XI

109 5 0
                                    

"Jaya, calm down!" pilit na pagpapakalma sa'kin ni Enrique habang kausap niya sa cellphone si Detective Magsaysay.

Tumigil ako sa kakatanong at tahimik na lang na umupo sa sofa at inantay siyang matapos sa katawagan.

I was so worried. Tatlong araw nang nawawala si Que at wala pa silang balita kung nasaan ito. Malakas ang kutob ng mga awtoridad na ang stalker niya ang dumukot sa kaniya.

Hindi rin nakatulong ang hinala ng detective na parehong tao rin ang pumatay sa bodyguard ni Que.

"Let's go. Puntahan muna natin si Jacque sa school. Kinausap daw niya ang security para matingnan ang CCTV footages." Agad naman akong tumayo at akmang lalakad na palabas ng bahay nang maramdaman kong hinuli ni Enrique ang mga kamay ko. Nang lingunin ko siya ay bahagya niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap.

"Mahahanap din natin siya, Jaya. Gagawin natin ang lahat para mahanap si Que." Napapikit na lang ako at pilit na kinalma ang sarili.

"Ma!" salubong ni Jacque sa'min sa labas ng Admin's Office ng university. Niyakap ko rin pabalik ang anak ko bago ko siya tanungin kung may balita na.

"Ayaw nilang ipakita sa'kin habang wala pa kayo." Naawa naman ako nang mapansin ang malalim na eyebags sa mga mata ng anak ko.

I know Que's disappearance's taking a toll on my daughter. Hindi sanay si Jacque nang wala si Que. They were like twins ever since.

I am a mother of two. Pantay ang pagmamahal ko sa mga anak ko. Hindi man nanggaling sa'kin si Que, pero anak ko siya. At ikamamatay ko kung may mangyaring masama sa mga anak ko.

"Let's go inside," aya ni Enrique at nauna nang pumasok sa loob ng opisina.

"Judge Lim," bati ng kung sino sa loob na tinanguan lang ng asawa ko.

"Pwede ba naming makita ang CCTV footages? My daughter's missing and we would like to see when was the last time she was seen." Sandali kaming binalingan ng lalaki bago ito tumango at ginabayan kami papasok sa control room nila.

Pagkapasok sa control room ay binigyan kami nina Jacque ng mga upuan pero wala ni isa sa'ming tatlo ang umupo roon, mas pinili naming tumayo sa likuran ng operator.

"Can we check for the footages three days ago?" Tumango naman ang operator at nag-umpisa nang maniubrahin ang mga screen. We watched a lot of footages, but we rarely see my daughter on it.

"Jacque, anong oras ba umalis si Que para pumasok?" tanong ni Enrique sa anak namin. Binalingan din ng operator si Jacque para hintayin ang sagot nito.

"Sabay kaming pumasok, Pa. Mga around seven-thirty po." Agad na binuksan ang footage from that time.

"Saang gate kayo dumaan, Miss?" the operator asked.

"Sa Gate 7, Kuya."

Inisa-isa namin ang mga taong pumapasok sa gate hanggang sa ipakita na noon si Que at Jacque. Sinundan namin ang sunod na naging destinasyon nilang dalawa. Halos maluha ako nang makita ang masiglang mga ngiti sa labi ng mga anak ko. I gave Jacque a sad smile when I felt her arms around me, trying to comfort me.

We continued watching Que walked around the campus the whole day. Nothing is out of normal not until the footage at two pm that day. Tumatakbo si Que papunta sa kung saan at nakasunod sa kaniya ang isang lalaki.

"Trey?" Lahat kami ay napatingin kay Jacque nang marinig namin siyang bumanggit ng pangalan.

"He's a friend of ours po," balisa nitong sagot sa mga nagtatanong naming tingin.

"Can you contact him, hija? We can ask him what happened next," ani Enrique bago namin sinulyapan ang huling footage kung saan pumasok sila sa sasakyan ni Trey.

"I can't, Pa," naluluhang sagot ni Jacque. Napakunot naman ang noo ng asawa ko dahil sa reaksiyon ng anak namin.

"Bakit?"

Muling bumalik ang tingin niya sa footage na nagpe-play ng paglabas nina Que at ng kaibigan nila ng campus.

"Ma, Trey's been missing for days too." Nanlaki ang mga mata naming lahat sa loob ng control room dahil sa sinabi niya.

Napabaling kaming lahat sa may pintuan ng control room nang may biglang kumatok. We saw a man walked in confidently inside the room.

"Sir Walters!" bati ng operator sa kaniya. Tinanguan naman ng guro ang operator bago kami nito binalingan at nginitian.

"Good morning, Ma'am, Sir, and Miss. I've heard about what happened to Que. I am one of her professors, I'm Drake Walters," pagpapakilala nito at iniumang ang kamay sa harapan namin. Enrique immediately took it and proceeded with the handshake.

"Ilang araw ko na nga hong napapansin na wala si Que sa klase. I asked one of her classmates at ang sabi ay mukhang nawawala raw." Binalingan nito si Jacque na nakatingin sa kaniya.

"You asked some of them?" tanong niya sa anak namin na tumango naman. Bumaling naman ang guro sa'min.

"May balita na po ba?"

"Wala pa rin kaming idea kung nasaan siya. But the last time she had been seen was three days ago, kasama yung kaibigan niya." Bumaling ang tingin niya sa monitor.

"May I see?" Muling ibinalik ng operator ang scene kung saan nakitang tumatakbo si Que at ang binatang si Trey.

"Falcon?" Napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakakunot ang noo niya habang tinititigan ang screen.

"Isn't this her boyfriend?"

"Boyfriend?!" gulat naming ulit ni Enrique bago binalingan si Jacque na nagtataka ring nakatingin sa guro.

"Hindi po boyfriend ni Que si Trey, Sir."

"Hindi ba? Pero madalas ko silang nakikitang magkasama. Falcon usually waits for her classes to end."

"Naku, Ma'am. Baka ho nagtanan na ang dalawang 'to," ani ng operator sa'min.

"Mapusok pa naman ang mga kabataan ngayon," dagdag pa nito.

"My sister wouldn't do that, Sir. At kung talagang boyfriend na nga niya si Trey, sasabihin niya yun sa'kin," pagtatanggol ni Jacque kay Que.

She's right. Kung totoo mang may relasyon ang anak ko sa binatang kasama niya ay tanggap naman namin iyon. Hindi na nila kakailanganin pang magtanan.

"Ma." Napatingin ako kay Jacque nang papasakay na kami ng sasakyan.

"Yes?"

"Mauna na kayo ni Papa. May titingnan lang po ako," giit niya at nagmamadaling tumakbo papalayo.

"Sa'n ang punta n'on?" tanong ni Enrique na sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng anak namin.

"Hindi ko alam, mauna na raw tayo," kunot ang noo kong sagot bago sumakay ng sasakyan habang nananatili ang mata sa direksiyon kung saan siya pumunta.

He  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon