"The more we know someone, the more we become curious about them."
*****
KRYP POINT OF VIEW
"Kuya Gen," Napatigil ito sa paglalakad nang tawagin ko.
"Oh, Kryp bakit? Anong ginagawa mo sa medical building?" he asked. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa camera ko.
"Si K-kuya Ross nasaan? Isang linggo na kasi nya akong hindi ni-liline about do'n sa project n'ya e."
"Hindi ko nga rin alam. Isang linggo na rin s'yang hindi umaattend ng klase. Hindi ko rin macontact. I've tried to visit him in their house but he's not there. Nag-aalala narin kami. Ito ang unang beses n'yang hindi pumasok." Bakas ang pag-aalala nito.
"Gano'n ba? Sige una na ako. Salamat." Tumango ito bilang sagot. Naglakad na ako pabalik ng building ko. One week na ang lumipas simula ng magkita kami sa bar. Isang linggo ko na s'yang hindi nakikita.
"Babe!?" napalingon ako sa tumawag saakin. Nangunot ang noo ko ng makita si Pree. Nasa building na ako ng Psychology at kasama ni Pree ang mga kaibigan ko at ang kakambal ko.
"Bakit ka nandito babe?" Ngumiti naman ito.
"Ngayon yung interview natin sa journalist club remember?" Nakalimutan ko ang tungkol dun.
"Oo naalala ko. Pero bakit kasama mo ang mga bugok na yan?" I know I lied. I don't want to disappoint her.
"Makabugok ah!." Lee said.
"Mas bugok ka saaming maliit ka." it's Von. Bago pa magsalita si Sing at Khryz inunahan ko na.
"Mas bugok kayong dalawa." Napasimangot naman ang dalawa.
"Kanina pa namin ikaw hinahanap sa buong building. Saan ka galing?" My twin asked.
"Dyan-dyan lang tara na babe." Tumango naman ito. Hinawakan ko ang kamay n'ya saka pumuntang sabay kaming sa mga mag iinterview.
"Hiwalay kayong iinterviewhin. Ms Pree ikaw muna." The president of the journalism club said.
"Just wait here babe." I nod to her. Pumasok sila sa isang kwarto. Tinignan ko ang paligid. Hanggang mapunta ang atensyon ko sa bulletin board ng club. Tumayo ako para tignan kung tama ba ang nakikita ko. It's P'Ross pictures.
"The perfect man of the university." Basa ko sa caption. Athlete din pala s'ya at isa sa magaling na athlete ng university. The number 1 top student. Bukod dun marami pa siyang activities na sinasalihan. That's why he become Mr. Perfect of the university. Napansin ko ang naka highlight na tanong sa bulletin board kung saan ang topic ay si Ross.
"How you define perfection?" 'Yon yung tanong. Babasahin ko sana yung sagot ni Ross nang tawagin na ako ni Pree.
"Babe ikaw na."
"Antayin mo ko. Bibilisan ko lang." She nodded.
"Good luck." Natawa naman ako. Pumasok ako sa loob.
"Upo ka P'Kryp." the interviewer said. Umupo naman ako.
"I am Dolly from journalism club. Freshmen lang ako." Magpapakilala sana ako pero nagsalita sya.

BINABASA MO ANG
PERFECT
Teen FictionKryp Griandell Perell is a third-year Psychology student. He was known for being one of the top students in their department and being called the "Perfect boyfriend" to his girlfriend Pree they are known for being the "perfect couple." But that titl...