"Q-que?" Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang mukha ni Que na punong-puno ng pag-aalala.
"Jacque—" May sasabihin pa sana siya nang makarinig ako ng boses lalaking nagsasalita 'di kalayuan mula sa'min.
"We're coming!" sagot niya at agad akong tinulungang tumayo. I instantly felt my head aching after successfully standing up.
"Are you alright?" tanong niya habang inaalalayan ako.
"What's happening? Are you alrigh" sunod-sunod kong tanong sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kung saan.
"I am. For now, we are. I'll explain later, sa ngayon kailangan muna nating harapin ang lalaking yun," she said at nagpatuloy na sa pag-alalay sa'min papunta sa kusina kung saan kasalukuyang naghahain si Sir Walters.
I still can't believe it was him.
"Hi, love. I cooked your favorite," he said sweetly and he even had the audacity to kiss Que in front of me. I saw my friend trembling but she signaled me not to interfere, kaya naman kahit gustuhin ko ay mas pinili ko na lang ang manahimik sa tabi niya.
Pinanood niya munang sumubo ng ilang beses si Que bago siya lumayo rito at umupo sa harap nito para kumain.
"Dinala kita rito para may kasama si Que. 'Wag na 'wag mo siyang paiiyakin. Nagkakaintindihan ba tayo?!" Halos manginig ako sa takot nang marinig ko ang pagdagundong ng boses niya sa buong kusina. Mariin namang pinisil ni Que ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. Nang balingan ko siya ay tumango siya sa'kin kaya agad ko ring ibinalik ang pansin kay Sir Walters at tumango.
"Good," he stated, clearly satisfied with my answer before he stared at Que once again.
"Sige pa, love. Eat more. I know this is your favorite," nakangiti nitong ani habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Que.
"O-okay n-na," pigil ni Que at tipid na nginitian ang lalaki. Sinuklian naman ito ng lalaki bago matatalim ang mata na binalingan ako.
"Anong tinitingin tingin mo?! You want me to put food on your plate, too?" Mabilis akong kumuha ng pagkain at nag-umpisa nang kumain.
Si Sir Walters lang ang nagsasalita habang kumakain kaming tatlo. Tanging tango at tipid na ngiti lang ang sagot sa kaniya ni Que.
"Aalis muna ako, love. May tatapusin lang akong trabaho," paalam nito pagkatapos naming kumain.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Que sa kaniya. Napangiti naman ang lalaki at hinapit pa sa may baywang ang kaibigan ko.
"Bakit? Mami-miss mo ba ako?" malambing nitong tanong sa kaniya. I saw how Que flinched but she immediately tried to hide it with a smile.
"'Wag kang mag-alala, love, babalik din ako agad. Alam ko namang ayaw mong matagal na nalalayo sa'kin," aniya bago hinalikan sa noo si Que at tuluyan na ngang lumabas.
Nagkatinginan kami ni Que nang marinig namin ang tunog ng napakarami susi. He was locking us up. Sabay kaming napabuga ng hangin nang marinig na namin ang tunog ng sasakyan na umalis.
"What's happening, Que?" tanong ko sa kaniya nang balingan na niya ako ng tingin.
"I'm sorry for dragging you in this mess Jacq," she replied instead. Pinakatitigan ko siya nang maayos bago ko pinag-krus ang mga braso ko sa may dibdib.
"That's not want I wanted to hear, Que," mariin kong saad sa kaniya.
"Upo muna tayo, baka mahilo ka," giit niya at inalalayan ako papuntang sofa. Habang akay-akay niya ako ay nakita ko ang mga galos sa siko niya.
"Is he hurting you?" Napa-angat siya ng tingin sa'kin bago ibinaba iyon sa mga galos niya sa braso.
"I tried escaping earlier pero naabutan niya ako. And I was glad he did," ani niya na nagpakunot ng noo ko.
"What? Nababaliw ka na ba?"
"Pagbalik namin dito, nandiyan ka. Kung nakatakas man ako, maiiwan ka rito!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"What happened, Jacque? Paanong nadala ka niya rito? Bakit ganiyan ang itsura mo?" sunod-sunod na tanong niya nang matahimik ako. Doon ko lang na-realize na naka-hospital gown pala ako.
"H-hindi ko alam. The last thing I remembered was that he hit me on the head," kwento ko habang inaalala ang nangyari before I ended up here.
"What? Are you okay? How do you feel? May masakit ba sayo?" nag-aalala nitong tanong at bahagya pang tinignan ang sugat ko.
"Tara muna. Magpalit ka ng damit," she said at muli akong inalalayan papunta sa kung saan.
"Here, magpalit ka muna," ani niya sabay abot ng damit. Inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. The room isn't that big but it's not that small either. There is a queen-size bed and a built-in cabinet just beside a door which I think is the restroom.
"Are you okay?" tanong ko sa kaniya na sinagot niya lang ng isang malungkot na ngiti bago ako sinabihang magbihis muna. I stared at her for awhile.
Halos apat na araw ko pa lang siyang hindi nakikita pero pakiramdam ko napakalaki ng ibinagsak ng katawan niya, the dark circles under her eyes shows sleepless nights as well.
"Que, are you okay?" Awang awa ako sa kaniya but she just shook her head bago ituro ang banyo. Bumuga muna ako ng hangin bago ako tuluyang tumalikod at pumasok sa banyo para malinisan ang sarili.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasan ang mag-isip. Pano siya napunta rito? She was with Trey the last time she was seen. Anong koneksyon niya sa lalaking iyon?
Endless trail of thoughts came in gushing as the water flow down my body. This is dangerous. Hindi namin hawak ang isip ng lalaking iyon. He looks so in love with Que but he was still able to hurt her, that's very very dangerous.
This is a big mess, our life was already on the line. But she's my sister. By blood or not, she's my sister so I'm not gonna leave her in this mess alone. Never.
Agad kong tinapos ang pagligo at nagpalit ng damit na ibinigay niya. Pagkalabas ko naman ng banyo ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa kama katabi ang isang med kit.
She smiled at me and gently pat the spot next to her, gesturing me to sit beside her. Huminga ako nang malalim bago sumunod at umupo rin sa kama. She opened the kit at nag-umpisang linisin ang sugat ko.
"Hindi ka magtatanong?" she asked, breaking the silence between us.
"I don't know what to ask," sagot ko sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin at bahagya pang binasa ang pang-ibabang labi na para bang humuhugot ng lakas ng loob sa sasabihin niya.
Tinapos niya ang paglilinis ng sugat ko bago iyon mabilis na iniligpit at saka siya kusang humarap sa akin.
"Remember Mr. D?" she asked out of the blue, confusing me so much.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Mistero / ThrillerQue Ramirez's normal life takes a turn when she suddenly started receiving creepy messages and chats from an unknown stalker.