"Detective Magsaysay, Sir. And this is Mr. Lester Ramirez, father of Que Ramirez, the missing student," pakilala ni Detective sa President ng University.
"Good afternoon, Sir. Our university is willing to extend our help for finding Ms. Ramirez and we also promise to cooperate in finding the culprit about Ms. Lim's case. Gagawin po namin ang lahat upang makatulong sa pagpapabilis ng usad ng imbestigasyon." Nginitian ko lang at tinanguan ang presidente. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
Alam ko namang walang kinalaman ang eskwelahan sa pagkawala ng anak ko at sa nangyari kay Jacque pero hindi ko pa rin magawang hindi mainis.
"Sige, Sir. May we review the other footages?" tanong ni Detective.
"Sure, but almost all of the footages you'll probably need were wiped out by whoever did this," the president reminded na tinanguan lang namin.
Pumasok kami sa control room kasama ang presidente ng university. Sandali pang naiwan ang tingin ko sa mga officers na sinusuri ang mga dugong nagkalat sa sahig.
Halos kilabutan ako nang maisip na maaring dugo iyon ni Jacque.
"Malakas po ang kutob namin na kung sino man ang may gawa nito ay may koneksiyon din sa pagkawala ni Ms. Ramirez." Sandali akong binalingan ng matanda bago ibinalik ang tingin sa lalaking nakaupo sa control panel.
"The footages that were deleted were all from the same day of her disappearance," dugtong nito at itinuro pa ang ilang file na naiwan.
"Ang footage lang from three days ago ang dinelete?" kunot ang noong tanong ko.
"Yes, Mr. Ramirez," pagsang-ayon ng may hawak ng control.
"Pero bakit?" Lumipat ang mga mata ko kay Detective habang tinatanong iyon.
"According to Jaya and Enrique, they found nothing in there aside from that Que was with this boy named..." Natigilan ako nang hindi maalala ang pangalan ng binata.
"Trey Falcon," dugtong ni Detective.
"Yeah, the boy named Trey Falcon. Kaya anong meron sa footage na yun para i-delete?"
"Hindi ba't bumalik lang din si Miss Lim dito? Paalis na sila nang bigla siyang magpaalam at sabihing may pupuntahan lang. But she ended up dueling with the culprit here? Maybe she saw or notice something in the footage?" Detective Magsaysay concluded.
Habang papunta akong ospital ay hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni Detective tungkol sa maaaring nakita ni Jacque.
"How is she?" tanong ko kay Gianne habang nakatanaw kami sa mag-anak na nasa loob ng kwarto.
Enrique and Jaya was busy taking care of their unconscious daughter. Nakakaawa pero pakiramdam ko ay mas nakakaawa ang lagay ko, namin. At least they can see their daughter, they know what's happening on her. Pero kami, we don't even know what's happening to Que right now. Kung nakakakain ba siya o kung ligtas ba siya?
"This is all of my fault." Napatingin ako kay Gianne nang marinig ko ang basag niyang boses.
"Lumapit siya sa'kin. I think she was asking for help. P-pero anong ginawa ko?" Agad na nagsalubong ang tingin namin nang mag-angat siya ng tingin sa'kin. I saw her tears started to fall and it immediately caused my heart to constrict in pain.
Gianne would always be one of my weakness. Noon hanggang ngayon, at hindi na yata magbabago pa.
Alam kong nagkasala kami sa mata ng Diyos at mata ng tao noon, alam ko ring dahil doon kaya naging magulo rin ang buhay ng anak namin. But seeing her crying and being filled with guilt for neglecting our child, my heart aches for her.
Huminga ako nang malalim bago siya inabot at marahang hinatak palapit sa'kin para yakapin.
"We'll find her. Hahanapin natin ang anak natin," bulong ko sa kaniya habang humahagulgol siya sa may dibdib ko.
My eyes flew back to the family inside the room. Kung sana lang naging malakas tayo noon, wala tayo rito ngayon.
Hindi ko napigilan ang inggit na sumibol sa loob ko nang makita si Enrique na pinapakalma si Jaya sa pag-iyak. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at mas pinagtuunan na lang ng pansin si Gianne.
