Chapter 9

371 10 1
                                    


Chapter 9

Yourself


I dialed Liam's number to talk to him, again. Naudlot kasi ang pag-uusap namin dahil sa pagpunta ng bunsong Chua.

"Sup," bungad ko.

"Hey, aalis na muna ako, Yen. May activity pa kasi kami sa school," aniya mula sa kabilang linya. Naririnig ko pa ang pagbukas at pagsara ng zipper ng kaniyang bag.

"Backpack na naman ba ang dala mo?" Natatawang tanong ko na para bang hindi ko alam ang sagot.

"It's me, Liam. You already know the answer," I chuckled.

"Sige na, mag-ingat ka," paalala ko sa kaniya.

"I will. Siya nga pala, 'wag mong sarilihin 'yang problema mo, ha? Pwede mo akong sabihan at makikinig ako, kagaya ng ginawa mo. Life isn't constant and you shouldn't blame your life. Malay mo bukas, hindi ka na malungkot," my heart felt so warm and my tears are pooling down.

"Tse, ikaw ang dapat kong sinasabihan ng 'yan," bago pa ako tuluyang maiyak ay binaba ko na ang tawag. Iniwan ko sa kama ang aking telepono at dumiretso sa banyo.

Napatingin ako nang maigi sa aking sarili sa pamamagitan ng salamin.

I look the same but feel the opposite thing. I was happy. Am I happy right now? Hindi ko masagot 'yong isang tanong na sa akin mismo nanggaling. Paano ba nasasabing masaya ka? Kapag ba nakangiti at palatawa ka? Kapag ba hindi ka umiiyak sa harapan ng iba dahil sa problema? I don't really know what happiness means.

They said that there are so many reasons to be happy. Maybe for some. But for me? I can't find that happiness. It feels like it's far away from me, somewhere I don't know. Happiness is not a chance, it's a choice. Do I need to choose between two or more things just to be happy?

I smiled in front of the mirror, trying to see if there's any glimpse of happiness, but I found nothing but pain. This isn't neither the best day to cry nor lock yourself in a bathroom with sadness hugging you tightly. Para bang bomba itong nararamdaman ko. Naipon. Lumaki. Sumabog. Iyong tipong kahit matagal ng nangyari iyong mga pumapasok sa isip ko'y hindi pa rin mawala-wala. Tila nakabaon na sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng pressure dahil ako ang panganay. Nararamdaman ko rin iyong bigat mula sa nakaraan. Hindi ko man madalas sabihin ngunit nararamdaman ko. Ramdam na ramdam kong bumabalik lahat ng sakit at bigat na pilit kong binalewala noon.

I feel so empty, each day and night.

I laughed at myself. How come I blamed my life for having a bad day? I only had a bad day, not a bad life. I only had unfair moments but not unfair life. Liam was right, life is not constant and I shouldn't blame the life that I have. Who knows, maybe someday, I will just laugh at myself for crying silently inside this bathroom.

"Cayene," dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ang pagtawag sa akin ni Mama.

"Po?" sagot ko.

"Ano bang ginagawa mo riyan sa banyo?"

"Naghuhugas ng paa! Ang dumi na kasi ng paa ko," pagsisinungaling ko at binuksan ang gripo tsaka naghugas ng paa.

"O, siya, sige, bilisan mo at maliligo raw tayo sa swimming pool. Ayusin mo ang paghugas sa paa mo, baka mangitim 'yong pool," parang gusto kong batuhin si Mama ng tabo pero ikinalma ko na lang ang aking sarili.

Imbes na ipagpatuloy ko ang pag-iyak at nagpalit na lang ako ng rash guard at dolphin shorts. Matamlay akong lumabas sa kwarto ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko siyang naghihintay sa tapat ng pintuan ng kwarto namin.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon