The Art

666 33 4
                                    

"Art can be the mirror of our unvoiced plea."

*****

KRYP POINT OF VIEW


"Bal, sama kana sa'min." Umiling ako kay Khryz.

"Hindi nga pwede. May lakad kami mamaya ni Pree."

"Baaal! Mamayang gabi pa naman 'yon e. Sama kana."

"No. Matutulog ako. Umalis kana nga dito bal may sarili kang condo wag akong guluhin mo." Sumimangot ito.

"Tsk, si Sing nalang guguluhin ko." Padabog itong tumayo. 

"Enjoy kayo ng boyfriend mo." Tinaas nito ang middle finger n'ya saka tuluyang umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag wala ng istorbo. Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Hihiga na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa may lamp table.

"Sino namang istorbo to." I hissed. Lalo akong napasimangot ng makita ang pangalan ni Ross. Sinagot ko ito.

"Hello."

"Samahan mo'ko today."

"May lakad kami ng girlfriend ko'." Natahimik ang kabilang linya ng ilang segundo.

"Anong oras lakad nyo? magpapasama lang ako. Need ko ng photographer."

"Mamayang 6 pm."

"Mamayang 6 pa pala. 1 pm palang naman sandali lang yun. Gusto ko lang makita." Bigla kong naalala ang mga mata n'ya napailing ako. D*mn this.

"Sige. Saan tayo magkikita."

"Wait mo ko sa may entrance ng building ng condo mo." Sasagot pa sana ako ng babaan ako nito ng tawag.

"Seriously." I hissed. Mabilis akong tumayo para maligo. Pagkatapos kong maligo kinuha ko ang camera ko at bumaba na ako sa condo unit ko sa pagbaba ko nadatnan ko si Ross na nag-aantay sa 'kin lumapit ako sa pwesto n'ya.

"Kanina kapa?" Napatingin ito sa 'kin. Tinanggal nito ang shades n'ya. Napailing ako dahil agaw atensyon ito napapatingin sa kan'ya ang mga babae.

"Hindi naman. Tara na." Nagsimula itong maglakad.

"Wait?! Saan mo pinark kotse mo. Hindi d'yan daan papuntang parking lot." Napahinto ito sa paglalakad. Nakangising tumingin sa 'kin.

"Magcocommute tayo."

"Huh?!" Wala na akong nagawa ng  hilahin nito. May humintong bus at agad n'ya akong hinila papasok. Nakasimangot akong umupo. Sobrang init.

"Don't worry. Treat ko." Tsk lang sinagot ko. Nagsimulang umandar ang bus.

"Picturan mo ko." Agad ko namang kinuha ang camera. At pinicturan si Ross. Hindi ito nakangiti or nakatingin sa camera.

"Sumama ka sa pic." He said.

"No need. Project mo to."

"Sige na. Please..." Sa huli wala akong magawa. Sa haba ng byahe kwento ito ng kwento. Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung ito ba yung Ross na nakaharap ko nung nakaraan.

I'm studying psychology napag-aralan ko na mayroon talagang tao na may iba't-ibang attitude and it base to their situation.

"Hoy!? Shorty! Nakikinig kaba?" Napatingin ako dito ng kalabitin ako.

"S-sorry. Ano ba yun?" Umiling ito. Napansin ko ang pag-iba ng emosyon sa mga mata nito.

"Ano ba iniisip mo? Girlfriend mo noh?!" Ngumisi ito. Umiling ako.

PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon