"Takbo! Tumakbo ka hanggang gusto mo! Maabutan din kita!" Umaalingawngaw ang boses niya sa buong lugar habang patuloy akong tumatakbo nang walang patutunguhan, makalayo lang sa kaniya.
I should have known. Sana sinunod ko ang instinct ko. Alam kong may kakaiba na simula palang. Masyado siyang maraming alam. Alam niya bawat kilos ko, bawat galaw ko. How come I didn't notice?
Hilam ng luha ang mukha ko habang patuloy akong tumatakbo papalayo. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili kahit na nanginginig na ako sa takot. I won't benefit anything by being scared. I need to be rational. Kailangan kong makaisip ng paraan para matakasan ang lalaking 'yon.
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawang eskinita. Tila nabuhayan ako ng loob. I just need to choose which direction to go. Kailangan kong makaligtas dito. Hindi niya ako pwedeng mahuli.
"Which way, Que?" hingal kong bulong sa sarili habang palapit nang palapit sa crossing. Nang marating ang pagitan ng dalawang eskinita ay mabilis kong nilingon ang likuran para siguraduhing hindi niya pa ako nasusundan.
Nang masigurong hindi niya pa natutunton ay agad akong tumakbo sa kaliwang eskinita at nakaramdam ng ginhawa nang makakita ng isang tumpok ng mga sako. Agad akong sumuot sa likuran ng mga ito, not minding the bad smell it emits. Ang mahalaga ay makalabas ako ng buhay rito.
Tinakpan ko ang bibig at pinigilan ang paghinga nang makita ko siyang naglalakad patungo sa direksyon ko habang maingay na kinakaladkad ang metal na tubong dala niya.
He scanned the whole place, searching for signs of me. Pakiramdam ko ay mapupugto na ang hininga ko habang inaantay ang pag-alis niya.
Nang lumayo siya ay literal na nakahinga ako nang maluwang at nag-hintay ng ilang sandali bago nagpasiyang lumabas mula sa pinagtataguan ko.
It's too late for me to realize that it was a bad move. Huli na ang lahat para tumakbo nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. I stood there, frozen.
"I told you, kahit saan ka magtago at kahit tumakbo ka pa nang tumakbo, mahahanap at mahahanap kita."
Dahan-dahan akong umikot paharap sa kaniya. Hindi matanggap ng sistema ko ang nakangisi niyang mukha habang nakatingin sa'kin.
Standing in front of me is my living hell. This is the face of the demon.
The demon that I, once in my life, loved.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Mystery / ThrillerQue Ramirez's normal life takes a turn when she suddenly started receiving creepy messages and chats from an unknown stalker.