Chapter 18

299 6 5
                                    


Chapter 18

Resto Oh No!


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Papa," walang pag-aalinlangan ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Anak ko," garalgal na ang tinig niya. Niyakap niya ako nang napakahigpit, nagbabakasakaling mqpunan ang mga yakap na hindi ko natamasa mula sa kaniya sa loob ng mahigit isang dekada. Pinagtitinginan kami ng mga tao roon na animo'y mga artista kami na gumagawa ng nakakaiyak na eksena.

"Pa, ano pong nangyari? Qué sucedió? I want to know what really happened to you," Panimula ko matapos kong kumalas mula sa pagkakayakap sa aking ama.

"Napakahabang istorya anak," aniya at yumakap ulit sa akin. Ang tagal kong nangulila sa yakap ng isang ama, sa haplos at hawak niya. Napakatagal kong nangulila sa sarili kong ama. Ang hirap bumitaw mula sa yakap ni Papa. Ilang taon kong tiniis na walang ama sa buhay ko.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay tumunog ang telepono ko na agad ko namang sinagot.

"Ano?" Pagsagot ko rito.

"Nasaan ka na, 'day? Kanina ka pa namin hinihintay dito, pababa na kami," ani Audette sa kabilang linya.

"Narito ako sa tapat ng binilhan natin ng damit."

"Okay, malapit na kami, kita ka na namin— oh my God! Who is that?!" Dinig kong sabi niya. Agad ko silang hinanap at nakita kong nanlalaki ang mga mata nila nang makita kung sino ang kasama ko.

"Iyan na ba sina Cathy Jane at Audette?" Tanong ni Papa nang matanaw ang dalawa na nasa escalator.

"," I answered. Agad kong sinenyasan ang dalawa na lumapit dito at bakas pa ang pagkailang habang papalapit sila sa amin.

"Tito Dion," gulat pa ring tawag ni Audette kay Papa. Tiningnan ko naman si CJ at mariin lang siyang nakatitig kay Papa na para bang sinisipat ang bawat kilos at hitsura niya.

"Cayene," CJ secretly called me and questioned me through her eyes. I shrugged my shoulders and gave her an "I-don't-know-what's-going" look.

"Kumain muna tayo," aya sa amin ni Papa at sumama na agad kami. Pagdating doon ay tinawag ni Papa ang waiter para makapag-order kami.

"Pa, alam po ba ni Mama—" naputol ang itatanong ko dahil nagsalita na agad siya.

"Hindi niya alam dahil ngayon lang din kita nakita," malungkot na sagot niya.

"Tito Dion, do you mind if I ask you? Paano po kayo nakasurvive roon sa aksidente?" Sabat ni CJ.

"Masyadong mahaba kung ikukwento ko pa, mabuti pa at kumain muna tayo," pag-iiba niya ng usapan. Kumain na kami at pagkatapos ay nagpasya ng umuwi. Sinabi ni Audette na sasabay na lang daw siya kay CJ dahil nahihiya siya. Nagpresinta kasi si Papa na ihahatid niya ako sa bahay.

"Pa, halika," aya ko sa kaniya papasok sa bahay. Paano niya nalaman ang address namin kung ngayon niya lang naman ako nakita?

"Nariyan ba ang Mama mo?" Tanong niya sa akin.

"Opo, sabi niya kasi wala raw po siyang pasok," nauna na ako para siguraduhing narito sina Mama at Charles. Excited akong makita niya silang dalawa.

"Ma," pagtawag ko sa kaniya ngunit wala namang sumagot. Hinanap ko siya at tiningnan ang buong parte ng bahay pero hindi ko talaga sila makita.

"Nasaan naman kaya sila? Wala naman silang sinabi na aalis sila," saad ko sa aking sarili. Nasagot lang ang tanong ko nang tumunog ang aking telepono.

"Ma," ani ko.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon