rin na baka dumating sya hanggang maubos na lahat ng estudyante sa waiting shed. Ang ganda ko sana noh? Kaso tanga. Well, past is past na. Panget naman ng pinalit nya sakin. Mukang alipunga sa paa.

"HOY MAMI O PARES?" Agad akong bumalik sa ulirat ko. Kanina pa pala ako tulala.

"Ay sorry. Pares sakin."

"Ano bang iniisip mo ha? Don't tell us si....."

"E kung ibuhos ko sa inyo 'tong mainit na sabaw?"

"Joke lang di naman mabiro."

"Pero ano balak nyo? San tayo magco-college?" tanong ni Marga matapos humigop ng mami.

"San ba gusto nyo? Ikaw Naomi?"

"Bet ko sa Miller Science University."

"Tara inquire tayo?"

"Sige bukas kita kita tayo sa SM. Sa main entrance ha?"

"What time?"

"8am sharp. Para 9 kayo magsipunta." Mga siraulo hahahaha.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now