Chapter 8

414 11 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song title: Walking in the rain by A1

Chapter 8

Cry


"Nariyan na sila!" Sigaw ni EJ at nagsitinginan sila sa amin. Tinaasan ako ng kilay ni Audette at umiling na lang ako nang mapagtantong may iniisip siya sa amin ni Damon.

"Dito na kayo maupo," sabi ni CJ at umusog sila para makaupo kami. Tumabi ako kina Audette at CJ samantalang siya ay kasama ng kaniyang Kuya sa kabilang dulo.

"Tara, kuha na tayo ng pagkain," aya nila at tumayo ulit ako para kumuha ng pagkain. I got a bowl of cereals and a glass of water.

"Iyan lang kakainin mo? Baks, lugi ka sa buffet," saad ni CJ nang mapansing kaunti lang ang kinuha ko. Tiningnan ko ang mga plato nila at ang daming nakalagay doon. Mauubos ba nila iyon? Pakiramdam ko ay kukulangin ang isang plato para roon. Kaya gumaya na rin ako sa kanila. Kumuha ako ng shrimp omelette, bacon, at carbonara.

Bumalik na ako sa lamesa namin at naabutan kong kumakain na roon sina DJ at EJ.

"EJ, slow down," saway ko nang makitang sunod-sunod ang pagsubo niya na para bang hindi niya iyon nilulunok.

"I'm hungry, ate Cayene," aniya at hindi pinansin ang sinabi ko. Napailing-iling na lang ako sa katakawan ng batang ito. Kumain na rin ako nang dumating na ang iba at nagkakwentuhan din kami.

"Gutom pa ako," sabi ni EJ.

"Ako rin," sabi ni Audette. Tiningnan ko silang lahat. Gutom pa sila? Alam ko naman kung anong pupuntiryahin nila.

"Desserts!" Sabay-sabay naming sigaw at saka tumayo. Ako na ang nanguna dahil ako ang pinakamatakaw sa amin pagdating sa matatamis. Kumuha ako sa marshmallows at isinawsaw sa tsokolate mula sa chocolate fountain.

"Try this," sabi ng bunsong Chua sabay turo sa isang carrot cake.

"Ayaw ko ng ganiyan, lasang gulay," wika ko pero huli na nang lagyan niya ang plato ko.

"It's healthy, tataba ka agad sa mga kinakain mo. Eat that, it's sugar-free," dagdag pa niya.

"K," maiksing sagot ko at inabala ang sarili sa pagkuha pa ng ibang panghimagas. Nang matapos na akong kumuha ay bumalik na ako sa lamesa namin.

"Ang sarap!" Sabi ko pagkatapos tikman ang carrot cake na inilagay niya sa plato ko. Halos iyon na lang ang kinain ko, hindi ko sukat-akalain na magugustuhan ko pala iyon. How could this carrot cake taste better than the other cakes I bought? Unang beses ko lang nakatikim ng ganoong klase ng pande-krema.

I was busy eating carrot cake when I heard them talking about something.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"EK," sagot ni DJ.

"Weh? Wala akong passport tsaka visa!" Gulat na sabi ko, kunwari. DJ looked at me with "what-are-you-doing? look", and I just smiled teasingly.

"Tanga! EK! As in Enchanted Kingdom," sabay batok sa akin ni Audette.

"Ah," tanging nasabi ko.

"Alam mo?"

"Hindi," at nagtawanan sila.

"You really know how to make someone's day," DJ said then tapped my shoulder.

"Nah, not really," I replied and walked outside. Sumakay kami sa Van papuntang enchanted kingdom. Tinakpan ko ang ilong at bibig ko para hindi ako agad mahilo. Ayaw ko kasi ng amoy ng sasakyan nila, nahihilo ako.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon