I'm jealous

755 27 1
                                    

"Is being jealous is a bad thing?"

****

KRYP POINT OF VIEW

"Hey, Kryp! Kryp!" nabalik ako sa katotohanan nang tawagin ako ni Khryz. Nasa condo ko siya ngayon. Walang pasok dahil sa video na pinost namin. May investigation na gagawin sa university.

"Bakit?" tanong ko. Tinignan naman ako nito na parang ang weird weird ko.

"Are you okay?" Tumango ako. "Mas mukha ka pang may hangover sa 'kin e."


"Bakit ka ba nandito?" Lumapit ito at tumabi sa pagkakaupo ko sa sofa. Nilapit n'ya ang mukha mula sa 'kin kaya halos maduling ako.

"Kambal mo ako Kryp, kaya ako nandito para pasayahin ka." Tinulak ko ang mukha n'ya palayo.

"Pwede bang si Sing nalang guluhin mo." Ngumuso naman ito. But I clearly saw the sadness in his eyes.

"Busy si Sing." Napakunot naman ang noo ko kailan pa naging busy 'yon.

"Busy?" Tumango ito na parang bata.

"Busy manonood ng porn. Tatapusin daw n'ya bago n'yang videos." Napailing nalang ako. Why I end up having such weird friends?

"Si Von?" Lalong humaba ang nguso nito.

"Busy matulog. Masakit daw ulo n'ya."

"Si Lee?" That made him frowned more.

"May date." napabuntong hininga ako.

"So bakit ka nandito?" Napangiti ito sa tanong ko at dinamba ako ng yakap.

"Nandito ako para makasama ka kambal ko." Nagpapacute pa ito. Itinulak ko ito palayo saka tumayo.

"H'wag kang lalapit sa 'kin." banta ko dito pero lalo itong napangiti at sinubukang lumapit sa 'kin. Lalayo sana ako nang tumunog ang phone ko. Sinenyasan ko si Khryz na tumahimik sumunod naman ito. I grab my phone from the coffee table. Napangiti ako makitang tumatawag si Pree.

"Hello, babe."

"Babe, can you fetch me later?" Napangiti ako lalo.

"Oo naman babe. Saan ba?" Rinig na rinig ko sa kabilang linya ang asar kay Pree.

"Stop teasing me. Babe sa school nasa library kami ng mga classmates ko with our Seniors. After 2 hours pa naman kami matatapos."

"Sure. Sa library ng medical faculty right?"

"Yes babe—Pree can you come with me?" Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Parang biglang uminit ang ulo ko. "Babe, sige na. See you later. Nagpapasama sa 'kin ang senior ko. I love you." and with that she hunged up.


"Hello!" Pero wala ng sumagot. Sino kaya 'yon?

"Ayos ka lang bal?" tanong ni Khryz. Tumango ako bilang sagot.

"Sumama ka sa 'kin Khryz" I said.

PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon