XXIV

105 4 0
                                    

"Detective! May tawag ka po, emergency raw!" an agent told me kaya naman lumapit ako sa lamesa kung saan nakapatong ang telepono at sinagot ito.

"Hello? This is Detective Magsaysay speaking. How may I help you?"

"Detective, it's Professor Walters." Sandali akong nagulat nang magpakilala ang caller. Mas na-confuse pa ako nang marinig ko ang sunod-sunod niyang pag-hingal.

"Ayos ka lang ba, Sir?"

"Yes, yes." I signalled one of the officers to start tracking the call. May pakiramdam akong hindi lang ito basta simpleng phone call.

"Detective, please help Que." Natigilan ako sa narinig.

"Please, find me. Hanapin niyo ako, hawak ko ngayon sina Que, Jacque at Trey. Please save them," pagmamakaawa nito.

"I don't know how you'll do it because I can't tell you where I am. But please find them before it's too late. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa mapipigilan ang sarili ko." Tumango ako sa officer nang makitang nag-thumbs up siya. They already located the caller.

"Professor Walters, are you aware that you're confessing the crimes you made?"

"I am. Please, Detective, save them," yun lang ang huli niyang sinabi bago ko narinig ang dial tone. He already ended the call.

Agad kong inutos ang pagpunta sa area kung saan nila na-locate ang pinanggalingan ng tawag and I was shocked to know that it was just inside the university premises. Agad kong tinawagan sina Judge Lim upang ipaalam ang balita.

"What the hell?! So all this time ang professor na yun ang may gawa ng lahat ng 'to?!" galit na galit na sigaw ni Mr. Ramirez.

"Akala ko ay kakampi natin siya, and he looks nice. I can't believe he can do this to the kids," hindi makapaniwalang saad naman ni Mrs. Lim.

"Looks can be deceiving. Hindi mo alam yung taong akala mo kakampi mo, ay siya palang tatraydor sayo." Tahimik na lang naming pinanood ang ibang officer sa ginagawa nilang pag-iimbestiga.

The whole admin building of the university was close for this very reason. Hindi namin sigurado kung may ginawa nga siya rito o sadyang dito niya lang ginawa ang tawag.

"Negative, Sir. Wala na pong ibang tao rito." Mariin akong napapikit nang marinig ang sinabi ng isa sa mga officers.

"Any clues? Fingerprints?"

"Wala po. Malinis, Sir—"

"Detective!" Mabilis akong lumapit sa forensic na tumawag sa'kin.

Noong una ay nangunot ang noo ko nang ituro niya sa akin ang puting lamesa pero naintindihan ko rin kung bakit nang itutok niya ang isang UV pinlight doon. Scribbles and messy writings then appeared before my eyes. Napakagulo ng mga sulat sa lamesang iyon.

"Sa tingin namin ay gawa ito ng suspect, Sir." Tumango naman ako habang binabasa ang magugulong sulat.

I love you, Que.

Love, I miss you.

Que Walters.

They can't take you.

They're just breaking your heart, love.

You're mine.

You only belong with me.

Ako lang, sa'kin lang.

It was repetitive, the scribbles are all about Que. But something caught my eye.

Save them. Please.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang ginawang pag-amin ng professor. Why would he admit to his crime and yet wasn't willing to surrender himself? Nagmamakaawa siyang iligtas ang mga bata mula sa kaniya pero hindi niya rin mapigilan ang sarili niya.

May sapak ata sa ulo ang isang 'yon!

"Detective." Napataas ako ng tingin nang muli akong tawagin ng forensic at itinutok ang UV light sa isang kanto ng lamesa.

Old

Steel

Walters

Home

Apat na salitang walang kinalaman kay Que at halatang minadali ang pagsusulat.

"Old home of the Walters' in Steel Subdivision." Napatingin ako sa isang lalaking nagsalita sa likuran ko. At agad akong tumayo nang tuwid at sumaludo nang makilala ang lalaki.

"Detective Fuentes," bati ko rito pero tinanguan niya lang ako at muling tinitigan ang mga nakasulat sa lamesa.

"They sent me to assist you with the case," giit niya na tinanguan ko. Detective Fuentes is one of the most respected detectives of all time, kahit na matanda na ay matalas pa rin ang mga mata nito patungkol sa mga bagay-bagay. Halimbawa na lang ang mabilis niyang pagresolba kanina.

"Let's check that," ani nito at nauna nang lumabas ng admin building. Nakasunod ako sa kaniya at agad na bumungad sa'min ang mga nag-aalalang mukha ng mga Lim at Ramirez.

"We had a lead, pero hindi pa ho sigurado kung nandoon nga ang mga bata. Sa ngayon ay pupunta kami roon para i-check."

"Sasama kami," mariin na sabat ni Mr. Ramirez na tinanguan ko.

We drove to Steel Subdivision, we contacted our assets for the confirmation of the Walters' ancestrals house in the said subdivision. And the response is positive. Meron ngang bahay roon ang mga Walters sa pinakadulo ng subdivision.

Nang makapasok kami sa subdivision ay napansin ko ang layo layong bahay at napakatahimik na kapaligiran. It's already midnight and that's a given but this place was just too quiet for anyone's liking.

Nakasunod ako sa sasakyan ni Detective Fuentes at nakasunod naman ang sasakyan nina Judge Lim at Mr. Ramirez sa'kin. Kaya naman halos magkabungguan kami nang biglang tumigil si Detective sa harapan.

Bumaba ako ng sasakyan para tingnan kung anong nangyari at narinig ko rin ang sunod-sunod na pagbaba ng mga Lim at Ramirez.

"Jacque!" Agad kaming nagtakbuhan sa unahan nang marinig namin ang boses ni Mrs. Lim na nauna nang lumapit sa anak na nakakapit sa hood ng sasakyan ni Detective Fuentes.

"Jacque!" tawag muli ni Mrs. Lim habang yakap-yakap ang anak. Umiiyak naman na yumakap pabalik si Jacque sa kaniya.

"Ma! Ma! Si Que! Si Que!" umiiyak nitong sigaw.

"Shhhh. We're gonna find her." Umiiyak si Mrs. Lim habang yakap-yakap ang anak.

"Ma, si Que!" paulit-ulit pa rin niyang sambit. Umiiyak na rin si Mrs. De Felipe.

"You can bring her first to the hospital. Kami na lang muna ang bahala rito," suggestion ni Mr. Ramirez pero mabilis na umiling si Jacque at bahagya pang lumayo sa mama niya.

"No, Tito. Hindi ko iiwan si Que rito!"

"Pero kailangan mong madala sa ospital, hija," Detective Fuentes said pero umiling lang ang mga Lim.

"We'll stay. Hindi rin kami mapapanatag nang hindi namin nakikita si Que," buo ang loob na sagot ni Judge Lim kaya wala na kaming nagawa kung hindi ang mag-sibalik sa sasakyan.

But this time, the Lim's are on the lead dahil tinuturo ni Jacque ang direksyon. Huminto kami sa harap ng isang bahay na may katamtamang laki. All the lights were on, and the door was open.

Mas naunang pumasok ang ibang officers at nakasunod naman kami roon ni Detective Fuentes. Huminto kami nang makita namin ang nakabulagta at duguang katawan ni Trey Falcon sa sahig. Agad kong chineck ang pulso nito at nakahinga nang maluwag nang maramdaman ang pulso nito. The other officers went up and around the house to check for Walters' whereabouts.

"Wala, Sir." Halos mapamura ako nang marinig ko ang report ng mga kasama.

"Nasaan si Que?" Naluluha at puno ng pag-aalala ang mukha ni Mrs. De Felipe nang makita kaming lumabas nang hindi kasama ang anak niya.

"She's not inside. Wala rin sa loob si Walters," balita ko sa kanila. Lumakas ang hagulgol ng mga babae nang marinig ang balita.

Walters, nasaan ka?

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon