"Enrique, kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko may masamang mangyayari." Agad na lumipad ang tingin ko kay Jaya nang marinig ko ang nag-aalala niyang boses.
"Balik na lang tayo, please? Papuntahin na lang natin si Detective sa ospital." Huminga ako nang malalim at kinambyo na lang ang sasakyan pabalik sa ospital.
Pauwi na sana kami pero hindi talaga siya mapakali and I felt the same. Pinipilit ko lang maging rational dahil kung pareho kaming aligaga ay walang mangyayari sa'min. We need to find Que and give justice to what happened with Jacque.
Itinigil ko muna sa isang tabi ang sasakyan at inilabas ang cell phone habang nakatingin ako kay Jaya. Agad kong i-dinial ang number ni Detective Magsaysay. A few more rings and he finally answered it.
"Hello? Judge Lim?"
"Detective, can you just go straight to the hospital? Doon na lang tayo magkita."
"No problem, Judge. By the way, I just learned na kasama po pala sa nainjured kasabay ni Jacque yung Professor ni Que. Kagigising lang daw this morning."
"Is that so? Then let's drop by, baka may nakita siya or napansin na posibleng maging lead natin kung sino man ang may gawa nito," ani ko sa kaniya na agad naman niyang sinang-ayunan.
Pagkababa ko ng tawag ay sinulyapan ko naman ang asawa kong kanina pa tahimik. I took her hands that caused her to look at me. I smiled at her as I held her hands and gave it a gentle kiss.
"We'll get through this. Mahahanap natin si Que and magiging ayos din si Jacque." She stared at me for a while before she took a deep breath and nodded.
"Let's go?" tanong ko sa kaniya na tinanguan niya lang muli.
Sandali ko pa siyang pinakatitigan bago ko binitawan ang mga kamay niya at bumalik sa pagmamaneho pabalik sa ospital. Nang makarating na kami ay agad rin naming nakasalubong si Detective Magsaysay sa may parking lot.
"Judge, Ma'am," he greeted.
"Puntahan po muna natin yung Prof?" tanong niya na agad naman naming tinanguan ni Jaya.
"Nahampas din po siya, hindi nga lang kasing lala yung tama niya ng kay Jacque at dun sa namatay na sekyu," sagot niya nang tanungin ko patungkol sa lagay ng guro.
"Ano pong pangalan ng patient, Sir?" tanong ng nurse sa reception area ng ospital.
"Drake Walters," sagot ni Detective dito.
"Room 231, Sir."
"Sige, thank you."
"Dito rin naka-confine si Jacque, 'di ba?" tanong ng detective habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator.
"Yes, sa ibang floor lang," sagot ni Jaya sa kaniya kasabay ng pagbukas ng elevator.
May isang lalaking nakasuot ng itim na jacket ang nandoon kasama ang isang pasyenteng nakatulog na yata sa wheelchair.
"Judge?" Napaiwas ako ng tingin sa pasyente nang marinig ko ang pagtawag ni Detective.
"I'm sorry, what were you saying?" ani ko sabay ng pagbukas ng elevator at lumabas na ang lalaking nakaitim habang tulak-tulak ang wheelchair.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jaya habang nakakapit sa braso ko.
"Yeah, I'm fine," nakangiti kong sagot sa kaniya.
Nagtaka kami nang pagkapasok namin sa kwarto ay walang tao sa kama.
"Ay, Sir, baka ho bumili ng foods yung pasyente. Wala kasing dumadalaw rito kaya mag-isa lang siya," giit ng nurse na ipinatawag para makausap namin.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Mystery / ThrillerQue Ramirez's normal life takes a turn when she suddenly started receiving creepy messages and chats from an unknown stalker.