Chapter 34

407 9 0
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT. 

Song: Walking in the rain by A1

Chapter 34 

Your Problem


Tumakbo ako papunta sa banyo at iniwan ko na siya roon. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mga luha ko. 

Damn it. It still hurts. It still fucking hurts to see him. It hurts not because I blame him for what he did before but because I blamed myself too late for hurting him. 

Nanalagi muna ako saglit sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung paano ako ulit kikilos paglabas ko. It's so embarrassing! Nakakahiyang umiyak sa harapan niya kanina. 

"A la mierda, Cayene, you can do this," wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas. 

Naglalakad ako nang mapansin ko siyang nakaupo sa gilid at parang malalim ang iniisip. Lalagpasan ko na sana siya dahil nagbabalak na rin naman akong umalis. Ngunit makulit talaga ang buong pagkatao ko ngayon. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko pero may sarili yatang utak ang mga paa ko at dinala ako sa kinaroroonan niya. Naupo na lamang ako sa tabi niya habang nakatanaw siya sa malayo. 

Napansin ko ang panginginig ng kaniyang kamay nang dumako ang mata ko sa hawak niyang beer. 

"Are you okay?" Seryosong tanong ko at tanging pagtango lamang ang naging tugon niya. Itinikom niya ang kaniyang kamao marahil ay para itago ang panginginig ng kaniyang kamay. Gusto ko pa sanang magtanong, kaso ayaw ko ring maramdaman niya na nangingialam ako sa buhay niya. 

Naging tahimik lang kami roon at walang umiimik. Ni isa sa amin ay walang nagsalita at pinakikinggan lang namin iyong tugtog na pamilyar sa aming dalawa. 

Wear my mask in silence,
Pretending I'm all right
If you could see then you would be,
Here standing by my side... 

It maybe hard to believe
But girl you're the only one I need
It maybe hard along the way
It's this the feeling I get
When blue skies turn to grey... 

"Ayos," pilit akong ngumiti matapos kong sabihin 'yon. 

"Our theme song, it was our theme song," sabay pa naming singhal at nagkatinginan pa nang mapagtantong pareho pa rin naming naalala ang kantang 'yon. 

Feels like I'm walking in the rain,
I found myself,
Trying to wash away the pain
'Cause I need you to, 
Give me some shelter
'Cause I'm fading away,
And baby, I'm walking in the rain... 

Sinabayan ko ang kanta at ganoon din siya. Tsaka ko lang naramdaman na nakakamiss din pala ang boses niya, matagal na rin nang marinig ko siyang kantahin itong kanta na 'to kaya naman hindi ko maipagkaila ang pait at tamis na nararamdaman.

Of all, we've said and done,
Remains the memories,
Of days when life was fun
But now, that you're gone,
I sit alone to watch,
The setting of the sun...

Nagsabay kaming dalawa sa pagkanta at ginawang mikropono iyong lata ng beer doon. 

"I said baby, I'm walking in the rain," pagkanta niya sa huling bahagi ng kanta habang nakatingin sa akin. Kaagad din siyang nag-iwas ng tingin nang tumikhim ako. 

It is awkward. Very awkward.  

Kung noon ay kaya ko siyang lapitan, kausapin, at tingnan nang matagal na para bang kasali ako sa paligsahan, ngayon ay hindi ko na kaya. Nararamdaman ko ring ganoon din si Damon ngayon.  

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon