VI

116 5 0
                                    

"You're not hiding something, right?" nagdududang tanong ni Jacque sa'kin habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.

"Wala. Bakit mo naman natanong 'yan?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"You looked..." she trailed off and stared at my face for awhile. "Carefree."

"Is that a bad thing? Being carefree?" nagtataka kong tanong.

"Of course not. Hindi ko lang maiwasang magtaka kasi ilang linggo pa lang naman..." Napanguso ako at hindi na lang pinansin ang pamumuna niya.

It's been three weeks since the creepy messages stopped. At the first week, I was still so anxious about it, especially after receiving that last note on my book. Napaghinalaan ko pa noon si Trey dahil nga sa kaniya lang naman dumaan ang mga libro ko.

"She's right, Que. You looked so happy," nakangiting komento ni Trey na katabi ko.

We got closer since marami kaming subjects na classmates kami. And I realized how ridiculous I am, suspecting him as a stalker.

Trey is a great guy. Full of humor and a smart one. Ang sarap lang nitong katabi tuwing may quiz, daming alam sa buhay.

"Masama bang maging masaya? Grabe kayo sa'kin."

"Ang weird lang na bigla kang blooming, girl. But well, I'm happy you're happy," ani ni Jacque bago ibaling ang atensyon sa pagkain.

Nagpalitan kami ni Trey ng makahulugang tingin bago sabay na ibinalik ang atensyon namin sa pagkain nang may ngiti sa labi.

"Sir! Free-cut namin after this! Kwentuhan muna tayo!" aya ng mga kaklase kung malalantod sa gwapong professor.

"Okay, okay. But settle down please, geez. Kids these days are so aggressive!" Tinawanan lang ng mga kaklase ko ang sinabi niya. Nagmamadali namang nagsi-upuan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan.

"Sir, may girlfriend ka na po?" tanong ng isa.

"Bakit maga-apply ka?" nanunudyong sagot ng guro.

"Pwede, Sir?" tanong pabalik ng estudyante na sinundan pa ng maarteng hagikhik.

Umani naman ang mga iyon ng tukso mula sa ibang estudyante. Tumaas ang isang kilay ko nang sandaling magtagpo ang mga tingin namin ni Sir Drake, agad naman niya iyong binaling sa mga kaklase kong magugulo.

"Guys, chill," pagpapakalma niya sa maiingay na estudyante na sinundan pa ng tawa.

"My heart's taken na, sorry," natatawa nitong ani. Halos matawa ako nang sabay-sabay na napa-'aww' ang mga babae at binabae kong mga kaklase.

Nagkwentuhan pa sila tungkol sa babaeng gusto umano ng guro at kinikilig ang mga estudyante habang nakikinig sa kaniya.

"Naman! I'm a teacher by profession, but I'm also a man full of emotions," nakangisi nitong sabi habang nililibot ang tingin sa buong classroom.

Nakita ko ang pagkindat niya na naging sanhi ng tilian mula sa mga estudyante.

Flirt.

Napatingin ako sa cell phone ko nang maramdamdaman ang pag-vibrate nito.

Free cut mo, 'di ba? Gala tayo.

Hindi na ako nagtaka na alam ni Trey na free cut ko ngayon. Maraming kakilala si Trey, siguro ay isa sa mga kaibigan niya ay kaklase ko sa supposed to be next class ko.

Sige. I'll ask Jacque, reply ko sa kaniya bago ako nag-send ng message kay Jacque.

Sana all free cut. Enjoy na lang kayo, hanggang 6pm pa class ko.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon