Chapter 35

416 11 0
                                    


Chapter 35

Wedding


Nang tuluyan na siyang makaalis ay ang siya ring pabagsak na pasandal ko sa pader. Nakakapanghina. Ang bigat sa pakiramdam. Sandali pa akonh natulala roon bago ko tinawagan sila Vera.

"Couz, where are you?" Aniya mula sa kabilang linya.

"Parking lot, nandito na ako sa sasakyan," sagot ko.

"Hindi pa tapos 'yong movie, ante," sabad ni Amore.

"Mauuna na lang ako," sabi ko.

"Gaga, sasabay na kami—"

"Sayang 'yong binayad ni Vera, tapusin niyo na lang 'yan. I'm fine here," I assured.
"It's fine, I don't like to make you feel alone diyan. Tsaka baka mamaya may nagtip na kasama kami, e 'di pati kami lalapitan na ng press," si Vera.

"O siya sige, bilisan niyo. Bili niyo na rin ako ng yogurt ice cream. Dali ah," kunwaring pag-aapura ko.

"Kalma bakla, paalis na kami, chill ka lang. Anong flavor ng ice cream mo? Anger issues?" boses ni Amore.

"Omsim," natatawang wika ko.

"Sige na, naglalakad na kami."

"Ge," pinutol ko na ang tawag at naghintay na lang sa kanila rito. Hindi rin naman jaging matagal ang paghihintay ko sa kanila. Nang dumating sila bitbit ang ice cream na pinasuyo ko ay kaagad na rin kaming umalis.

Hindi ko na rin ikinuwento sa kanila ang nangyari kanina. Alam kong sasabihin nila na ang sama ng ginawa ko kay Damon.

Kinabukasan ay excited akong bumangon dahil papasok na ako kila CJ. May flight kami papuntang Agusan Del Norte ngayon. Maaga akong umalis at pumunta na sa airport. Nakangiti pa ako habang naglalakad hila-hila ang maleta na mula sa airlines.

"Baks! Welcome!" Ani Audette at tumakbo palapit sa akin.

"I'm so excited," I giggled.

"Halika na, naroon na si CJ," aya niya at sabay kaming umakyat sa eroplano.

"Doon tayo sa kwarto ni CJ," kumunot ang noo ko. May kwarto siya rito? Pumasok kami roon at laking gulat ko na meron nga talagang kwarto rito sa loob ng eroplano. Kung tutuusin ay may kalakihan ang eroplanong ito kumpara sa ibang mga eroplano rito sa airlines ni CJ. Mukhang ito lang din ang eroplanong mayroong kwarto niya.

"Good morning, baks! Good luck," she said then hugged me. Inayos namin ang sarili at inayos ang mga tray. Si Audette ang nagdemo ng tungkol sa safety samantalang si CJ ang nag-aanunsyo bukod sa piloto. Samantalang ako, ay kasama lang ni Audette. Taga-bigay ng pagkain sa mga nais kumain at uminom.

"Good morning, dear passengers. Flight BA14 is now heading from Manila to Bangcasi Airport, Butuan City. Please stow your luggage in the overhead bin. We invite you to fasten your seatbelts and keep your tables in an upright position. Please refrain from running while we are on air..." Dinig kong anunsyo ni CJ sa speaker.

Matapos ang mga dapat gawin bago ang paglipad ng eroplano ay bumalik na si CJ sa kaniyang kwarto.

"Nice," papuri ko.

"Samahan mo si Audette mag-alok ng pagkain mamaya pati na rin 'yong may kailangan ng assistance ng cabin crews," utos niya bago naupo sa kaniyang upuan at naglabas ng sandamakmak na papel.

"Noted," sagot ko.

Hindi ko na tinanong kung anong mayroon sa mga papel na 'yon, alam ko namang papeles 'yon tungkol sa negosyo. Araw-araw ba namang may ganiyan sa opisina ko.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon