XXII

116 4 0
                                    

"You mean your imaginary boyfriend when you were sixteen?" Hindi ko napigilang irapan si Jacque dahil sa sinabi niya.

"He wasn't imaginary Jacque," I pointed out.

"Mr. D is Drake. Si Drake Walters." Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya kaya nag-umpisa na akong ikwento sa kaniya ang nangyari years ago.

"After that day, we kept in touch. Madalas kaming magkita. And he's also one of the reasons why I insisted to go here for college."

"Alam kong mas matanda siya, and he knows it, too. Pero ang sabi niya mahal niya ako. Kulang na kulang ako sa pagmamahal, Jacque. Alam kong mahal niyo 'ko nina Tita. Ramdam ko yun. Pero pakiramdam ko pa rin ay kulang. Kulang na kulang," naluluha kong pag-amin sa kaniya.

"He spent almost all his free time with me. He calls me everyday and he was so interested in everything I do. I never felt so appreciated. Pinaramdam niya sa'kin na ako ang buhay niya." Tahimik lang na umiiyak si Jacque habang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"We were together for almost two years but I broke up with him when he started to be too controlling." Natahimik ako nang maalala ko kung paano niya binugbog ang kaklase kong pinahiram lang ako ng payong dahil umuulan. He was so violent.

Dapat doon palang ay nahalata ko na. Pero nasundan pa yun nang nasundan hanggang sa ako na ang bumitiw.

"Nagkita lang ulit kami nang maging professor ko siya sa isa sa mga subjects ko."

"Nagkabalikan kayo?" tanong ni Jacque sa'kin na inilingan ko.

"I was entertaining Trey. Wala na akong planong balikan pa siya. But he insisted, kahit kailan hindi ko naisip na he'll be resorting to this. Hindi ko alam! I'm sorry nadamay pa kayo!" umiiyak kong hingi ng paumanhin.

"Kayo? Maliban sa'kin ay mayroon pang iba rito, Que?" tanong ni Jacque.

Umiling ako habang pinipigil ang mga hikbi upang makapagkwento ako nang maayos.

"H-he tried to rape me," naiiyak kong saad sa mahinang boses na gumulat kay Jacque.

"A-ano?!"

"Pero dumating si Trey, he saved me. Sinubukan naming tumakas—"

"The footage..." tila may naaalala niyang usal habang tumatango.

"Nakita namin sa footage noong araw na nawala ka. You were last seen with Trey. You were running. He was the prime suspect for kidnapping you!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"No! We were running away dahil hinahabol niya kami! Pero naharang niya ang sasakyan ni Trey. Trey was left with him dahil pinatakas niya ako para makahingi ako ng tulong. Pumunta ako kina Mommy kasi mas malapit doon pero... pero..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil muling bumuhos sa'kin ang ala-ala ng mga salitang binitiwan ni Mommy.

"Shhh..." Napahagulgol na lang ako ng iyak nang hilahin ako ni Jacque palapit sa kaniya at niyakap.

"We're all worried about you. Halos hindi na natigil si Mommy kaiiyak sa sobrang pag-aalala sayo. Tito Lester was also the first one to call me dahil hindi ka niya ma-contact," kwento niya habang nakayakap pa rin sa'kin.

"I heard Tita Gianne was about to go to our house to help in the investigation the day I was gone, too." Natigilan ako dahil doon.

M-mommy did that?

Bahagya akong lumayo mula sa kaniya at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Yes, Que. Tita Gianne's coming to find you, too." Magtatanong pa sana ako nang makarinig kami ng ingay mula sa labas. Agad na nanlaki ang mga mata namin.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon