Chapter 4

577 13 0
                                    


Chapter 4

Him


Kakatapos lang akong gamutin ng nurse na narito at hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kaniya.

"Salamat sa pagdala sa akin dito, aalis na ako," akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako.

"Dito ka muna, may sugat ka pa," sambit niya sabay turo sa sugat na natamo ko.

"Maliit lang naman, ayos lang po ako," agap ko.

"Drop the po, you can call me Lucas," aniya. Kanina pa siya nagpapakilala tapos ako hindi niya kilala. Do I need to introduce myself? For what reason? I sighed and introduced myself. He helped me though, it's so rude for not telling my name.

"By the way, I'm Cayene Varene," pakilala ko sa kaniya sabay lahad ng kamay. Ang lambot ng kamay niya at malainis ang mga kuko na animo'y kamay ng isang babae.

"Junior high?"

"Yeah, ikaw?"

"Senior high," senior highschool pa lang siya?

"Huminto ka ba? I mean, kasi nineteen ka na sabi mo—" mukhang nakuha niya ang sasabihin ko.

"Late na ako nag-aral," sagot niya at nabakas ko ang kaniyang pagkapahiya.

"Ah, okay lang 'yan," tanging nasabi ko't tumango. There's nothing wrong of studying late nor studying early. As long as you're determined to study, then so fucking be it.

"Naglunch ka na?" Tanong niya tapos umiling ako.

"Let's go," akala ko ba mamaya pa ako aalis dito? I want to ask him that question to kinda avoid him, but hunger is rolling down my stomach. Hunger is calling me so I came with him. I am not fond of being associated with women, men, or anyone that I am not closed with. I find myself friendly, pero kapag umaarte lang ako. Kapag hindi ko lang kailangang magtago, wala akong balak makipagkaibigan sa iba.

"Where do you want to eat?" Ingles na tanong niya sa akin.

"Kahit saan na lang," sagot ko. Hawak-hawak niya ang palpulsuhan ko habang naglalakad kami. Halos mabali na nga ang leeg ng mga tao katitingin sa amin. As if we're celebrities roaming 'round town.

"Get off," utos ko sabay turo sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nagmumukha akong bata na anumang oras ay mawawala kung makahawak siya.

"Sorry," pagkasabi niya ay binitawan niya iyon. Pumasok kami sa isang restaurant at sa tingin ko ay mamahalin dito. Kinuwenta ko ang pera na nasa wallet ko at limang daan lang ang laman. Uutang muna ba ako? Nahihiya akong magsabi na sana sa ibang lugar na lang kasi tubig lang ang maaafford ko rito. Bakit naman kasi rito pa kami sa mamahaling kainan, e, wala akong dalang extrang pera o credit card man lang. Mierda! Mamasahe pa ako mamaya at malayo kapag nilakad ko, 'no!

Nang makapasok kami ay sa bandang likuran kami pumwesto. Kakaunti pa lang ang mga customer at maaliwalas ang buong lugar.

"Lucas., pwede bang... uhm... ibigay mo na lang iyong kalahati ng bill—" kinakabahan akong magsabi sa kaniya na sa iba na lang o 'di kaya'y sa cafeteria na lang ng school.

"Don't worry, it's my treat. Ako naman ang nagyaya sa iyo rito. Chill ka lang riyan," para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Pinasadahan ko ng tingin itong nasa harap ko ngayon. Mukha kaming magkaedad dahil kaunti lang ang pagitan ng height namin. Plus the fact that he looks like we're on the same page.

"What do you want?" He cautiously asked.

"Pasta with grilled shrimp, and Mac 'n cheese," wika ko habang nakaturo sa menu na nasa kamay ko.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon