Agad na inasikaso ang paglipat namin ni Jacque. Tita Jaya also insisted for us to hire a house maid para daw hindi nawawalan ng tao ang apartment namin at para na rin may kasama kaming matanda.
At first ay gusto pa niyang siya mismo ang manatili kasama namin but that would be too much hassle on her part since nasa probinsya ang main office ng kumpanya nila.
"Siguraduhin ninyo na tatawag kayo agad if something feels off, okay?" nag-aalala pa rin nitong bilin sa'min.
Halos isang linggo rin silang nag-stay ni Tito kasama namin dahil sa sobrang pag-aalala nila. Patuloy pa rin ang investigation regarding that stalker. Pinapalitan na rin ang cellphone ko at lahat ng digital devices na maaari daw na nalagyan na ng bugging device ng stalker.
For a week ay tumahimik nang muli ang buhay ko. No creepy messages and chats. I deactivated my facebook as well and just made a new one for more security.
Hinarap ako ni Tita at hinaplos ang mukha ko before she hugged me tightly as we were standing by the door of our new apartment.
"You're gonna be okay, hija. Aayusin natin 'to," bulong niya sa'kin habang hinahaplos ang hanggang balikat kong buhok.
"You're gonna be okay," bulong niyang muli bago humiwalay at hinalikan ako sa noo. Ganoon din ang ginawa niya kay Jacque bago sila tuluyang nagpaalam ni Tito.
Tahimik lang naming pinanood ang paglayo ng sasakyan nila bago ko naramdaman ang mahinang tapik ni Jacque sa balikat ko.
"Tara na, magpahinga na tayo. Maaga pa pasok natin bukas," paalala niya.
"It is always a difficult question to ask where to begin to tell the story of the history of psychology." Tahimik ang buong classroom habang umiikot si Sir Drake sa loob nito.
Sandaling nagsalubong ang mga tingin namin bago ko ibinaba ang tingin pabalik sa notebook upang magsulat ng notes mula sa mga sinasabi niya.
"Psychology is an exciting field and the history of Psychology offers the opportunity to make sense of how it has grown and developed. The history of psychology also provides perspective. Rather than a dry collection of names and dates, the history of psychology tells us about the important intersection of time and place that defines who we are." Our eyes met once again. And this time, it didn't leave mine as he keep on discussing in front of the whole class.
"Consider what happens when you meet a new classmate for the first time. The conversation usually begins with a series of questions such as, 'Taga saan ka?' 'Gaano ka na katagal dito?' or 'Saan ka nag-aaral dati?', right?" Sabay-sabay kaming tumango dahil sa tanong niya. Doon lamang ako nilubayan ng tingin niya upang tawagin ang isa sa mga kaklase ko para sagutin ang ilang katanungan niya.
The one-and-a-half-hour class proceeded like that. The whole class was silently listening to him as he discussed in front. But after the bell rang, all hell broke loose, the classroom was so noisy as they kept on bugging Sir Drake whose strict face was finally replaced with a smiling one.
I rolled my eyes as I saw most of my girl classmates approached him for their supposed-to-be questions.
Ang daming tanong, mga hindi nakikinig.
Inayos ko na lang ang bag ko at palabas na sana ng pinto nang makasabay ko si Sir Drake sa may pintuan. Nginitian niya ako pagkatapos humakbang pabalik para paunahin ako sa pagdaan.
"Ladies first, Miss Ramirez." Tipid ko lang siyang nginitian at bahagyang tinanguan bago ako dumiretso papalabas ng classroom.
Agad na pasimpleng sumunod sa'kin ang dalawang bodyguards na hinire ni Daddy para sa'kin. I took out my phone to text Jacque when I suddenly fell on the floor.
My things scattered on the floor as I felt the stinging pain on my back. Napangiwi ako sa naramdamang sakit sa may balakang. Nagmulat ako ng mata at nakita si Trey na tumatayo rin mula sa sahig.
"Shit! I'm sorry, Que. Hindi kasi kita napansin dahil sa box na dala ko. Were you hurt?" nag-aalala nitong tanong habang ino-offer ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Palapit na sana ang mga bodyguards ko nang pasimple ko silang senyasan na ayos lang.
"I'm oka—aww!" sagot ko na nagtapos sa isang daing dahil naramdaman kong muli ang kirot sa'king balakang.
"Masama yata ang pagkakabagsak mo. Let me take you to the clinic," alok nito sa'kin. Bumaba naman ang tingin ko sa mga gamit namin na nagkalat sa sahig ng corridor.
Nakita ko ang malaking karton na sinasabi niya, nagkalat na sa sahig ang mga dala niyang mga cartolina at ribbons.
"'Wag na. You looked busy, I can manage," tanggi ko sa kaniya at agad na hinanap ang cell phone para ma-contact si Jacque.
"Really? I'm so sorry talaga. Let me help you with this," aniya at tinulungan akong magpulot ng mga gamit.
"Here," abot niya sa cell phone ko na tumalbog din ata sa sahig dahil sa pagkakabangga namin.
"Thanks," ani ko habang sinusubukang paandarin iyon.
"Dalhin muna kaya kita sa clinic?" nag-aalala nitong tanong nang makita ang pag-ngiwi ko dahil sa sakit.
"No. No need na, papunta naman na rito si Jacque. Mukhang nagmamadali ka. You can go now," nakangiti kong ani sa kaniya.
He stayed torn for awhile and kept on insisting to take me to the clinic but I was adamantly refusing. Halata naman sa expression niyang nagmamadali na siya.
"Okay. But beep me up kung anong balita. I feel so guilty! Mukhang masama pa naman ang bagsak mo," ani niya at bumaba ang tingin sa may balakang ko.
Tumango na lang ako para makaalis na siya. Nagmamadali niyang pinulot at ibinalik sa box ang mga tumilapon na gamit bago siya nagmamadaling nagpaalam.
Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong pigura niya bago ko muling tinawagan si Jacque na agad namang sumagot.
"Let's have your back checked first!" pilit niya habang inalalayan akong umupo. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para mag-lunch at mainit ang ulo nito dahil ayaw kong ipatingin ang balakang ko.
"Mawawala rin 'to, Jacque. Baka nalamog lang or something."
"Hay naku! Bahala ka nga! Ano bang gusto mong ulam?" giit niya habang ibinababa ang bag sa upuan.
"Fish fillet, please?" sagot ko at nginitian pa siya. Inirapan niya lang ako bago iniwan sa table para bumili ng pagkain namin.
Binuklat ko naman na muna ang libro ko sa GenPsych para sana mag-review sa quiz namin sa susunod na meeting.
I was already engrossed with reading nang makakita ng isang maliit na puting papel na nakaipit sa libro ko. Nanlamig ang mga palad ko nang mabasa ang nakasulat doon.
You can try shutting me out, love. You can run but I'll always be here to chase you. Don't worry, I'll always be here. I love you.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Mystery / ThrillerQue Ramirez's normal life takes a turn when she suddenly started receiving creepy messages and chats from an unknown stalker.