XXV

107 5 0
                                    

"Jacque! Jacque!" I keep on calling out loud pero walang sumasagot.

Nasa'n ka na, Jacque?

"Hindi mo na siya makikita, love. Iniwan ka na rin niya." Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon mula sa'king likuran. Dahan-dahan akong umikot upang harapin siya. Sumasayad sa lupa ang tubong hawak-hawak niya.

"Sabi ko naman sayo, love, iiwan ka lang nilang lahat. I am the only one who can love you. Ako lang, Que."

"Hindi mo 'ko mahal, Drake," lakas loob kong saad sa kaniya. Agad na namula ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko. For a moment, I almost think he was about to cry.

He remained standing there, a few meters away from me. He didn't move, he was just standing there, staring at me.

"Hindi mo 'ko mahal, Drake," ulit ko sabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Mahal kita, Que. Hindi tayo aabot ng ganito kung hindi kita mahal." And for the first time after a long while, muli kong narinig ang malamyos na boses ng lalaking minahal ko noon.

"Kung hindi kita mahal, hindi kita ilalayo sa mga taong nananakit sayo," dugtong niya pa. Automatic akong napahakbang paatras nang makita kong humakbang siya palapit sa akin, natigilan siya nang makita niya iyon.

"Ganito ako magmahal, Que. Handa akong makipagpatayan, 'wag lang masaktan ang taong mahal ko."

"Pero sinasaktan mo rin ako sa ginagawa mo." Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.

"I-i d-did?" tila hindi makapaniwala nitong tanong at bahagya pang napatingin sa mga palad niya. Agad niyang binitawan ang tubong dala at tumingin sa'kin habang tuloy-tuloy ang pag-daloy ng luha sa mga mata niya.

"Hindi ko sinasadya. Love, hindi ko sinasadya," paulit-ulit niya iyong sinasabi.

I don't love him anymore, pero ang makita siyang ganito ay masakit rin para sa akin. I've known him as a strong and dependable man. Kaya nga sa kaniya ko naibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko noon. He would always be there to listen, to comfort me every goddamn time.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na mauuwi kami sa ganito. The Drake I loved wasn't like this.

"Anong nangyari sayo, Drake? How did we end up right here?" puno ng emosyon kong tanong sa kaniya. He gave me a sad smile as lone tears started falling from his eyes.

"Maybe I have loved you too much?"

"Nakita ko kung paano ka masaktan at umiyak sa piling nila, Que. I promised to myself that I wouldn't let anyone hurt you, kahit pa pamilya mo 'yan." Bahagya siyang yumuko at muling tinitigan ang mga kamay niya.

"Hindi ko namalayang napasobra na pala." Nag-angat siya ng tingin at muli akong binigyan ng isang napakalungkot at punong puno ng sakit na ngiti.

"I lose control, Que. I lost myself, I'm sorry," ani niya bago umangat sa ere ang mga kamay niya sabay ng paglitaw ng pula at asul na ilaw sa paligid. The roaring of the police mobiles filled the whole alley where we're situated.

"Que!" I heard familiar voices calling out but my eyes remained on the man who was being handcuffed by the police.

I saw how his mouth moved before a smile broke into his face as the police shoved him at the backseat of the police mobile.

I'm sorry.

Naramdaman ko ang pag-yakap ng kung sino sa'kin at nang lingunin ko iyon ay nagulat ako nang makita ang lumuluhang si Mommy. She held my cheeks as she scanned my whole face. Her face was drenched with both fresh and dried tears. Behind her was my dad, Tita Jaya, Tito Enrique, and Jacque. All of them are in tears.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon