IX

102 7 0
                                    

"Jacque, how's Que? Kanina pa ako tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot." Nangunot ang noo ko sa bungad ni Tito Lester nang masagot ko ang tawag niya. Hinarap ko si Manang Nimfa at tinanong kung nakauwi na si Que.

"Hindi pa nga, hija. Kanina ko pa nga inaantay dahil ang sabi ay maaga raw ang dismissal niya ngayon?" Agad akong kinabahan nang marinig ang sinabi ni Manang.

"Tito, I'll call you later po. Susubukan ko muna siyang tawagan. Hindi pa raw po kasi siya umuuwi," nag-aalala kong saad sabay tingin sa relo ko.

7:00 pm.

Kararating ko lang galing school and she told me earlier that her classes ends at 2pm today. So, where the hell is she?

I tried dialing her number but she can't be reached. Sinubukan ko iyon nang sinubukan pero nakapatay talaga ang cell phone niya.

"Manang, hindi ba siya tumawag or nag-text na malelate siya?" tanong ko kay Manang habang patuloy pa rin ako sa pagda-dial ng number ni Que.

Nakita kong dinukot ni Manang ang cell phone niya sa bulsa ng suot na apron at tinignan ito bago muling bumaling sa'kin at umiling.

"Wala, Jacque."

"Que, nasa'n ka ba?" bulong ko sa sarili at naglakad na palabas ng kusina.

Pumunta ako sa sala at ibinaba ang bag ko sa center table bago umupo sa sofa at patuloy pa rin sa pagsubok na ma-contact si Que.

Bumagsak ang tingin ko sa tote bag ko at nakita ko ang librong hiniram ko kay Trey.

Trey!

Nagmamadali kong hinanap ang number ni Trey mula sa contact list ko at tinawagan iyon. Naka-ilang ulit pa iyong nag-ring bago tuluyang namatay ang tawag. Sinubukan ko ulit pero ganoon pa rin, wala pa ring sumasagot.

Are they together?

Damn it! Masasabunutan talaga kita, Que. You're making me worry!

Nang muling maputol ang tawag ko kay Trey ay tamang nag-ring naman ang phone ko dahil sa tawag ni Tito Lester.

"Na-contact mo na ba siya, hija?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Tito nang tanungin niya iyon.

"Hindi pa nga po. Baka po na-lowbatt or something. Sinusubukan ko pong kontakin yung kaklase niyang kaibigan namin. Baka po kasi magkasama sila."

"Ganoon ba? Sige, Jacq. Pakibalitaan naman ako 'pag na-contact mo na siya. And please tell her to call me immediately. Kinakabahan ako sa pinaggagagawa ng batang iyan." Napangiti naman ako sa sinabi niya. At least he's not so indifferent to his daughter like how Tita Gianne is.

"Yes po, Tito." Pagkababa ng tawag ay sinubukan ko ulit i-dial ang number ni Que at ni Trey pero pareho ring walang sumasagot. Naka-off na ang phone ni Que samantalang ring lang nang ring ang cell phone ni Trey.

Mayamaya ay lumapit sa'kin si Manang habang inaabot ang kaniyang telepono.

"Ang mommy mo, Jacque," she said as I took her phone from her.

"Hello, Mom?"

"Hello, Jacque? I can't contact your phone. Ganoon din si Que. May problema ba?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi ko magawang sumagot kay Mommy.

Nasa'n ka ba kasi, Que?

"Jacque! Are you alright? May problema ba?" I cleared my throat before deciding to finally tell her what was really going around here.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon