XIII

108 4 0
                                    

August 17, 2020 – 3:30 pm

(The Day of Que's disappearance)

"Ma'am, nasa labas po si Ma'am Que. Gusto ka raw pong makausap." I was busy preparing dinner for my family when one of the helps interrupted me.

"Tell her I'm not around."

"Ma'am, sinabi na nga po namin, eh. Pero nagwawala na po siya sa labas, pinipilit na makausap ka." I sighed in irritation nang marinig ang sinabi niya.

Walang modo talaga ang batang iyon! Bakit siya nagwawala sa labas ng bahay namin?! Paano kung makita ng mga kapitbahay? Nakakahiya!

Ibinilin ko ang niluluto sa isa pang katulong bago mabibigat ang hakbang na tinungo ang gate.

"Manong! I just want to talk to my mom! Alam kong nandiyan siya! Please!" Tinatagan ko ang loob ko nang marinig ko ang basag na boses ni Que habang papalapit ako sa may gate.

"I just... I just need her right now. Please, Manong? Please tell her," pagmamakaawa nito sa guard na nagbabantay.

"Anong problema mo?!" iritado kong tanong at sinenyasan ang guard na buksan ang gate. Iilang kapitbahay na kasi ang naglalabasan dahil sa ingay.

Nang tuluyang bumukas ang gate ay agad siyang tumakbo papunta sa'kin at niyakap ako.

"M-mommy..." Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan niya lang iyon.

"M-mommy, I-i, I n-need y-your—"

"Ano ba, Que!? Bitiwan mo nga 'ko! What's your problem? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusugod rito at magwawala?!" Nanatili sa ere ang mga kamay niyang yumakap sa'kin nang bahagya ko siyang itulak palayo para makatakas mula sa yakap niya.

"Hindi ka na nahiya?! Nagwala ka pa talaga sa labas! Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay—"

"They don't know about me anyway," pabulong niyang pagputol sa sasabihin ko.

What's her problem? May nangyari ba?

Tinitigan ko ang namumula at namamaga niyang mga mata. She looks like she have been crying for hours now.

"'Di ba, Mommy? Hindi naman nila alam ang tungkol sa'kin? Hindi naman nila alam na may anak ka sa labas na iniwan niyo lang sa kaibigan niyo. Hindi naman nila alam na may anak ka na laging naghihintay sayo. Hindi naman nila alam iyon, Mommy." Sinenyasan ko ang mga katulong at guard na umalis at iwan muna kaming dalawa sa may garahe. Tahimik lang na sumunod ang mga mata niya sa mga ito hanggang sa maglaho sila sa loob ng bahay.

"Ikaw ba, Mommy? Alam mo bang may naghihintay sayo? Alam mo bang hinihintay kong tuparin mo yung mga pangako mong dadalawin mo 'ko? Sabi ni Tita, busy ka lang daw masyado kaya hindi mo ako nabibisita kahit gustuhin mo. Pero bakit kayang kaya mong maghatid ng plates nina Ate Margaux?" Pinahid niya ang mga luha niyang mabilis din namang pinapalitan ng bago.

Gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko mula sa mga paratang niya. Pero 'di ko magawa. Nanatili lang akong tahimik na nakatayo sa harap niya, nakatingin sa kaniya habang inilalabas niya lahat ng sama ng loob niya sa'kin.

"Mommy, nagpakabait naman ako. Nag-aaral din po ako nang mabuti. Pero, Mommy, bakit hindi mo..." Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at pinigilang humikbi.

"Bakit hindi pa rin iyon enough para makita mo 'ko? Mommy, anak mo rin naman ako! Hindi lang naman sina Ate at Kuya ang anak mo! Mommy,vako rin! Ako rin, Mommy!" Nag-iwas ako ng tingin nang dumausdos siya paupo sa sahig habang humahagulgol.

"Gusto ko lang namang makasama ka kahit minsan. Gusto ko lang naman tawagin mo 'kong anak. I just wanted to have my mother. Bakit ba ang hirap hirap nun?" Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang marinig iyon.

Gusto kong damayan siya sa sahig at yakapin. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko sa kaniya. But when she raised her head to stare at me, muling nanumbalik ang guilt sa puso ko. Her very existence reminds me of every mistake I've done. All the things I regret doing. She was the living proof of all those bad memories.

So, I'm sorry I can't say sorry, Que. Sorry, mahina ang naging nanay mo.

"What's so bad about me, Mommy? Ano bang mali sa'kin?!" sigaw niya.

"Ano bang pinagkaiba ko sa mga kapatid ko? Why can they always see you? Samantalang ako..." Natigilan siya muli dahil sa mga hikbi niya.

"Samantalang ako, kahit anong palimos ko ng oras mo! Kahit anong pagmamakaawa kong puntahan mo 'ko!" Sandali siyang yumuko bago humugot nang malalim na hininga at muling tumingala para harapin ako.

"Hindi mo ginawa... Hindi mo magawa. Mommy, bakit? Dahil ba anak ako sa labas? Ayaw ba ni Tito na pinupuntahan mo 'ko?" Her voice was very hopeful with her last question. But I just needed to break her heart over again nang umiling ako habang lumuluha.

"Your Tito had nothing to do with me not visiting you. It's my own decision." Nakita ko ang pag-awang ng bibig niya na para bang hindi siya makapaniwalang narinig niya iyon mula sa'kin.

Mayamaya ay narinig ko ang ngisi niya hanggang sa naging tawa iyon. A bitter laugh.

"It's your own decision?" ulit niya sa sinabi ko. Nakita ko ang panginginig ng nakakuyom niyang mga palad bago niya iyon ginamit bilang suporta sa pagtayo mula sa sahig. Her sobbed suddenly stopped although traces of tears are very visible on her face.

Pinagmasdan ko nang maigi ang mukha niya habang tahimik lang siyang nakatingin sa'kin. I didn't see her grow. Wala ako sa mga birthday niya, graduation, at iba pang mga importanteng araw sa buhay niya.

I just see her in some events kapag dinadala siya nina Jaya at ang madalas na pagpapadala ng mga litrato ng kaibigan ko. Sa ganoong paraan ko lang siya nakikita. At ito ang unang pagkakataon na natitigan ko nang matagal ang mukha niya.

She looks like me. Aside from her hair that she got from her dad, she's like an exact replica of a young Gianne. The young and foolish Gianne.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata nang muling sumariwa sa'kin ang mga kasalanang nagawa ko noon na kamuntikan nang sumira sa pamilya ko.

"You can't even stare at me?" Mahina ang pagkakasabi niya niyon. Halos pabulong pero narinig ko. I can almost imagine how I was breaking her heart with just everything I do. Muling bumaha ang mga luha ko dahil doon.

I'm sorry.

"You will always be the living reminder of my greatest regret, Que," ani ko sa nanginginig at mahinang boses.

"Mommy, kasalanan ko ba yun?" Napadilat ako nang marinig ko ang tanong niyang iyon.

"Kasalanan ko bang ipinanganak ako na bunga ng pagtataksil niyo ni Daddy? Mommy, hindi ko naman ginusto yun. Hindi ko naman hiniling na maging ganito ang buhay ko."

Binalot kami ng katahimikan, walang nagsasalita sa'ming dalawa. Nakatitig lang ako sa kaniya habang umaalog ang braso niya dahil sa pilit na pagpipigil ng iyak.

I tried to take a step forward. I wanted to hug her and comfort her. Pero hindi ko magalaw ang mga binti ko. Pakiramdam ko ay nakapako iyon sa sahig.

"I'm sorry for disturbing you. Pauwi na sina Ate. Alis na 'ko, Mommy," paalam niya matapos pa ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Humakbang siya papalayo kahit na nakaharap siya sa'kin. I felt my heart being stabbed a lot of times when I saw she smiled at me as tears kept on gliding down her face.

"I love you, Mommy," she said with a smile before she turned around and ran out of the gate.

Nang makalayo na siya ay doon lang bumigay ang mga tuhod ko. Napahandusay ako sa sahig.

I'm sorry, baby.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon