"Nakausap ko na si Lester. Papunta na siya sa bahay. Si Gianne ba?" Napailing ako nang marinig ang pangalan ng kaibigan.
Hindi ko alam paano niya natitiis ang anak niya. Que's a great kid. Halos wala ka na ngang hahanapin sa batang iyon. Masipag, mabait, at malambing. Napabuntong-hininga na lang ako sa naisip.
"Pupunta rin daw siya. 'Di ko lang alam kung totoo na this time, sana naman." Ilang pangako na ba niya ang napako? She kept on promising, but she never came. Nakita ko kung ilang beses nabigo ang bata sa tuwing inaantay niya ang mommy niya.
Naiintindihan ko iyon. Sinusubukan kong ibigay ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina para kay Que, pilit kong pinupunan ang mga pagkukulang ng mommy niya. But I know, deep inside, my daughter still yearns for her mother's affection.
"Enrique," bati ni Lester na agad tumayo mula sa sofa nang makita ang pagdating namin.
"Jaya." Napabaling ang tingin ko sa kaibigang nanatiling kalmadong nakaupo sa sofa namin nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Gianne..." Napangiti ako nang makita siya roon. At least she stood by her words this time.
"You came!" tuwa kong bati sa kaniya pagkatapos magbeso.
Nginitian niya lang iyon, bago kami bumaling kay Enrique at Lester na nag-uusap tungkol sa usad ng imbestigasyon.
"Don't waste your time looking for her. Baka naman talagang nakipagtanan doon sa lalaking kasama? Hindi ba't nawawala rin iyon?" Sabay-sabay kaming napabaling kay Gianne nang magsalita siya.
"Gianne! Can you hear yourself? Nawawala ang anak natin!" nanggagalaiting bulyaw sa kaniya ni Lester.
"Hindi nawawala ang batang iyon. Gusto lang sigurong magpapansin kaya ganoon." Nagpantig ang tainga ko sa narinig.
"Are you saying na hindi ko napalaki nang maayos si Que? Ganoon ba, Gianne?" Guilty naman itong humarap sa'kin at humingi ng paumanhin.
"That's not what I meant, Jaya. Ang sinasabi ko lang, gusto lang ng batang iyon na bigyang pansin ko. Pasensya na at nadamay pa kayo sa kalokohan ng batang iyon."
"Gianne! How can you say that? Kulang sa pansin si Que? Siguro sayo, oo. Kailan ka ba tumupad sa mga pangako mo? Pinaramdam mo man lang ba sa anak mo na mahal mo siya? Or do you even love her?" naluluha kong pangkokompronta sa kaniya.
I hated how she talked ill about Que. She's her mother, pero nakakaya niyang sabihin ang mga iyon.
How I wish to be Que's biological mother instead! She doesn't deserve to be treated like this.
"Jaya, you got it all wrong—"
"Ano? Mali? Gianne, anong mali? Alam mo kung anong mali? Ikaw! Ikaw ang mali! How I wish that Que wasn't born as your daughter! Wala kang kwentang ina!" Napabaling sa kaliwa ang pisngi ko nang maramdaman ang sampal niya.
"Bakit?! Hiniling ko ba sayong alagaan mo ang batang 'yon?! Hindi, Jaya! Ikaw ang nagpresenta—"
"It's because you wanted to get rid of her! Lalandi-landi ka tapos hindi mo magawang panindigan ang naging bunga?!" hindi ko napigilang sabihin. My tears are continuously streaming down my face, ganoon din sa kaniya. Pilit kaming kumakawala sa hawak ng dalawang lalaki na pinipigilan kami.
"Let me go! That's why I wanted to get rid of that child! I couldn't give her a family! Hindi siya magiging masaya! Pero pinilit mo! Ngayon isusumbat mo sa'kin 'yan?!"
"Hindi ko sinusumbat, Gianne! I never regretted taking Que! Ang akin lang, sana man lang nagparamdam ka! Kahit katiting lang, Gianne! Hindi naman demanding na bata si Que, gusto lang naman niyang makasama ka! Ang makita ka! Gaano ba kahirap yun?!" Basag na ang boses ko pero patuloy pa rin ako sa pagsigaw at pagtatanggol sa anak ko.
I'm sorry, Que. I'm sorry, anak. I should've done this earlier.
"I can't. Jaya, I tried, but I can't. Ni hindi ko kayang tignan ang batang yun nang hindi naaalala ang kasalanang nagawa ko!"
"Kasalanan mo! Kasalanan mo, Gianne! Bakit mo ibinubunton sa bata?!" hindi makapaniwala kong balik sa kaniya. I can't believe how narrow-minded and selfish she is.
Sila ang nakagawa ng kasalanan, sila ang nagpadala sa tukso. Pero bakit parang kasalanan pa ng bata iyon?
Nagulat ako nang bigla siyang natawa habang tumutulo pa rin ang luha.
"She indeed grew up with you. Pareho lang kayo ng sinabi." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Pilit akong kumawala sa mga hawak ni Enrique at nang nagtagumpay ay lumapit ako sa kaniya at inalog ang magkabila niyang balikat.
"Nakita mo siya? Nakausap mo?" Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa'kin habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Gianne!" Pati si Lester ay naubusan rin ng pasensya nang ilang minuto pa ay hindi pa rin siya sumasagot.
"Kaya nga ang sabi ko ay hindi siya nawawala! Malamang ay nagtatago lang iyon para pansinin ko—"
"So nakausap mo nga?! When did this happen?"
"Hindi na importan—" Natigilan kaming lahat nang bigla siyang hablutin ni Lester nang mariin at pilit na iniharap sa kaniya.
"Sayo, hindi importante. Pero sa'min, oo. Anak ko yun, Gianne. I may not be the best father, but I'll do everything for my daughter. Kung wala kang pakialam, pwes ibahin mo 'ko." Mariin ang pagkakasabi ni Lester niyon at galit ang mga mata habang nakatingin kay Gianne.
"When was the last time you saw her, Gianne?" kalmadong tanong ni Enrique.
"Kailan, Gianne?" mariing tanong ni Lester sa kaniya. Huminga nang malalim ang kaibigan ko bago sumagot.
"Three days ago."
"Anong oras?" tanong ulit ng asawa ko.
"I don't know. She just came to my house crying and all. Asking why I haven't visited her even once."
"Umaga ba? Hapon? Gabi? Ano, Gianne?!" hindi mapakali kong tanong.
"Hapon! She came around four or five, I think."
"May kasama ba siya?" tanong ni Lester.
"I don't know."
"Anong oras siya umalis? Nagtagal ba siya sa inyo?"
"I don't know—"
"Dammit, Gianne! Ano bang alam mo?!" bulyaw ko nang pare-pareho lang ang sagot niya sa mga tanong sa kaniya.
"I really don't know!"
"Hindi ka man lang nag-alala?! Nanay ka ba talaga?!" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.
Natigil lang kami nang magsabi ang mga katulong na dumating na ang detective.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Mystère / ThrillerHe watches. He waits. He knows everything about her. Que Ramirez's life takes a terrifying turn when she starts receiving cryptic messages from an unknown stalker. At first, they seem like a cruel joke-until the threats become real. Someone is follo...