"Anong balita ro'n, Pre?" tanong ni Enrique habang pareho kaming nakatingin kay Jaya at Gianne na nag-uusap sa may couch sa loob ng hospital room ni Jacque.
"Hinala ni Detective Magsaysay ay may nakita o napansin si Jacque sa footage kaya siya bumalik sa control room."
"How 'bout the culprit? May suspect na ba?" kunot ang noo niyang tanong sa'kin na inilingan ko.
"Yung si Falcon pa rin," maikli kong sagot.
"Ibig sabihin ay bumalik siya ng school to remove his tracks? Hindi man lang siya nahagip ng kahit anong CCTV?" We remained silent after his remark. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya dahil maging ako ay hindi rin maayos ang lagay sa mga nangyayari ngayon sa mga anak namin.
"I won't let that bastard get away after doing that to my daughter." Bumalik ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang galit niyang boses.
"Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang kung sino mang may gawa nito kina Jacque at Que," dugtong niya pa.
"Maiwan na muna namin kayo, ha? Babalik din kami agad," paalam ni Jaya habang nakatingin pa rin sa walang malay na si Jacque.
Uuwi muna sila para magbihis at kumuha ng gamit si Jacque. Maiiwan naman kami ni Gianne para magbantay.
"Parang kinakabahan ako Enrique. 'Wag na lang kaya muna tayong umalis? Pahatid na lang natin kina Manang," ani ni Jaya sa asawa niya.
"Jaya, we're here. Hindi naman namin pababayaan si Jacque," giit ni Gianne sa kaniya na agad naman naming sinang-ayunan ni Enrique.
Sandali niyang tinitigan ang anak bago kami malungkot na hinarap.
"Kayo na munang bahala, ha? Pupuntahan pa namin si Detective Magsaysay para kausapin tungkol sa usad ng paghahanap kay Que," saad ni Jaya matapos ang mahabang pangungumbinsi na umuwi na muna sila. Mabilis lang nilang hinalikan sa noo si Jacque bago tuluyang umalis.
The room was filled with silence as soon as Jaya and Enrique left. Tanging ang tunog lamang ng ventilator ang nagbibigay ng ingay sa buong hospital room. It was so awkward.
Gianne and I never really get to talk properly ever since Que came.
And I admit. I was an asshole for that. Maybe this was the price for all of my mistakes. Pero sana, sana lang ay hindi na dinamay pa ang anak namin. Kami ang nagkasala. Kami yung nakalimot. Kaya bakit parang si Que pa ang sinisingil?
Nang hindi ko makayanan ang awkwardness ay tumayo ako mula pagkakaupo na nakaagaw sa atensyon niya.
"I'll buy us food. May gusto ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Just coffee," tipid ang ngiti niyang sagot na tinanguan ko.
"Sige, sandali lang ako," paalam ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto para pumunta sa cafeteria.
I ordered Gianne's coffee and bumili na rin ako ng bread in case.
"Gianne—" Agad na bumagsak ang mga binili ko sa sahig at agad akong napahawak sa likuran ng ulo ko nang maramdaman ko ang sakit ng pagtama ng kung anong matigas na bagay roon.
Napabagsak ako sa sahig at doon ko lang nakitang nakahandusay rin sa sahig si Gianne, wala nang malay.
Nanghihina akong umikot para tingnan kung sino man ang may gawa noon. Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na hood, papalapit siya sa kama ni Jacque.
"N-no..." nanghihina kong pigil sa kanya habang sinusubukan kong tumayo.
"You're still awake?" Humakbang siya palapit sa'kin at hinarap ako. Pilit kong kinikilala ang itsura niya pero nakasuot siya ng itim na mask na nagtatakip ng kalahati ng mukha niya.
"Pasalamat ka, tatay ka ni Que. Kung hindi, tinuluyan na rin kita," yun lang ang sinabi niya bago ko muling naramdaman ang pagtama ng kung ano sa balikat ko at tuluyan nang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHe watches. He waits. He knows everything about her. Que Ramirez's life takes a terrifying turn when she starts receiving cryptic messages from an unknown stalker. At first, they seem like a cruel joke-until the threats become real. Someone is follo...
