Questions
Caia's POV
Haaay, saan kaya pumunta si Ian? Hnd na siya nag-attend ng klase after nung parang sagutan nila ni Dylan sa pagkarga lang ng gamit ko. Magkakilala ba sila? Hmm, i doubt it kase wala namang nababanggit saakin si Dylan na Mike or Ian, ganun rin naman si Ian walang nababanggit na Dylan or John. Dibaaa?? Hmmm.
Sasabihin ko na lang kay Jarielle na magsleep-over siya saamin para naman may mapagsabihan ako ng mga hinala ko. Boring maging isang anak lang. Tss.
*riiiiiiing* Class Dismissed
Sa wakas tapos na ang last period. Naghintay ako sa labas ng classroom ni Jarielle. Nakakapanghinayang lang at parang walang maingay sa klase nila? Most of the time eh si Jarielle naman talaga yung madaldal dyan. Ayan na pala siya.
"Pst best!!" Dire-diretso lang siyang naglakad na para bang walang narinig at parang may sarili siyang mundo at nakatunganga lang. Lumapit na ako at kinalabit siya. "HOY!!"
"Ay palaka na butiki na mamaw! Tae ka naman Cai, para saan ba yun? Hnd ba pwedeng tawagin mo na lang ako? Eh manggugulat ka pa talaga? Tss" wow ha??? Eh sumigaw na kaya ako kanina pa lang hay pagbigyan na lang nga tong dilag na to.
"So uhm best, gusto mo bang mag-sleepover sa house? Bored kase eh tutal wala naman tayong assignments tuwing wednesdays. Sige na please? Marami akong i-chichika sayo best promise! I wont be boring!" Nag slow clap pa ang loka. "Sure best haha anytime. Katanggap-tanggap na sana yun eh pero yung may I WONT BE BORING ka pa, naku walang maniniwala . Hahahahaha"
"Hay nako tara na lang nga at naghihintay na si manong sa parking lot."
"Uhm teka best, eh si Dylan? Hnd mo kasama?"
"Ah oo pinatawag kase siya ng mom niya eh. Kaya ayun nauna ng umuwi."
"Ganun ba? Sige tara na sa inyo best."
Nasa loob kame ng kotse, halata mo talagang nagdedaydreaming tong bruhita na to. Pangiti ngiti pa magisa, I wonder why ganito to magarte ngayon. Eh usually naman madaldal talaga siya. Buti na lang talaga at wala akong sayad katulad nitong bestfriend ko.
"Oy best tama na ang pagdedaydream nandito na tayo sa bahay."
"Ay kalabaw na may pakpak! Best naman ayan ka na naman eh!!! Bababa naman ako hahaha."
"Okay best if you say so"
Ayun at pumasok na nga kame sa main door ng bahay, nakita ko agad si manang sonia.
"Manang pakidala na lang ng dinner namin sa taas sa patio ng 2nd flr na lang kame kakain. Thanks po. :)"
"Okay iha" nakangiting sagot ni manang. Matagal na talaga siya dito sa amin at tumutulong para ko na rin siyang lola since ang mga lolo't lola ko ay malalayo saakin. Emote lang ang peg ko. Pft.
"So ano na best may balita ka ba saakin? Dahil ako meron!!!"
"Sige magsimula ka na't makikinig naman ako. :)"
Lahat ng pangyayari nakwento ko na pero ang ikinataka ko lang ay kung bakit mas natahimik siya nung nabanggit ko ang pangalan ni Michael Ian. @@ ang weird naman nito. "Tapos ayon hnd ko na nakita si Ian buong araw tapos si Dylan nga rin maagang umuwi, ano sa tingin mo best?" Pagtatapos ko ng pagsasalaysay ko.
"Anong feeling ng may ka-lovelife best?" Nagulat ako kase bakit biglang niyang ni-divert ang topic eh ako pa ang nagtatanong sa kanya eh.
"Uhm bakit best? May nangyari ba? Kwento mo naman saakin pleeeeeeeease? :)" tumikhim siya, at huminga ng malalim.
"Best, alam kong pagtatawanan mo lang ako pagnarinig mo to but I think I fell in love at first sight, kaya wala ako sa sarili ko this whole day, I really dont care if it sounded too cliché." Namumula ang pisngi niya habang sinasabi ito kahit kagustuhan ko mang tumawa ng malakas eh bestfriend ko pa rin naman to kaya dadamayan ko na.
"Sino ba yan best? Malay mo kakilala ko at matulungan pa kita sa kanya."
"Hnd ko narinig masyado kase medyo malayo na ako nung sinabi niya ang pangalan niya pero narinig ko yung unang pangalan niya si Michael daw."
Kaya naman pala nanahimik nung nabanggit ko ang pangalan ni Michae Ian. Hmmm I wonder sinong michael yan? Impossible namang si Ian yan diba? Eh paano naman sila magkikita eh bago pa lang namn si Ian at ang aga niya pa nga sa school eh. Baka ibang Michael nga lang. "Hmm andami namang Michael best." Natahimik na siya sa issue na yun at kumain na lang kame. Umiling siya at parang natauhan, "best ilang Michael meron kayo sa klase niyo? Dun ko kase hinatid yung Michael na yun eh."
Hmmm tatlo yata sa tingin ko, si Michael Tolentino, Michael Ian Benedictos at si Mikel Ian Froyle Tan. "Uhm best tatlo sila eh. Ano bang itsura ng Michael mo?"
"Hmm, maputi siya matangos ang ilong, mahabang mga pilik mata at makisig ang features niya. Gentleman rin siya best!"
"Best parang alam ko na kung sinong tinutukoy mo. Si Mikel Ian Froyle Tan nuh? Ganyang-ganyan din siya. :) Uyyyy! I-reto kita dun minsan."
"Wag best eh hnd pa naman tayo sigurado na siya na talaga eh." Nagblush na naman siya.
"Osge best. I'll support you all the way." :))
Hnd parin mawala sa isip ko yung Michael/Mikel na tinutukoy ni Jarielle. Panigurado akong hnd si Ian dahil dba kilala na siya ni besti kase dapat lalabas kame sa mall pero hnd nga pala siya nakasama nung time na yun. Pero sa tingin ko impossibleng si Ian yon. Hnd yon si Ian nuh?
Eh ano naman kung si Ian nga yon? Aaargh itong konsensya ko talaga oh.
Malamang sa malamang kaibigan ko sila kaya dapat kong malaman.
Ang sabihin mo gusto mo lahat ng attensyon nandiyan lang sayo.
Hay matulog na lang nga ako. Walng kwentang konsensya!
*SMS*
43 missed calls. I opened it half of it was Dylan and the other is Ian.
61 unread messages all from Dylan except one.From Ian:
Joy I'm very sorry sa inasal ko alam mo naman nung gradeschool tayo eh lagi ko yun gingawa diba? Nakakapanibago lang na meron na palang gumagawa nun ngayon.~as much as I wanted to reply I was tired and confused eh hanggang grade 3 niya lng nga yun nagawa dahil lumipad na sila papuntang states that time.-
Now messages from Dylan. Halos pare-pareho lang lahat na "Are you home? Why won't you answer your phone? I'm worried please reply."
Pero one text from him that caught my attention was "I love you so much that I'm acting like crazy here waiting for your replies, I love and as much as I wanted to go there para kumudtahin ka I can't because my dad is here. Pasalamat ka talaga miss! ;) I miss holding your hands, seeing your face I miss all of your features. Miss you so much miss. I'm willing to wait para sa matamis mong oo." WOW DYLAN mmk naman masyado? Hnd na ako nagalinlangan at nagreply ng "Sorry very late reply, I was busy chatting with Jarielle. I'm home safe and sound, perfect as a whole. Thank you for your willingness." Then i pressed send.
Tomorrow will be another freaking mysterious day. Someday maanswer rin naman mga katanungan na yan, hintayin na lang. Basta ako nararamdaman ko ng may feelings na talaga ako kay Dylan. Arrrrgh kinikilig ako grabe pangalan pa lang niya.
-----------------------------------------
A/N:
Sana nagustuhan niyo :) Hahaha nagblackout kase dito kaya nakagawa pa rin ako at tinatamad akong mag-aral huhuhu grabe lang talaga. Perks of being a college student. TT :(Abangan niyo sa next chapter, POV ni Jarielle :))
Vote. Comment :)) lovelots
BINABASA MO ANG
You've Gone Away
Teen Fiction"I'm Caia Joy Rodriguez, just a simple girl that never thought that he can give me the feeling of being in love." But all her happy moments ended because nothing is permanent, moreover THERE'S NO FOREVER! She realized that there's nothing left of he...