Chapter 16

327 8 1
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song used: Everytime by A1

Chapter 16

Captivated

"Anong meron?"

Tanong ko sa sarili ko nang mapansin ang pagiging tahimik ng buong lugar. Natatakot ako pero tinatatagan ko ang loob ko. Tanging ilaw lamang mula sa telepono ko ang nagsisilbi kong ilaw. Kinuha ko ang telepono ko para tingnan kung may text na siya pero wala pa naman. Nasaan naman kaya 'yon?

Habang naglalakad ako ay may narinig akong kaluskos sa kung saan.

"Sino iyan?" tanong ko pero walang sumagot. Hanggang sa may narinig akong naglalakad palapit sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil may nakatakip dito. Dali-dali kong tinawagan si Damon pero nakapatay ang telepono niya. What the fuck is going on?

"Damon, nasaan ka na ba," Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya para humingi ng tulong.

"Anong gagawin niyo sa akin?" Pinilit kong huwag manginig ang boses ko. Nang lumapit na ang isa ay sinunggaban ko ito ng malakas na suntok. Tumakbo ako at patuloy sila sa paghabol sa akin.

"Holy shit, nasa panganib si Damon!" Sigaw ko at pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ka pwedeng umiyak, Cayene, nasa gitna ka ng peligro. Kailangan mong alamin kung anong lagay ni Damon. I can't let him be in danger.

Sinubukan kong tawagan si Mama pero hindi rin ito sumasagot. Sinubukan kong tawagan si Audette pero naubos na ang baterya ng telepono ko katatawag sa kanila.

"Huwag ka ng tumakbo miss, hindi ka makakawala sa amin," nagtaasan ang aking mga balahibo dahil sa sinabi ng isang lalaki. Lumapit siya sa akin at pinagsusuntok ko naman siya. Habang ang isa naman ay hinawakan ang mga kamay ko at patuloy naman ako sa pagpupumiglas. Mierda!

"Bitiwan niyo ako! Punyeta!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Gago! 'Pag ako nakawala rito pasasabugin ko ang mga bungo niyo! Iisa-isahin ko kayo," Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinalian pa iyon ng lubid. Nakatali ang mga kamay ko tanging mga paa ko lang ang wala. Tinadyakan ko nang malakas ang paa ng isa at inuntog ko ang aking ulo sa isa pa.

Malaya na sana akong makakatakbo nang mahabol nila ako.

"Bitiwan niyo na 'ko!" Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas ngunit tinakpan nila ang ilong ko ng panyo at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako na nakaupo sa isang upuan pero wala na akong tali sa kamay. Mabilis akong nag-obserba at nakiramdam. Tiningnan ko ang paligid at wala namang katao-tao kaya tumayo agad ako para makatakas kaso ay narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Lately, I'm not who I used to be,
Someone's come and taken me
Where I don't wanna go...
If I knew, exactly what I have to do,
In order to be there for you
When you we're feeling low...

Agad kong hinanap ang boses na iyon at nasagot ang lahat ng bumukas ang mga ilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatayo sa isang maliit na stage, kumakanta habang nag-gigitara.

And all the things we ever wanted,
We're once yours and mine
Now I know we can revive it,
All the love we left...

Ngayon ko lang napagtantong nakatayo ako sa gitna ng isang puso na gawa sa nagkalat na petals ng rosas. Habang ang buong paligid ay may mga lobong nakasabit na pinaghalong pula at ginto ang kulay. Guminhawa ang pakiramdam ko nang makitang ligtas siya.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon