XIV

104 5 0
                                    

"So the lead suspect for now is Mr. Trey Falcon," umpisa ni Detective Magsaysay sabay ipinatong ang litrato ng isang binata sa lamesa sa harapan namin.

Kinuha iyon ni Lester at pinakatitigan nang matagal bago binalingan sina Jaya at Enrique.

"Who's this?" he asked them.

"Ang sabi ni Jacque ay kaibigan din daw nila, classmate ni Que. Pero isang professor ang nakapagsabing boyfriend niya raw." Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Jaya.

Boyfriend?

"But according to Jacque ay nanliligaw pa lang daw ito kay Que," dugtong pa niya.

Bumaba ang tingin ko sa litrato sa lamesa.

"And you don't have an idea where he is as well?" tanong ko na tinanguan naman ng detective.

"Nawala rin siya the same day Que disappeared. But it just doesn't add up, something is missing." Napaangat kaming lahat ng tingin sa detective dahil sa sinabi niya.

"Que left the school premises at two o' clock in the afternoon with Falcon." Lumipat sa'kin ang tingin niya bago siya nagsalita.

"And then she went to her mom's place. Bakit siya pumunta roon? And where was Falcon during that time? Ang sabi mo ay wala kang napansing kasama niya?" Tumango ako sa huling tanong niya.

"Wala, not even a car nearby," sagot ko.

"So where was this kid that time. At ano ang rason kung bakit pumunta siya sa mga De Felipe?" anyai habang paulit-ulit na tinatap ang litrato ng binata.

Natahimik ang buong sala nina Jaya. Lahat kami ay nag-iisip nang biglang may pumasok sa isip ko.

"Wait, I remembered something." Sabay-sabay na bumaling ang tingin nila sa'kin.

"I recalled her saying that she needed me for something. Hindi niya nga lang natapos sabihin dahil nagkasagutan na kami. But she told the guard that she needs something from me!" taranta kong kwento.

Oh my God! What have I done?

"God! Oh my God!" nagpa-panic kong paulit-ulit na bulalas.

I can't believe I sent her away that day. I should've asked what she needed instead. What she wanted. God, I'm so selfish.

Guilt was slowly gobbling me whole when I felt Jaya's arms around me.

"We'll find her," she assured me with a smile.

I'm so thankful I get to have a friend like her. She raised my daughter as her own. Mas matagal niyang nakasama si Que kaya sigurado akong sobra-sobra din ang pag-aalala nila ngayon ni Enrique.

"How about his parents?" Sabay kaming napalingon kay Lester nang itanong niya iyon sa Detective. Umiling naman ang detective at pagod na sumandal sa may couch.

"The guy's an orphan. Puro katulong lang ang kasama sa bahay."

"Wala man lang siyang guardian or relative na pupwede niyang puntahan?"

"We're already checking on that. Pero so far, wala. His parents died in a car crash seven years ago, luckily leaving quite a fortune that helped him live a comfortable life for years," sagot ni Detective Magsaysay sa tanong ni Enrique.

"Sir! Sir!" Sabay-sabay kaming lahat na napalingon sa katulong na nagmamadaling lumapit sa'min habang tinatawag si Enrique.

Namumutla ang katulong at parang naiiyak na.

"Ano yun, Manang?" Jaya asked her worriedly.

"Ma'am, si Jacque raw! Dinala sa ospital!"

"What?!" Sabay-sabay kaming napatayo nang marinig ang sinabi niya.

"What happened?!"

"Nakita raw po siyang walang malay sa labas ng control room ng eskwelahan nila. Pati raw po yung guard ay nakabulagta rin," naiiyak na wika ng matanda.

"We need to go," nagmamadaling ani ni Jaya.

"Detective, please look into this," ani ni Enrique sa detective na agad na tumango.

"Sige na, Pre. Puntahan niyo muna si Jacque. Sasamahan ko na lang si Detective papunta sa university," giit ni Lester.

Nagmamadali kaming nagsi-alisan. I went with Jaya and Enrique. Nasa biyahe pa lang ay hindi na matigil sa pag-iyak si Jaya. I was trying to console her but a mother's bleeding heart is too hard to mend.

Ano ba namang nangyayari? Bakit sunod-sunod?

"Si Jacque Lim, Miss?" tanong ni Enrique sa nurse na nasa reception.

"Nasa emergency room pa po, Sir." Nagmamadali naman naming tinungo ang emergency room at nakita namin doon si Jacque na nakahiga sa kama.

Her head was covered with a bloody gauze. Agad na humagulgol ang kaibigan ko nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng anak niya.

"Jacque! Ano bang nangyayari?!" palahaw niya pagkalapit sa anak.

Hinarap naman namin ni Enrique ang doctor.

"What happened, Doc? Kumusta po ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Enrique, palipat-lipat ang tingin sa doktor at sa mag-ina niya.

"The patient suffered a minor head trauma and concussion. This only happens if nauntog nang malakas o hinampas ng kung ano like baseball bats and other hard objects ang ulo ng tao," paliwanag ng doctor.

Sabay kaming napalingon kay Jacque na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

"We needed to perform a minor operation to clear off the blood clots inside. Delikado kasi kung hahayaan lang at baka magbara sa daloy ng dugo niya." Tumango naman si Enrique at sumama sa doktor para ayusin ang mga kakailanganin para sa operasyon ng bata.

Lumapit naman ako kay Jaya at tumabi sa kaniya. Hawak-hawak niya ang kamay ng anak habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Gianne. Nawawala na nga si Que tapos ito pa?" hirap na hirap niyang saad. Wala naman akong nagawa kun'di ang yakapin na lang siya.

I wanted to comfort her, pero alam kong walang kahit anong salita ang makakapagpagaan ng loob niya ngayon.

"I did my best as a mother. Saan ba ako nagkulang? Bakit nangyayari 'yo sa mga anak ko?" Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya namg nag-umpisa na siyang humagulgol.

"I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas mula sa bibig ko. Pero naramdaman kong sandali siyang natigilan nang marinig iyon.

Kumalas siya ng yakap at hinarap ako.

"You don't have to apologize to me, Gianne. Si Que, kay Que ka dapat humingi ng tawad. Siya ang naghintay at siya ang nasasaktan dahil sa mga ginawa mo, Gianne. Sana lang hindi pa huli ang lahat," umiiyak niyang saad habang nakatingin sa'kin.

"Sana lang bigyan ka pa ng pagkakataong makabawi sa lahat ng pagkukulang mo sa kaniya. Sana lang ligtas siya."

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon