II

162 7 0
                                    

"My name is Drake Walters and I would be your professor for your General Psychology," pakilala ng bagong dating na lalaki. Biglang tumahimik ang maingay na classroom.

He looks young to be a professor but he looks strict, too.

Nag-start na si Sir Walters sa pagdi-discuss ng syllabus ng subject, his requirements, at kung paano ang rubics ng computation ng grades namin at the end of the semester.

"For tomorrow—" Tumalim ang mga mata ni Sir Walters nang maputol ang sasabihin niya dahil sa daing ng mga kaklase ko.

"Silence!" And the whole room was filled with immediate silence. Parang dinaanan ng anghel ang buong classroom.

"Ayokong may nagsasalita o nag-iingay kapag nagsasalita ako." Inilibot niya ang tingin sa buong classroom.

Bored lang akong nakatingin at nakikinig sa sinasabi niya. Sandali kong sinulyapan ang relo para silipin ang oras.

Eight forty-five naman na. Fifteen minutes na lang. Ibinalik ko ang tingin sa harap at na-realize na nakatingin si Sir Walters sa'kin habang nakataas ang kilay.

Nagtatanong ang mga mata ko nang harapin ko ang mga kaklase ko na nagkibit-balikat lang.

Hindi naman ako nag-ingay!

Nagkunwari na lang akong walang nakita. Ilang sandali lang ay bumalik na rin naman siya sa mga paalala niya.

Just when the bell sounded, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sir Walters. His strict face suddenly loosened up and he gave the whole class a carefree smile, na para bang hindi niya kami sinigawan kanina.

"Takot kayo? That was me as a professor. Ganoon tayo 'pag klase, okay?" tanong niya na tinanguan naman ng lahat.

"But after class, don't worry, chill lang tayo," nakangiti niyang pahayag bago tuluyang magpaalam.

"Gosh! Akala ko first time ko maiinis sa gwapong prof! Mabait naman pala!" Napairap na lang ako sa narinig na sinabi ng kaklase ko.

Nagmamadali ko na lang na inayos ang mga gamit ko para makapasok na sa susunod na klase.

Pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. I immediately surveyed the surrounding, looking for someone staring at me, pero wala naman.

Binuksan ko ang text message mula sa unknown number.

Your uniform suits you. You look pretty.

This is starting to scare me. I blocked the dummy account before pagkatapos kong makumpirmang hindi nga si Jacque ang may gawa. But then, ito ang mas disturbing.

How the hell did he get my number?!

Nagmamadali akong umalis doon. At habang naglalakad papunta sa next class ko, chineck ko ulit ang phone ko nang naramdaman ang muling pag-vibrate nito.

You still have enough time. Don't rush.

Natigilan ako sa paglalakad at nakatitig lang sa mensahe sa cell phone ko. Natatakot na nag-angat ng tingin sa paligid, sinusuyod kung mayroon ba roon ang kahina-hinala pero normal naman ang lahat.

Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim bago ko muling idinilat ang mga mata ko.

"Shit!" Halos matumba ako sa gulat nang makita ko si Trey sa harapan ko.

"Lagi na lang kitang nagugulat. Was my face scary or talagang pala kape ka lang?" pagbibiro niya pero hindi ko nagawang tumawa. Busy pa rin ako sa pagtingin sa paligid at paghahanap ng posibleng suspect kung sino ang nagse-send ng mga messages sa'kin.

"Hey, Que? You, alright? Namumutla ka." Napatingin na ako kay Trey na nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"Y-yeah. O-okay lang ako. Nagulat lang talaga," sagot ko at hindi pa rin naiwasang mag-lumikot ang mga mata sa paligid.

"Tara na, male-late na tayo! Strict pa naman daw yung prof sa Oral Comm," yaya niya sa'kin. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya habang abala pa rin sa pagtingin sa paligid.

Wait. Natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa papalayong pigura ni Trey. Pa'no niya nalaman ang tungkol sa susunod kong klase? Hindi ko naman pinakita sa kaniya ang schedule ko.

Napakurap-kurap ako nang marealized na umikot na pala siya paharap sa'kin at napakunot ang noo nang makitang malayo na ang distansya namin.

He walked back to where I was. Habang ako ay tahimik lang siyang pinapanood at inoobserbahan ang bawat galaw niya.

Dalawang beses pa lang ata kaming nagkita nito. But he acts like sobrang close na namin. I don't want to judge, pero sa nangyayari sa'kin ngayon, natatakot akong magtiwala sa kahit kanino.

Sabi pa naman ni Tita ay hindi raw mapagkakatiwalaan ang mga city boys. Marami raw kalokohan kaya iwasan ko na lang.

"Hey, male-late na tayo," udyok niya sa'kin. Pinanliitan ko siya ng mata bago ko siya tinanong nang diretso.

"Pa'no mo nalaman na Oral Comm ang next class ko?"

Hindi naman siya agad na sumagot kaya mas lumakas ang kutob ko. Pero bumaba ang tingin ko nang may ituro siya. Sinundan ko iyon ng tingin. Bahagyang namula ang mukha ko sa pagkapahiya.

Stupid Que.

"That's so big. Paanong hindi makikita?" tanong niya habang bahagyang natatawa.

Nametag. How can I forget? I put nametags on my books, para maiwasan ang pagkawala o pagkakanakaw. Alam kong halos may kaya ang nag-aaral dito but better be safe than sorry.

Nakalagay sa nametags ang pangalan ko, time schedule, at room kung anong oras at saan gagamitin ang libro at ang contact number ko in case of emer—contact number!

Baka dito rin nakuha nung stalker yung number ko. Muli kong sinilip ang cellphone at buti na lang ay hindi na muling nag-text pa ang baliw.

"Tara na," muling aya ni Trey na agad ko naman nang sinundan.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon