Chapter Seven

92 14 11
                                    

Dexter

Kinusot-kusot ko ang mata ko at nagbabakasakaling nananaginip lang ako. I can't f*cking believe it! I saw her kung paano nya pabagsakin ang tatlong lalake with just a couple of minutes. Para ngang nanunuod ako ng isang live action scene. Wow!

"Bye!" Pagkatapos ay kinuha nito ang mga gamit na nakalapag sa daan.

"Wait, bye? Di ka man lang magpapasalamat? For real???"

"Anong ipagpapasalamat ko e ako rin ang nagtanggol sa sarili ko? Tsk."

Well, may point.

"Maglalakad ka lang?"

"Yeah. Malapit lang naman ang samin."

"Hatid na kita," I insist. Bagamat matapang kasi ito ay nag-aalala pa rin ako na baka balikan sya ng mga loko.

"No thanks. Ikaw ang dapat mag-ingat." Naglakad na ito palayo.

Napapitlag ako nang mag-ring ang cellphone ko. Sh*t, the shoot! Nawala sa isip ko.

Naomi

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko si Dexter na may kausap sa telepono.

"Direk I'm so sorry. Nagkaroon lang po ng emergency," pagpapaliwanag nito.

"Have you know how precious my time is Dex?! Malapit na ang deadline nito!"

"Pasensya na po talaga. Di na po mauulit. Please spare me another chance."

"Siguraduhin mong di na talaga mauulit kasi kung hindi? Di ako magdadalawang-isip maghanap ng iba."

D*mn, may shooting pala ito kanina at mukhang di ito nakaattend nang dahil sakin. Why does I feel like I've done something wrong? Wait, nakokonsensya ako? Yes, this might be the feeling na matagal ko ring  hindi naranasan.

Conscience.....it's been a long time.

Writer's POV

Nagulat si Dexter nang may umangkas sa kanya sa motor. Si Naomi pala.

"Hatid moko," sabi nito habang kinakabit ang helmet na kinuha niya nang walang paalam.

"Kala ko ba ayaw mo?"

"Kanina 'yun."

"San tayo?"

"Kain muna? Libre ko."

"Hmmmm, sounds good," tugon ng lalake bago paandarin ang motor.

***************************************************************

Writer's POV

"What's this?" nagtatakang tanong ng lalake.

"Isaw."

"I--saw? Ano 'yun?"

"Bituka ng manok. In English, chicken's intestines."

Halos maduwal si Dexter sa narinig. Buong buhay niya ay di pa ito nakakakain ng ganoon bagamat ito na mismo ang sumusustento sa sarili. Galing kasi ito sa mayamang pamilya at nagdesisyong bumukod nang hindi makasundo ang ama.

"What?! You call that a food?! Lalasunin mo ba ako???"

Napa-aray ito nang batukan ni Naomi.

"Baliw malinis 'yan. Kung gusto kitang patayin ako pa mismo ang gagawa."

Nandidiring nakatingin lamang si Dexter sa babae habang sarap na sarap sa pagnguya ng isaw.

"Alam kong mas masarap ako sa isaw pero di ka mabubusog kung tititigan mo lang ako. Subukan mong tikman 'pag hindi masarap saka ka magreklamo," sambit ni Naomi.

"Oo masarap ka nga. Masarap sipain." Inirapan lang ito ng dalaga at nagpatuloy sa pagnguya.

Dahan-dahan nyang kinagat ang kapiraso ng isaw. Maya-maya pa'y sunod-sunod na itong sumusubo ng naturang pagkain. Nakalima pa itong paihaw sa nagtitinda.

"Tama na. Masamang nasosobrahan dyan," pagpipigil ni Naomi nang humirit pa ito ng isa.

"Okay."

"See? Masarap diba? Sabi ko sayo e."

Tumango lamang si Dexter.

Dexter

"Ano naman 'to? Boiled egg?"

"Would you mind to stop asking? Nakakairita na."

"E ano ba kasi 'to?"

Nagtatanong lang naman ako. Tsk.

"Balot."

"You mean cover?"

"Alam mo totoo nga 'yung sinabi ng kumag kanina. Pogi ka lang pero mangmang."

"E malay ko ba sa mga pinapakain mo. Ano ba kasi 'to?"

"Fetus na itik tapos binoil. I swear, makakalimutan mong lampa ka 'pag natikman mo 'yan."

"What the hell? Ano ka ba aswang?!"

Hinablot nito ang hawak kong itlog, "Kung ayaw mo edi wag! Ang dami mong tanong."

Binawi ko rin ito sa kanya. Siguro ay masarap naman ito tulad ng kanina. Why not try tutal wala namang mawawala.

"Sure ka it's safe ah. Hindi ba animal-cruelty 'to?" Tinaasan na ako nito ng kilay. Ok, sabi ko nga tatahimik na ako.

Naomi

"See? Sarap diba?" pagmamalaki ko nang matapos kaming kumain.

"Bat kasi laging may limit kung ilan lang pwede kainin?" pagrereklamo nito.

"Gusto mo bang di matunawan? Nakalima ka ng isaw kanina kaya dapat lang na isang balot lang ang kainin mo."

"Sabihin mo kuripot ka lang."

"Ang sabihin mo rin patay-gutom ka lang." Sabay kaming nagtawanan. Wait, what?

"Aray!" sigaw nito nang hampasin ko ng bag. "Anong problema mo?" galit pang tanong nito.

"Ano nakakatawa?"

"Ha? Tumawa ka rin ah!"

"Ako? Tumawa? Bulag ka ba?"

"Ikaw, baliw ka ba? Lakas ng tama mo e."

"Tara na," pag-aaya ko rito nang isuot ko na ang helmet.

"Moody," rinig kong bulong nito.

I hate smiling. Lalo na't kung dahil ito sa iba. I devoted that to myself. Hinding-hindi ko iaasa ang kasiyahan ko sa kahit sino lang. Hinding-hindi na...

Dexter

"Bye." Dire-diretso lang itong pumasok sa bahay nito at ni hindi man lang ako nilingon. Ibang klase talagang babae.

Still, he should say na he had a great day nang dahil kay Noami. Nag-enjoy sya kahit paanong kasama ito. Hindi na nga nya inaalala pa ang naging problema sa shooting nya kanina. Masarap ito kasama at hindi halata sa itsura ang kasimplehan. 'Yun nga lang, sobrang bipolar ng babae at bigla-bigla na lang ay magtataray.

Pretty weird.

Naomi Ramirez: The Campus BitchWhere stories live. Discover now