Chapter 30

397 8 0
                                    


Chapter 30

Back


Matapos ang interviews at kung ano-ano pa ay umuwi na ako dahil sa sobrang pagod. Pagdating ko roon ay sinalubong kaagad ako ni Vera.

"Oh my God, cousin! Nasa news headlines ka!" Gulat akong napatingin sa kaniya at ipinakita niya ang telepono niya kung saan naroon ako sa balita.

"Wala namang media kanina ah?! Paano nangyaring—" Para akong nabunutan ng tinik nang mapanood kong nakasama ako sa young multimillionaire owners in the world.

"Akala ko pa naman kung ano," I whispered.

"Why? Ano bang ineexpect mo?" Kuryosong tanong niya kaya wala akong nagawa kundi ang ikwento sa kaniya ang nangyari kanina. Wala naman akong balak pang ikuwento 'yon kay Vera dahil sigurado akong magiging hysterical at OA kung sakali. Isa pa, kahit hindi ko sabihin ay malalaman niya 'yon kay Amore.

"Kalma! 'Di naman ako namatay, Vera!" Natatawang sabi ko. Pag-awat ko nang akma niyang susugurin iyong babae.

"Sino ba 'yon? Sarap iuntog sa wall," she rolled her eyes as if the girl is with us.

"Galit ka niyan? Pa'no ulit magalit?" Tudyo ko rito.

"Galit ako! Mga 99.9 percent!" Humagalpak ako sa tawa at napahampas-hampas pa sa kaniya.

"Ouch! Walang hampasan, couz! If you wanna laugh, go lang. Just don't hampas me, apa," reklamo niya at natawa na rin sa akin.

"Omo, napapadalas na 'yang pagkorean mo, ah? Kdramas?" I asked.

"Ne, jaemissge bogoiss-eoyo jinjja," sagot niya.

"Sa lahat ng sinabi mo, ne at jinjja lang ang naintindihan ko," saad ko.

"Not my problem, mi amor," hindi ko alam kung saan nakakakuha ng katigasan ng mukha itong si Vera at nagagawa talaga akong asarin sa kahit na anong paraan.

"Speaking of amor," isinenyas ko ang pintuan para ipagbigay alam sa kaniya na may darating.

"Shuta kayo! Hindi niyo man lang ako sinama sa tsismisan niyo!" Boses ni Amore na nakataas ang kilay. Habang tumatakbo siya palapit sa amin ay siya ring pagtunog ng suot niyang heels.

"Why are you here, pangit?" Pang-aasar ni Vera.

"Ba't ka narito, palaka?" Amore fired back.

Nagsimula na silang mag-asaran na parang mga bata. Hindi na ako magugulat kapag nagsaksakan sila. Daig pa nila ang tubig at langis, pero kapag may napagkakasunduan ay animo'y magnet na hindi mapaghiwalay.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang medyo maaga pa naman para magpahinga.

"Bar club tayo mamaya," Aya ko sa kanila.

"Libre mo!" Hindi lang naman sila sa pang-aasar nagkakasunod, pati na rin sa libre.

"Nakanamputcha, may mga trabaho na pero asa pa rin sa libre. Inantong mga 'to " ani ko sabay irap sa kanila na sabay pang nag-apir.

"Dalian niyo na!" Iritadong sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Kalma! Hindi tatakbo ang bar, 'te!" Si Amore.

"Iyong bar hindi, pero 'yong oras, oo! Kapag nagbago ang isip ko hindi na tayo pupunta," nagmamadali nilang hinagilap ang mga dadalhin at kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan. Nauna pa silang sumakay kaysa sa akin.

"Couz! Ano na? Kanina pa kami rito, ang tanggal mo," biro niya pa at napailing-iling na lang ako.

Alas nuebe na nang makarating umalis kami sa bahay at hindi pa kami naghahapunan.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon