I

248 6 0
                                    

"Que Ramirez, 19 years old," basa ko sa nakasulat sa file na hawak-hawak ko habang nag-aantay na matawag ang aking pangalan.

Irita kong sinilip muli ang napakahabang pila sa registrar. Nang makitang napakalayo ko pa sa counter ay dinukot ko na lamang ang cell phone sa bag ko at nag-scan sa Facebook.

I was busy watching photos of my friends when a chat head appearred. Napakunot ang noo ko nang ma-realize na hindi familiar ang display photo ng nag-chat. Curious, I decided to take a look at what he had sent.

Hi!

Just that single greeting. I rolled my eyes up, thinking na isa ang taong 'to sa maraming lalaki na napakahilig mag-girl hunting sa internet.

Sungit naman nito. Wala ka namang ginagawa, eh. Matagal pa turn mo.

Dahil sa nabasa ay luminga-linga ako. I tried searching for someone I know. Baka pinagt-tripan lang ako. Baka kagagawan lang 'to ng isa sa mga kaibigan kong baliw. But to my dismay ay halos umikot na ang ulo ko pero wala man lang akong nakita ni isang kakilala.

Hahaha. Sige nga, hanapin mo ko?

Kunot-noo akong nag-reply sa kaniya kung kilala ko ba siya. Hindi agad siya nag-reply kaya naman in-open ko muna ang profile niya sa Facebook. Too bad, mukhang dummy account lang ang gamit ng loko dahil picture ng isang artista ang gamit nitong profile picture. Kaunti na lang. Kaunting kaunti na lang, maniniwala na 'kong kagagawan lang 'to ng loko-loko kong kaibigan.

Jacque! Tigilan mo 'ko sa mga kalokohan mo, ha?!

I was quite convinced that it was my best friend. But, no. It wasn't. Then who the hell is this?

"Jacque, pinagbibigyan na kita for a week diyan sa kalokohan mo. Tigilan mo na," iritado kong bungad sa kaibigan ko pagkarating na pagkarating ko sa cafeteria para sana mag-lunch. On my way kasi papunta ay nag-chat ulit ang dummy account, saying I look good today.

This had been going on for a week already. Hindi ko lang nire-replayan, thinking that it was really my friend.

"Que, I told you. That's not me," tanggi niya sabay hablot ng phone ko to check the messages.

"This one's a hell of a stalker, Que," Jacque said in a matter-of-fact tone and started scanning the cafeteria anxiously. At first, I was confused about her sudden change of expression. But after reading the message that the account sent me, I felt shivers all over my body.

Give her phone back.

Nanginginig ang mga daliri ko habang nagta-type ng reply sa kaniya.

Who are you?

Tutok na tutok kami ni Jacque sa phone ko, waiting for the reply of this eerie stalker of mine. Pinagpapawisan ang mga palad ko. I don't know why I suddenly feel scared.

"May I?" Halos ibato namin ni Jacque ang phone ko sa tao sa harap namin nang bigla siyang magsalita.

"Gosh! My heart! You almost killed me!" singhal ni Jacque sa lalaki sa harap namin na nananatiling nakatingin sa'min, puno ng pagtataka.

Bahagya ko siyang kinurot sa baywang niya nang makabawi ako sa pagkakagulat. Kunot ang noo naman siyang tumingin sa'kin.

Hinarap ko ang lalaking nakatayo pa rin sa harap namin habang dala-dala ang tray ng pagkain nito. Apparently, he just wanted to sit with us. Kawawa naman, napagbuntunan pa ng kasungitan ni Jacque.

"Sure. Sorry, ha? Nagulat lang talaga kami. Pagpasensyahan mo na 'tong si Jacque, may pagka-OA lang talaga minsan," nakangiti kong saad sa lalaki. Agad naman niyang sinuklian ang ngiti ko at tuluyan nang pinatong ang tray sa table at umupo sa harap namin. Jacque's scowl remained on her face though. Mukhang na-badtrip na talaga nang tuluyan.

Sinilip ko ang phone ko, I was hoping na nag-reply na yung stalker na yun. Lagi naman kasing gano'n. 'Pag nase-seen ko yung message niya, wala pang isang segundo ay nakapag-reply na ito agad. But it seems like that's not the case today. Nakatitig pa rin ako sa phone ko nang marinig kong magsalita ang lalaki sa harap ko. Binalingan ko sandali si Jacque na binalik na ang atensyon sa pagkain niya bago binalik ang tingin sa lalaki sa harap ko.

"It's Trey," out of the blue niyang saad habang titig na titig sa'kin.

"Ha?" wala sa sarili kong tanong. Hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya. Nakita ko ang kakaibang ngiti niya pagbaling ng paningin sa phone na hawak ko. Nang mapansin ito ay agad kong binaba ang phone at pinasok sa bag ko. I gave him an awkward smile.

He's making me feel uncomfortable. Really, he just kept on staring at me.

"I told you it's Trey," nakangiti niyang ulit.

"I'm sorry?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"My name's Trey," natatawa niyang ulit, mas malinaw na ngayon.

"Oh, sorry," paumanhin ko kasabay ng isang awkward na tawa.

"Your name?" Natigilan ako sa tanong niya.

Que, he's just trying to be friendly. Tahimik kong paalala sa sarili.

"It's Que... Que Ramirez," nakangiti kong sagot sa kaniya.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon