Three years ago...
"What was that for?" malambing na tanong ni Tita Jaya habang pinapanood akong maingat na itupi ang paper cranes na ginagawa ko. Nakangiti kong inabot sa kaniya ang tatlong cranes.
Nagtataka niya itong tinanggap at bahagyang binuksan saka binasa ang sulat ko sa loob. She stared at it for a while before she turned to me, her eyes were glistening with tears. She pulled me closer and hugged me.
"How thoughtful and sweet of you!" she said as her hug tightened. Tinawanan ko lang si Tita bago siya niyakap pabalik.
"Happy Mother's Day, Tita. Thank you for everything, I love you po," I whispered to her ears with a smile.
"You're always welcome, hija. Alam mo namang nandito lang kami palagi for you," saad niya matapos bumitiw sa pagkakayakap.
Nginitian ko lang ulit si Tita bago bumalik sa pagtutupi ng paper cranes. I might be too old for this but I hope my mom would appreciate this as much as Tita Jaya did. Pupuntahan ko siya mamaya sa bahay nila to greet her and give this to her.
Mayamaya rin ay nagpaalam na si Tita na aalis muna dahil may kailangan pa siyang tapusin sa opisina niya. I just kissed her cheeks and greeted her one last time before bidding goodbye.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa makukulay na paper cranes sa harap ko. Excited na 'kong makita si Mommy. She's so busy kasi kaya hindi na niya ako nagagawang bisitahin. And since it's Mother's Day today, I'll make the effort to see her!
Isinilid ko sa isang red heart-shaped box ang mga paper cranes bago ako umakyat sa kwarto ko para makapagbihis na. I took a shower and had my biggest dilemma of the day.
What should I wear? Dapat maganda at presentable akong tingnan, ngayon na lang ulit kami magkikita ni Mommy.
Agad akong binalot ng excitement kaya naman inilabas ko lahat ng mga damit kong naka-hanger at ipinatong iyon sa kama. Isa-isa kong tinignan kung saan ang mas bagay sa'kin.
I smiled at myself, contented on how I look with the red-floral wrap dress that Mom sent me last Christmas for a gift. Kahit naman hindi ako pinupuntahan ni Mommy ay nagpapadala naman siya ng gifts for every occassion, so I know that she cares for me. Sumasama man ang loob ko minsan ay iniintindi ko na lang, she's busy with her work and inaalagaan niya pa sina Ate Margaux at Kuya Warren. Dalawa sila roon kaya mas kailangan nila si Mommy.
Ilang ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko para iwaksi ang mga luhang nabuo roon dahil sa mga naiisip ko. I should not think about that. Ang importante ngayon ay magkikita kami!
Muli akong ngumiti sa salamin sa harapan ko at inayos ang pagkakaipit sa buhok ko. Finally satisfied with how I look, I glanced at the mirror one last time before I took my small sling bag at bumaba na. Dinaanan ko sa sala ang box na naglalaman ng regalo ko kay Mommy.
"Hija, magpahatid ka na lang sa Kuya Tony mo," suhestiyon ni Manang nang magpaalam akong pupunta kina Mommy.
"Hindi na po, Manang. Magta-taxi na lang po ako," magalang kong sagot sa kaniya.
"Sigurado ka, hija?" Tumango naman ako at muli nang nagpaalam na aalis na.
Sumakay lang ako ng taxi papunta sa subdivision nila Mommy. Kilala ako ng mga guard roon dahil sinasama ako noon nila Tita sa pagpunta rito kapag may events sa bahay nila Mommy kaya hindi na ako nahirapan pang pumasok.
"Diyan na lang po, Manong," sabay turo ko sa malaking gate nila Mommy. Nagbayad naman ako at nagpasalamat bago tuluyang lumabas. Nakangiti ako habang bitbit ang paperbag na naglalaman ng gift ko para kay Mommy.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sina Mommy na nagtatawanan habang naglalagay ng gamit sa likod ng sasakyan nila.
Aalis ba sila?
Bumaba ang tingin ko sa paper bag na dala bago muling nag-angat ng tingin at nagkataon namang lumingon si Mommy sa direksiyon ko.
Itinaas ko ang kamay ko para kumaway sa kaniya pero agad na nabura ang ngiti sa mga labi niya at iniwas ang tingin sa'kin.
Nabigla ako sa ginawa niya. Alam kong nakita niya ako. Our eyes met! Pero bakit hindi niya ako pinansin?
Naluluha kong ibinaba ang kamay na nakataas pa rin sa ere. Nakita kong bumalik ang ngiti sa mga labi niya habang kausap ang mga kapatid ko.
Nakita kong umakyat na si Tito sa driver's seat, at ganoon din ang mga kapatid ko na pumasok na sa backseat ng sasakyan nila. Nang humakbang si Mommy, akala ko ay pupuntahan niya muna ako. Pero dumiretso lang siya sa passenger seat at sumakay na parang walang nangyari. Na parang wala ako roon. Nasa may gilid ako ng gate kaya naman ay hindi ako kita mula sa loob.
Bumukas ang gate at nakalabas na roon ang sasakyan nila nang hindi man lang tumitigil.
"Mommy..." lumuluha kong bulong habang tinatanaw ang papalayong sasakyan nila. Hindi man lang niya ako nilingon.
Gaano ba kahirap ang kitain ako, Mommy?
"Ma'am?" Napatingin ako sa guard na takang nakatingin sa'kin.
"Sana po ay pinara niyo, Ma'am. Pupunta sila sa resort para i-celebrate ang Mother's Day." Mapait naman akong napangiti sa sinabi ng guard.
"Hindi na, Kuya. Pakibigay na lang 'to kay Mommy. Pakisabi Happy Mother's Day," malungkot kong saad habang inaabot ang paper bag sa kaniya.
Agad akong tumalikod sa kaniya nang tuluyan niya na iyong makuha mula sa'kin. Tumakbo ako palabas ng subdivision at naghintay ng taxi pero walang dumadaan. Mayamaya lang ay biglang bumuhos ang ulan. Mas lalo lang akong napaiyak sa nangyayari. Napaupo na lang ako sa gilid at doon nag-iiyak.
Gusto ko lang namang makasama ang mommy ko. Wala naman akong ibang gusto kun'di yun lang. I just wanted to know how it feels to be taken care by her.
Kahit hindi niya na ako alagaan, kahit makasama ko lang siya. Lumaki ako ng iilang beses ko lang siyang nakita, ilang beses ko lang ding narinig ang boses niya. Ni hindi ko siya nakakausap nang matagal sa telepono.
Gusto ko lang naman ng pakiramdam na may nanay rin ako. Na hindi ko kailangang makihati sa nanay ng kaibigan ko. Gusto ko lang marinig na tawagin niya akong anak.
"Mommy, gaano ba kahirap yun?" umiiyak kong bulong sa hangin. Basang basa na ako pero wala na akong pakialam.
Ang bigat-bigat ng loob ko sa tuwing maaalala ko ang ginawang pag-iwas ng tingin ni Mommy sa'kin.
Ano bang mali sa'kin? Bakit ayaw niya sa'kin? Hindi niya ba ako mahal?
Natigilan ako sa lahat ng iniisip ko nang makakita ng isang pares ng mga paa sa harap ko. Ramdam ko rin ang pagtigil ng pagpatak ng ulan sa katawan ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang maamong mukha ng lalaki na nakadungaw sa'kin. He was holding an umbrella.
"Don't cry while raining, hindi nila makikitang nasasaktan ka dahil sa ulan," ani niya habang nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
He (COMPLETED)
Gizem / GerilimHe watches. He waits. He knows everything about her. Que Ramirez's life takes a terrifying turn when she starts receiving cryptic messages from an unknown stalker. At first, they seem like a cruel joke-until the threats become real. Someone is follo...
