Epilogue

1K 14 5
                                    


Epilogue

Finale

"Hijo, tigilan mo na ang paghahanap mo sa mga taong 'yon. Hindi na rin naman nila maibabalik ang Papa mo," ani Mama habang sinusundan ako papunta sa silid-aklatan nitong bahay.

"Ma! Do you hear yourself? They killed our father! They killed your husband! And now you want to just forget it? Hindi ko po kayang kalimutan 'yon. I will make them pay for whatever they've done to him," I stopped walking and faced my mother who's now looking at me with pity in her face.

"Damon, listen to me. Revenge will just ruin your life. There are things that we cannot bring back anymore. Believe me, I know it, I've been there a couple times before."

"My life was ruined when Papa died. I don't care what it takes for me to kill them. Hindi tayo pwedeng ganito lang, Ma! Pinatay si Papa! At kung ikaw kaya mong tanggapin iyon, kayo nina kuya at ate, pwes ako hindi! I will never accept the fact that he was killed," may panggigil sa aking tinig.

"Damon! It was never easy for me to accept that he is dead! He is my husband! I love him! Yes, I want to make them pay for what they did to your father. But Desiree and I are doing our best to search for answers. I do not want you to kill people. I left things in the past for you to be safe! And I will never, ever, let you do that. Not unless I am dead," Mama said with full determination.

"I'm prepared to sacrifice my life just to get the justice I want for my father. I will gladly do everything, Mama. Every fucking thing," I said then walked out from her. 

Hindi ko matanggap na kalimutan na lang iyon. Pinatay nila ang Papa ko! Pinatay! Sinadya! My father's a good man, he didn't deserve to die. Alam kong marami siyang kakumpetensya sa larangan ng negosyo kaya hindi malabong dahil doon din ang dahilan. Wala na akong ibang alam na gawain ng Papa maliban sa pagnenegosyo. Hindi rin siya sugarol at laman ng mga casino. He never gambled. I don't see any cause other than business. 

"Bro, look at her, she's so cute," Sean whispered, pointing at the girl eating at the school café. Nasa school kami ngayon, kumakain pagkatapos tumulong maglinis. Parang brigada eskwela sa ibang paaralan.

"Kumakain lang 'yong tao, pinapakialam niyo pa," sabi ko. Hindi ko maitatangging maganda ang babaeng tinutukoy nila. Kakaiba ang dating niya. Para siyang mahinhin at malumanay na tao.

"Akala ko si Emma Watson gagi. Napatingin ulit tuloy ako, kamukha niya kasi. Morena version siya ni Emma," Lucas said.

"Cute niya gagi, sarap kurutin ng mga pisngi niya," Felix said in agreement.

Pinagmasdan ko ulit iyong tinutukoy nilang kamukha ni Emma Watson. Hindi mawala ang tingin ko sa kaniya at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang tumingin siya sa akin. She looked at me with amusement in her eyes. I want to look away but there's this feeling that a thread is pulling me to only look at her. It felt like I was under some sort of spell. 

"She's young," sabad ni Kuya Donny na kararating lang.

"Sa'n ka galing, bro?" Tanong ni Lucas at ininguso lang ni Kuya Donny ang faculty bilang sagot.

"Ano naman ginawa mo ro'n?" Pag-uusisa ni Sean.

"Inutusan ako ng Prof. na tulungan 'yong janitor na linisin 'yong printer nila sa faculty," sagot niya tsaka kinuha mula sa aking kamay ang inumin.

"Tangina naman, Kuya. Akin 'yan, kadiri na, may laway mo na," pagrereklamo ko't napakamot pa sa aking ulo.

"Arte mo tanga, magkapatid naman tayo," tugon niya.

"Anyway, how old is she? Ngayon ko lang 'yan nakita rito— oh walang malisya, ha. Nagtatanong lang ako, kung makatingin naman kayo," depensa ko nang mapansin na nagtitinginan silang apat— tinginan ng mga may iniisip na naman.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon