Chapter 10

441 10 1
                                    

DISCLAIMER:  I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Chapter 10

Confession?


Lumipas ang ilang taon at nakapagtapos na rin kami ng highschool. Maraming pagkatataon din na kinainisan ko ang mga nagdaang araw, linggo, buwan, at taon. Hindi naging madali, marami rin kasing pinapagawa at minsan ay nagkakasabay-sabay pa.

It was fun. Iyong mga panahon na napupuno ng tawanan ang buong klasroom. Mayroon pang bigla na lang kakanta at tatambulin ang lamesa. Mayroong bigla na lang may dalang mainit na tubig at sachets ng samu't-saring maiinom. Iyong magsusulat sa blackboard ng pangalan ng mga kaklase naming tinutukso sa isa't isa, may biglang sumasayaw sa harapan, iyong class officers na sumisigaw para lang patahimikin ang buong klase dahil may paparating na masungit na Principal.

Masaya iyong mga panahong ganoon. Hindi pa rin nags-sink-in na tumatanda na talaga ako't marami ng nagbabago. Ang bilis ng takbo ng oras, kung kahapon ay dumadaldal pa ako sa aking mga kaklase, ngayon ay panibagong yugto na ang tatahakin ko.

"Oh my God! Congratulations, hija," Bati ni Mama sa akin.

"Gracias, mama," Sabi ko sabay yakap sa kaniya at kay Charles.

"Yen! Picture tayo!" Tawag ni CJ sa akin at sinenyasan ako na lumapit doon para makuhaan kami ng litrato.

"1... 2...3... Smile!" Sabi ni Kuya AJ at ngumiti naman kami. Naroon ang buo nilang pamilya upang ipagdiwang ang pagtatapos namin ng hayskul.

"Congratulations, graduates!" Bati ng Dean at inihagis namin ang aming mga sumbrero. Nakapagtapos ako bilang first honor. Si Audette bilang third honorable mention. Salutatorian si CJ, at syempre nakuha ni DJ ang pinakamataas na rango, Valedictorian.

Ang sarap isiping malayo pa bago ako makapagtapos, ngunit malayo na rin ang nararating ko. Pakiramdam ko ay may narating na ako kahit hindi pa man ako nakapagtapos ng kolehiyo.

"Mamaya may celebration sa mansion. Magpunta kayo," anunsyo ni President Luis.

"," tugon ko. Kumain kami sa labas kasama ang pamilya nina CJ at Audette. Pagkatapos lahat kami ay nanood sa sinehan, namili ng mga damit, at kung ano-ano pa.

"Regalo namin sa inyo," abot ni Tita Caspian sa isang maliit na kahon. Binigyan kami ni Audette ng isang pares ng gintong pulseras. Samantalang ang sa magkapatid ay surpresa na lamang daw. Si Mama naman ay sa susunod na lamang daw ang regalo. Sinabi niya pa na ikatutuwa ko iyon.

"Thank you po, Tita," sabay naming sabi ni Audette.

"Grabe, ang saya-saya!" Sabi ni DJ na bakas sa mukha ang tuwa dahil sa nangyari.

"I know right. Anyway, next week na iyong debut ko. Magpunta kayo," Sa susunod na linggo kasi ang kaarawan ko at tutungtong na ako sa legal na edad. Si DJ ay noong nakaraang buwan pa kaya sa aming lahat ay ako talaga ang bunso.

"Oo naman!" Sabi nila. Napakagarbo ng pinagganapan ng debut ni DJ. Nakailang palit din siya ng gown at dagsa ang mga bisita. May mga nakita pa nga akong mga artista at sikat na tao sa kaarawan niya. May tatlong layer ng cake na animo'y pangkasal, at ang mga regalo? Malabodega.

"Bar tayo," Saad ni Ate BJ.

"I'm not into alcoholic beverages. Pagkatapos na lang ng celebration ng birthday ko," nahihiyang sabi ko. Tuwing nag-aaya kasi sila ay hindi ako nakakasama. Minsan ay nakakasama pero hindi naman ako umiinom. I don't like the smell and its bitter taste.

"Uuwi muna kami para makapagpalit," paalam ni Mama sa kanila.

"O, sige, basta ba ay pupunta kayo sa mansion mamaya at doon na kayo maghapunan," wika ni Attorney Avril.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon